news

Part 2. Governor Vilma Santos denies conflict with leading man and Batangas board member Christopher de Leon

by Jimi Escala posted on March 21, 2012  STATS: 1309 Views | 16 Comments

Governor Vilma Santos-Recto on rumorored conflict Christopher de Leon: "Well, wala naman. Basta ang alam ko, e, tatakbo raw siyang congressman. Nagsabi na siya sa akin. Magkasundo naman kami at ang balak niya talaga, tatakbong congressman."

Photo By: Noel Orsal

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Governor Vilma Santos-Recto matapos ng parangal para sa pitong outstanding governors ng bansa noong March 19, kung saan isa siya sa honorees, niliwanaw ng Star for All Seasons ang ilan pang isyu kaugnay sa kanya.

CHRISTOPHER DE LEON. May bali-balitang hindi raw sila nagkakasundo ngayon ng paborito niyang leading man na si Christopher de Leon na board member din ng pangalawang distrito ng Batangas? Ano ang katotohanan dito?

"Well, wala naman. Basta ang alam ko, e, tatakbo raw siyang congressman.

"Nagsabi na siya sa akin. Magkasundo naman kami at ang balak niya talaga, tatakbong congressman.

"Pero nagre-rely din siya sa akin at kay Ralph [Recto, Vilma's husband] at sa survey.

"'Pag maganda ang survey niya, papasok naman siya sa congressman.

"Pareho kaming nasa Liberal [Party] ni Boyet. Marami sa mga kasamahan naming ngayon ang gustong mag-Liberal na."

Sabi pa ng gobernadora, "Ang maganda lang sa Batangas, and isa sa talagang ipinagmamalaki ko sa amin sa Batangas, ang karamihan diyan, e, hindi ko kapartido.

"Pero wala akong problema sa samahan namin.

"Isang patawag ko at isang imbitasyon ko sa kanila, e, 'andiyan silang lahat kahit hindi mo sila kapartido. 'Yan ang ikinasuwerte ko sa Batangas.

"The good thing, ang kapalit nito, kahit hindi kita kapartido, kapag kailangan mo at merong sulosyon, e, hindi kita iipitin, kasi kailangan mo, e.

"Kaya siguro, in a way, na-appreciate din ng mga mayor at kaya hindi ko kapartido, isang patawag ko lang, 'andiyan na agad silang lahat.

"Nakita niyo yung VSR party, nandudo'n lahat ang mga mayors.

"Dalawa lang ang kapartido ko doon. The rest hindi ko kapartido and yet they came and gave their cooperation and participation.

"Malaking bagay na sa aming lahat yun."

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  liwayway

    03/23/2012 | 12:12 AM
    incredible...ang layo na ng narating ni ate vi, and not content to rest on her laurels, she still keeps going, and going, and going...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  MissHugoBacungan

    03/22/2012 | 10:51 AM
    SALN and CITIZENSHIP certificate. Dapat i review ang mga assets and liabilities and network ni Christopher de Leon pati na ang citizenship niya dahil VERY SENSITIVE ang position na board member ng Batangas. Kung American citizenship si Boyet, HINDI yan ayon sa constitution ng Pilipinas!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  meanv

    03/22/2012 | 10:22 AM
    PEP, Bakit naman si Ate Vi ang tinatanong ninyo kung may other woman si Boyet? Ano naman alam niya don? Dapat si Boyet ang tanungin ninyo. Last October pa yang tsismis na iniwan daw ni Sandy si Boyet dahil may babae si Boyet. Hindi naman pala hiwalay. May teleserye pa nga eh. Tingnan ninyo yung twitter ni Sandy Sandy_Andolong. Lagi nga silang magkasama eh. Hay naku, may gusto lang mag-intriga, kung anu-ano tinatanong kay Ate Vi. Interbiyuhin ninyo na lang si Boyet. Tingan ninyo ang sagot. Tsaka minsan kahit friends may disagreements lalo na sa pulitika. Normal lang iyan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  cherchezlafemme

    03/21/2012 | 10:03 PM
    Ate Vi Forever! Di ba, Ate Guy?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  hototguy

    03/21/2012 | 05:32 PM
    for boyet, sana ibahin mo istilo mo, nasa first step ka pa lang bilang bokal e, pambababae na inaatupag mo. dapat ung project na tatatak sa mga Batanguenyo. gayahin mo si gob. Vi....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  hototguy

    03/21/2012 | 03:26 PM
    ate Vi, ang galing galing mong sumagot. hindi ka lang mahusay na artista, magaling ka pang pulitiko. kahit saan ka dalhin, pwedeng ipagkatiwala ang kakayahan. thats why i really admire u ate Vi.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  hototguy

    03/21/2012 | 03:23 PM
    TUMPAK nga na INGGIT si misshugo kay ate Vi dahil yung idolo nya, lanta na as in! sabi ko na nga ba e, namumulot lang ng ibabato si hugo sa pusali. okay, ganyan talaga ang mga talunan, kung anu ano na lang ang lumalabas sa bunganga. Cool ka lang hugo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ilyang

    03/21/2012 | 02:56 PM
    I love you Ate Vi. walang kapantay ang narating mo sa showbiz man o sa politics, you achieved everyhting others justs dreamed of. ikaw ang IDOL ko at 2 sisters ko at higit sa lahat ng mother ko. we will always be your loving fans! we can't wait for your next project. take care and God bless!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • JokoNazMan

    03/21/2012 | 12:46 PM
    Ngek, may mga insecure Noranians na naman dito! hahaha. Aba aba wag kayo dito magbabad, may news din para sa idol nyo. Dun kayo mag comment! Ako di ko ako nagsasabi ng bad comment kay Ate Guy kasi di ko naman binabasa news kay Ate Guy kasi di ko sya gusto e! Dapat ganun din kayong mga insecure na Noranians! hahaha. Ampalaya..... Hahahahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • MissHugoBacungan

    03/21/2012 | 12:38 PM
    DENIAL. Of course, walang conflict sina ate Vi at si Boyet de Leon. Wala ring conflict sina ate Vi at si ROMEO vasquez. wala ring conflict sina ate VI at si miss AMALIA fuentes. of course, hindi rin nagkabanggaan noon sina ate vi at si miss CHARITO solis. walang CONFLICT kanino man si ate VI! NOT. Tsuk!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • PEP_peroni

    03/21/2012 | 11:07 AM
    Si boyet nasa political arena na ? hmmm ??
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lhes2004

    03/21/2012 | 10:29 AM
    sana lang nabasa ito ni mega sharon cunetA...quote.."hindi porket kadikit mo eh iboboto mo na! PAK! tumpak! para naring sinabi na "hindi porket kapamilya mo ay pwede mo ng diktahan na iboto ang asawa mo! BOOM!..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • JokoNazMan

    03/21/2012 | 09:40 AM
    Very articulate ang Ate Vi... Yan ang gusto ko sayo! Good luck and more power.... As to Boyet De Leon, totoo man or hindi, he will be responsible and accountable to that... Sana lang di totoo kasi public servant sya e, and he should show good example to all..and for others to follow...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • JokoNazMan

    03/21/2012 | 09:35 AM
    Wow, one of the 7 Oustanding Governors of the Land! Congratulations again Ate Vi... Good luck and more power... Love you!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • meanv

    03/21/2012 | 09:21 AM
    Saan naman galing ang chismis na may other woman si Boyet na taga Batangas? May nakakita ba sa kanya? O pulitika lang?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    03/21/2012 | 08:49 AM
    boyet is an american citizen unless he renounce his u.s. citizenship he is not qualified to run for public office. I dont know why he was allowed to run as board member of batangas.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About