Dominic Ochoa recalls good times with best friend Rico Yan. While it took time for Dominic to recover from the tragedy, he says  everyone should have learned a lesson or two about Rico's death. He continues to close the gap by moving on. And if he gets the chance to "talk" to Rico, he will say: ‘Rics, I don’t want to talk about the past—yung nangyari sa atin... I want to talk about the present—yung good news."

Left to right: Dominic (extreme left) with Rico's parents, Sita and Roby Yap, and Father Carmelo Caluag.

Photo: Allan Sancon / File photo

Nagpa-misa ang ABS-CBN at Star Magic para sa 10th death anniversary ng matinee idol na si Rico Yan kahapon, March 29.

Ginanap ang misa sa Annunciation of Our Lord Chapel sa ABS-CBN compound. Pinangunahan ito ng dating spiritual adviser at kaibigan ni Rico na si Fr. Carmelo Caluag at dinaluhan ng pamilya at mga kaibigan ng namayapang aktor.

Kabilang sa mga dumalo sa misa ang best friend ni Rico na si Dominic Ochoa.

Matapos ang misa ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dominic.

Si Rico ay natagpuang patay sa kanyang kuwarto sa Dos Palmas resort sa Puerto Princesa, Palawan noong March 29, 2002. Siya ay 27 years old lamang noon.

Si Dominic ang nakadiskubre sa bangkay ng namayapang aktor.

Ano ang masasabi ni Dominic makalipas ang sampung taon ng pagkamatay ni Rico?

                                                                                             

“Yes, I know!" sambit muna niya.

"When I got the message from Ms. Joanna of Star Magic and my handler Allan, they are saying nga na 10thdeath anniversary na ni Rico Yan at magkakaroon ng misa para sa kanya.

“Time is really running fast. Grabe, 'no? Ten years na pala ang nakalipas!

“Solid! Solid! But again, like what I said before, he’s happier there [sabay turo sa langit].

"I’m sure he’s just around watching over us.”

 

Nangilid naman ang luha ni Doms nang tanungin kung ano ang nami-miss niya kay Rico.

“Alam mo, after his death, three years kong… parang ang hirap bitawan, e.

“After three years that he passed away, doon ko na-get over.

“Si Marvin [Agustin], medyo mas mabilis pa nga niyang na-get over yung pagkawala ni Rico.

"Ako, medyo mahirap, e.