"Naging comfortable po ako sa company niya. So, naging close po kami after no'n," sabi ni Alden.
Natorpe siya?
"A, hindi naman po siguro!" natawang reaksiyon ni Alden.
"Siguro, talaga lang pong maraming mas dapat na unahin kesa lovelife.
"And hindi naman po sa ayaw ko pang magka-girlfriend.
"Wala pa po, e. Hindi ko pa rin lang siguro nakikita 'yong right one."
ULTIMATE CRUSH. May inamin naman si Alden bago matapos ang interview.
Ayon sa kanya, si Rhian Ramos pa rin daw ang nag-iisang "ultimate crush" niya hanggang ngayon.
"Ever since po talaga, siya ang pinaka-crush ko sa lahat ng female celebrities natin," sabi niya.
Magkasama silang bibiyahe sa U.S. kaugnay ng pagpapalabas doon ng pelikula nilang The Road.
Baka ito na ang pagkakataon na makaporma siya sa aktres?
"For work lang naman po 'yong pagpunta namin sa States," sabay ngiti ulit ni Alden.
Masasabing nasa proseso pa rin ng paggamot ng pusong nasugatan si Rhian. Malay niya, baka ito ang perfect timing para sa kanya na maiparamdam sa aktres ang matinding paghangang nadarama niya?
"Hindi po natin alam!" natawang sabi na lang ng binata.
LOUISE DE LOS REYES. Sa primetime series naman ng GMA-7 na My Beloved, sinasabing unti-unti nang nagkakaroon ng kilig ang pagiging magkapareha nina Alden at Louise delos Reyes.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
13 bignetworkwars
12 iloveacting
11 pearl102
10 alexangel
9 sagit127
8 thunder_1273
7 horacio
6 ka_epal
5 gorgeous_aleck
4 sk8r_boi
3 jagjof
2 BERNARD2010
1 MissHugoBacungan