HIS MOTIVATION? Noon bang ginagawa nila ang The Road ay naisip niyang kailangang pagbutihin niya para mapansin siya ng critics o magkaroon ng award?
"Hindi po," sagot ni Alden.
"Ang iniisip ko, kailangan kong galingan para magustuhan po ng mga manonood.
"Isa na rin po sigurong factor 'yon na mapansin sana ako ng critics o ng mga award-giving bodies.
"Pero mas more po ako do'n sa factor na, first horror movie ko po ito and medyo heavy 'yong role.
"Kaya 'yong motivation ko is magampanan nang mabuti.
"Para at least ay hindi naman po tayo mapahiya sa Filipino audience.
"So, iyon po."
Sa The Road ay ginampanan ni Alden ang papel ng isang psycho.
FIRST TRIP IN THE STATES. Bukod sa nomination na nakuha niya para sa The Road, excited na rin daw si Alden sa nalalapit na pagpunta nila sa Amerika kaugnay ng pagpapalabas doon ng nabanggit na pelikula.
"First time ko pong bibiyahe abroad," aniya.
"So, excited po ako talaga kasi dream ko rin pong makapunta sa States.
"And ang dami pong mga nagyayaring first time mula no'ng makapasok ako sa showbiz, e.
"Kaya sobrang thankful na po ako sa Diyos at saka sa GMA Network."
Pinaghahandaan na raw niya ang paglakad sa red-carpet premiere ng The Road sa Amerika.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
13 bignetworkwars
12 iloveacting
11 pearl102
10 alexangel
9 sagit127
8 thunder_1273
7 horacio
6 ka_epal
5 gorgeous_aleck
4 sk8r_boi
3 jagjof
2 BERNARD2010
1 MissHugoBacungan