Benjamin Alves on pressure of being Piolo Pascual's nephew: "I think if I have pressure like that, I would be thinking or riding the whole Piolo bandwagon if I have pressure. I've always thought that I have something to offer and it's really who I am, so that's my pressure. To be able to tell who I am, but not to be able to build who I am because Piolo is my uncle... it's totally separate kung sinuman po si Piolo sa akin."

Photo: File photo

Isa sa bagong contract stars ng Kapuso network ang model na si Benjamin Alves.

Si Benjamin ay lumaki sa Guam, U.S.A. Pero noong 2006 ay nagdesisyon niyang subukan ang kanyang kapalaran sa modelling dito sa Pilipinas.

Lumabas siya sa ilang TV commercials at maging sa ABS-CBN nang maging bahagi siya ng reality show na Close-Up 2 Fame.

Noong 2009, nagdesisyon si Benjamin na bumalik ng Guam at tapusin ang kanyang pag-aaral.

Sa May nga ay ga-graduate na siya pagkatapos niyang tapusin ang kursong English Literature sa loob lamang ng dalawang taon, kahit isa itong four-year course

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa presscon na ipinatawag ng Mercator Model and Artist Management para sa mga talents nito noong Martes, March 20, sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

 

Ayon kay Benjamin, ngayon ay tuluy-tuloy na siya sa kanyang showbiz career.

"I recently signed a contract at GMA. Co-managed by Mercator and Artist Center.

"I have a network contract with them for three years. I've signed it already but my work will start in June.

"They are very understanding since I'll be graduating on May. 

"Ma'am Lilybeth [Rasonable, OIC of Entertainment group] was very understanding, as well as Ma'am Annette [Gozon-Abrogar, GMA Films President]. 

"They want me to finish school. Sayang naman kasi ang two years ko," nakangiting sabi ni Benjamin.

Plano pa rin daw niyang mag-take ng Masters, pero baka sa Pilipinas na niya ito kunin. 

Pero sa ngayon, ang showbiz career muna raw ang priority niya.

PIOLO PASCUAL'S NEPHEW. Si Benjamin ang na-blind item noon na pamangkin diumano ng isang sikat na Kapamilya actor, pero magiging isang Kapuso.