[x]

 

Bettina Carlos on her daughter's father: "I prefer not to [talk about it] because he isn't playing any role naman, di ba? And it is okay to talk about it because ang daming tatay ng anak ko in my family and all my friends, all the love that they can give is more than what that single person can give."

Photo: Alquin Flores

Masayang-masaya si Bettina Carlos sa naging kinalabasan ng inihanda niyang first birthday party para kanyang anak na si Gummy.

Summer-themed party ang inihanda ni Bettina kaya naman pati ang outfit ng kanyang anak na si Gummy ay pang-summer din—naka-bathing suit na pula na may nakasulat na "Gummy" sa likuran ang birthday celebrant.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bettina sa naturang birthday party na ginanap noong Sabado, Marso 3, sa Arts in the City sa Global City, Taguig.

"Kasi actually medyo frustration ko 'to!" natatawang pag-amin ni Bettina nang tanungin ng PEP kung bakit summer ang napili niyang tema para sa kaarawan ng anak.

"Kasi, kahit matanda na ako, gusto ko ng kiddie party for myself and that was supposed to be a year before I got pregnant.

"Pero I never had the chance to throw it kasi, number one, Christmas 'yong birthday ko. Parang feeling ko, Sino ba naman pupunta ng birthday ko, e, Pasko, di ba?'

"So, sabi ko, sige sa magiging anak ko na lang.

"E, nataon naman na Marso ang kaarawan ng anak ko, e, di summer talaga.

"At saka mahilig sa tubig 'yong anak ko, hindi siya umiiyak sa tubig. She loves water, perfect talaga."

PARTY PLANNING. Oktubre pa lamang daw noong nakaraang taon ay sinimulan na ni Bettina ang preparasyon para sa birthday party ng kanyang anak.

Kuwento niya, "I'm very proud kasi ako lahat 'to!

"October pa lang, lahat na nagtatatawag na ako. I have no ideas on how to throw a first birthday party kasi in my barkada, ako 'yong unang nagkaanak.

"So, wala naman ako makatanungan sa mga college barkada ko, di ba? So, all I did was research, ganyan-ganyan.

"I didn't get a party planner kasi feeling ko, I have so much time in my hands, why ask somebody else to do it for me if I can do it myself, di ba?

"So, I only got suppliers for the decorations, ganyan, kasi hindi ko na kaya 'yan, hindi ko na forte.