news

Annabelle Rama and Amalia Fuentes make a scene at wake of Joey Stevens; Annabelle reveals issue with Gloria Diaz

by Gorgy Rula posted on April 3, 2012  STATS: 479943 Views | 206 Comments

Annabelle Rama is in the news again because of her feud with former movie queen Amalia Fuentes (inset, top) and former Miss Universe Gloria Diaz (inset, bottom).

Photo By: Noel Orsal / Rodel Fernando

May nagparating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagkaroon daw ng gulo nang dumating si Annabelle Rama sa Misa para sa libing ni Joey Stevens na ginanap sa chapel ng Santuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati kaninang umaga, April 3.

Si Joey Stevens ang estranged husband ng dating movie queen na si Amalia Fuentes.

Ayon sa source ng PEP, "pula" raw ang suot na damit ni Annabelle nang dumating doon para dumalo sa misa.

Pinalayas daw si Annabelle ni Amalia na galit na galit nang nakita ang talent manager.

Nagkaroon daw ng mainit na pagtatalo sina Amalia at Annabelle sa gitna ng Misa.

Hindi raw umalis si Annabelle at sinabi lang daw nitong pumunta siya roon para sa patay.

ANNABELLE’S STORY. Agad tinawagan ng PEP si Annabelle para kumpirmahin ang naturang insidente.

Noong una, hindi ito sumasagot. Pero ilang sandali lang, tumawag ang talent manager para magpaliwanag kung ano ang aniya’y “totoong nangyari.”

Simulang kuwento ni Annabelle; “May ka-meeting ako, ‘Dong, sa Rustan’s [Makati] sa may Starbucks.

“Tapos na ang meeting ko, tumawid lang ako ng simbahan, kasi hindi pa ako nakapagsimba.

“Ewan ko, bakit parang dinala yung paa ko pakaliwa.

“Sabi sa akin ng guard dun, last day na raw ni Joey, may Misa raw. Ililibing na siya.

“Pumasok ako para magdasal lang. Mag-light ng candle.

“Wala naman talaga akong balak na pumunta, pero naisip ko puntahan ko na lang kasi kaibigan ko naman si Joey.

“Bago siya namatay, nagkita pa kami sa Greenhills, nag-usap pa kami, e.”

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

206 Comments

  • 146  anchor24

    04/05/2012 | 08:06 PM
    parang di ako maniwala na di niya alam na dun nakaburol. parang ang palabas eh sobrang nagkataon lang na same venue kung saan naganap meeting niya?! eh prior dyan sa eksena sa simbahan eh may gulo na sila. tapos may incident pa na nadamay pati yang si Gloria D. sa tingin ko, yung pambabastos niya sa simbahan ang ganti niya sa pakikipag-usap sa phone ni Amalia kay Eddie. kahit pa dadaan ka lang at walang intention manggulo pero di man lang niya naisip na kulay pa lang ng damit, di man red eh bright color naman, eh wala na sa lugar tapos tumuloy ka pa din? tsk. sana sa ibang simbahan mo na lang pinagdasal kung ayaw mo talaga ng gulo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 145  tsismosaako

    04/05/2012 | 04:55 PM
    hay naku day magjombagan na lng kayo ng mga kaaway mo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 144  Ligayaparaiso2011

    04/05/2012 | 02:05 PM
    Hindi kasi nagabayan nang husto ng mga magulang dahil sa ampunan lumaki!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 143  asamption1

    04/05/2012 | 01:37 PM
    TURUAN NG LESSON SI ANNABELLE FOR ONCE AND FOR ALL! I BOYCOTT ANG MGA TALENTS NA MINAMANAGE NYA!!!!AT HIKAYATIN SI WILMA G. NA HUWAG IATRAS ANG CASO!!!!Ruffing, talk to your moher dear, baka matauhan naman sya! Sa ugali nya may mukha pa ba kayo - ang pamilya nya na humarap sa tao?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 142  beautifulgaga_07

    04/05/2012 | 11:51 AM
    tagal naman matapos holy week. hehehhe..maglabasan na ng baho dali! exciting! hehehe!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 141  marimaris8

    04/05/2012 | 11:45 AM
    ang alam ko, kung mahal mo ang isang tao dapat pinagsasabihan mo kung may nagawa o nasabing mali para hindi mapasama, mapaaway at hindi magalit ang ibang tao sa mahal mo. during the early stage ng away ni anabel at wilma galvante may isang reporter na nagtanong kay eddie kung pinagsasabihan ba niya si anabel. ang sagot ni eddie: quote - eh nung magising ako tapos na ang boksing - unquote. i think anabel has a deep-rooted emotional instability. kung pinagsasabi niya na inggit sa kaniya dahil pinakasalan siya ni eddie, ang tanong ay mahal ba siya ni eddie?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 140  Ligayaparaiso2011

    04/05/2012 | 11:26 AM
    Walang ginawa si Annabelle kay Amalia? Sa KrisTV nagpatutsada sya tungkol sa isang movie queen na ex-girlfriend ng Mr. nya na naiingit daw dahil sya ang pinakasalan ni Eddie G. Hindi patas ang laban! Ex-movie queen vs. ex-starlet, rich vs. parvenue, matalino vs. tuso! Bakit naging kaibigan ni Annabelle si Gov. Singson?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 139  megan_efoxy

    04/05/2012 | 10:50 AM
    Si anabil na ata ang Public enemy 1LOl...ang dami nyang kaaway. di tapos yung kay Nadia eto mag bago na nman! di na ba sya nagsasawa mayat maya nsa TV.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 138  megan_efoxy

    04/05/2012 | 10:47 AM
    aabangan ko after holy week! siguradong may world war! damay pati mga anak. minsan yung mga sinsabi ni anivil kinakain din nya like yung PAL, eh di ba si eddie PAL! ang mga kayaman na yan mga bag, alahas at pera di nya madadala sa Hukay. Sana lang mag hinay hinay sya sa pag sasalita. khit na suutan pa ng ginto ang buong katawan nya nangangamoy burak pa rin sya....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 137  puckerlips143

    04/05/2012 | 10:20 AM
    i like amalia noon pero ng nilait lait nya si janice de belen dahil nabuntis ni aga naging super hate ko sya. Nasundan pa sa issue ng me sakit na cancer yun anak nya akala ko walang magulang na makakatiis sa anak napatunayan kong mali yun dahil si amalia ang example. Kay annabelle parin ako wala naman tayong narinig na nauna si annabelle mang away sya ang laging inuunahan lumalaban lang sya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 136  Pinaysamerika1926

    04/05/2012 | 09:26 AM
    126 sa tingin pareho sila ng level sa Maraming Bagay pero sa Sama ng ugali panalo si bisaya Kung umasta akala mo high n almighty ang family Nya.. Oo marami syang pera, alahas, bahay pero wala pa rin syang breeding...Pag hindi sya gusto ng Tao akala Nya inggit sa kanya hindi noh??? para syang isang dyablo... Twisted mind.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 135  agusanonko

    04/05/2012 | 08:41 AM
    number 126..supaaaaaa agree!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 134  nothing_personal

    04/05/2012 | 07:38 AM
    bayaan nyo silang mag away. muhlach versus gutierrez. I like that. Peryahan ang attack. Sige mag away kayo for our entertainment. fiesta ang dating.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 133  malaya2007

    04/05/2012 | 07:30 AM
    praning lang tong si annabel ibinigay yung telepono kasi nga namatay yung joey di ba, e hawak ba ni gloria yung bibig ni amalia para malaman kung ano ang sasabihi nunn. Para sa madasaling tao masyado syang mabilis mag-isip ng masama sa kapwa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 132  liwayway

    04/05/2012 | 06:39 AM
    sino ba ang priority sa wake? departed friend or living enemy? matagal nang isinumpa ni amalia si joey dahil sa secret family nito. how come she is playing a major role at the wake?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 131  yunikrose

    04/05/2012 | 05:52 AM
    ha-ha-ha pilya ka talga milomilo sa say mong mga tigang na sina amalia gloria kaya mas beauty si anabel at nadidiligan mukhagn true un ah.. LOLZ..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 130  daffodils87

    04/05/2012 | 05:24 AM
    I like annabelle Rama, she's a fighter. Go lady!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 129  mrsenchong

    04/05/2012 | 05:06 AM
    baket kahit mas madaming kaaway si Annabel mas naniniwala ako sa kanya? Siguro kung hindi ka biyatch hindi ka naman aawayin ni Annabel...kalurkey, senior citizen version ng mga mean girls, Amalia, Gloria and Nadia...LMAO.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 128  marilousyj

    04/05/2012 | 05:00 AM
    And trust Annabelle to be the first to reveal everything to media. Publicity hound kasi siya. Scripted ang pagpunta niya sa misa kesyo may meeting siya etc. Given the many instances when she showed her diamonds could not cover her utter lack of breeding, I tend to side with Gloria and Amalia here. Annabelle has a tendency to be where intrigues and cat fights could ensue. Honestly, despite the Holy Week, I am looking forward to what Gloria and Amalia would say. These two women are as feisty but with more breeding than Annabelle.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 127  milomilo123

    04/05/2012 | 04:47 AM
    SA PULA AKO , HINDI SIYA HIPOKRITA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About