Benjamin Alves, formerly known as Vince Saldaña, is Piolo Pascual's nephew but he doesn't want to take advantage of this relationship to make it in showbiz. He relates how he almost gave up on the prospect of being an actor until he met GMA-7's bigwigs and have him sign a contract—all these without any help from Uncle Piolo. Benjamin is proud of doing it all by himself: "If that's what they see and if that what happens, blessing na po talaga iyon!"

Photo: File photo

May bagong contract star ang GMA 7 na ibi-buildup bilang next Kapuso leading man—si Benjamin Alves.

Dating contract star ng Viva Films si Benjamin—na unang nakilala sa pangalang Vince Saldaña—bago siya nagdesisyong bumalik sa Guam para tapusin muna ang kanyang pag-aaral.

Lumabas na si Benjamin sa mga pelikulang Ang Cute Ng Ina Mo (2007), playing the role of Luis Manzano's best friend, at Apat Dapat, Dapat Apat  (2007) as Pokwang's son; and sa TV shows na Closer To Fame sa ABS-CBN at Posh sa QTV 11.

"Natapos ko na po yung school ko," sabi ni Benjamin nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, Marso 20, sa Dulicinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. 

"Actually, I'll graduate this May. English Literature po yung course ko sa University of Guam.

"Talagang ginusto ko po munang matapos ang pag-aaral ko before anything else.

"Parang there are certain goals na gusto ko pong mangyari. And that was part of it.

"And I'll graduate with honors!" pagmamalaki pa niya.

BACK TO SHOWBIZ. Umuwi raw si Benjamin sa Pilipinas para makipag-meeting sa GMA-7 executives kaugnay ng kontrata niya, pagkatapos ay babalik na siya ulit ng Guam. 

Pagkatapos ng kanyang graduation, babalik siya ulit sa Pilipinas para simulan na ang mga proyektong inihahanda ng Kapuso network sa kanya.

Sabi ng nagbabalik-showbiz na aktor, "Although being absent from showbiz, parang nakakalungkot po. Kasi nami-miss ko talaga.

"Pero I thank God and I thank Mama J [Jonas Gaffud of Mercator] na I had this second blessing.

"And I also thank GMA so much—they gave me a contract."

CONTRACT WITH GMA-7. Ang ama ni Benjamin ay pinsang buo ni Piolo Pascual.

Pero iniiwasan daw ng bagong Kapuso contract star na madikit ang pangalan niya sa popular niyang uncle.