Wala pang bagong serye ang young actress na si Kim Chiu sa ABS-CBN pagkatapos mamaalam sa ere ang seryeng pinagbidahan niya na My Binondo Girl.
Abala muna si Kim sa shooting ng horror film na The Healing, kung saan gumaganap siya bilang anak ng Star for All Seasons na si Vilma Santos.
First time ni Kim na gumawa ng isang horror film kaya aminado siyang nahirapan.
"Medyo mahirap lang kasi horror 'tapos may mga effects-effects, kaya ayun, nakakapanibago,"sabi ni Kim nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, March 11, pagkatapos ng ASAP 2012.
Aminado si Kim na noong una ay medyo nahihiya siya sa mga eksena nila ni Ate Vi, pero ngayon ay wala na raw siyang ilang na nararamdaman dito.
"Mabait naman kasi talaga siya, e," pagtukoy niya sa Batangas governor.
"'Pag na-meet mo siya, close na kayo agad. Parang ganoon. Ganoon ang personality niya."
Si Chito Roño ang director ng The Healing. Kamusta namang katrabaho si Direk Chito?
"Maayos naman siyang magdirek. Nakakatakot, pero at least, matututo ka," sabi ni Kim.
XIAN LIM. Nali-link ngayon si Kim sa dati niyang kapareha sa My Binondo Girl na si Xian Lim.
Kumusta na sila ni Xian matapos ang pinagsamahan nilang serye? Tuloy ba ang panliligaw ng binata sa kanya?
"Ayoko namang sabihin na ano... ayoko namang magsabi na ganoon!" natatawang sagot ni Kim.
"Pero ano... lagi niya akong kinukumusta, then text, 'tapos nagtatawagan kami.
"Kung minsan nagkikita kami,"
Saan sila pumupunta kapag nagkikita sila?
"Minsan nagdi-dinner kami kasama yung mga friends ko."
READY TO FALL IN LOVE AGAIN? Handa na ba siyang pumasok ulit sa isang relasyon?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
71 jammm19
70 zach_anton
69 pepster31
68 pepster31
67 micole
66 sammm888
65 gutsykimmy
64 dhoodzky82
63 alessandraasuncion
62 alessandraasuncion
61 jammm19
60 jammm19
59 alexangel
58 MissHugoBacungan
57 hotmomma29
56 MissHugoBacungan
55 kimxi
54 kimxi
53 kimxi
52 kimxi
more comments