Was she wearing red or orange? The color of Annabelle Rama's outfit ignited a heated exchange between her and former friend Amalia Fuentes at the necrological Mass for the latter's ex-husband at the Santuario de San Antonio, Forbes Park, Makati City.

(Right) Annabelle posted a photo of her outfit on Twitter to prove that Amalia's claim was wrong.

(Inset) Annabelle and Amalia at the latter's 69th birthday party in 2009.

Photo: Noel Orsal / Mark Pimentel / Twitter

Dito na idinamay ni Annabelle ang nag-iisang anak ni Amalia kay Romeo Vasquez na si Liezl Martinez. Nag-tweet ito tungkol sa napabalitang hidwaan ng mag-ina.

WHY AMALIA IS MAD AT ANNABELLE. Samantala, sa hiwalay na panayam ng PEP blogger na si Jojo Gabinete kay Annabelle, sinabi nito ang ugat ng alitan nila ni Amalia.

Hindi naman nagdalawang-isip si Annabelle na sabihin ang puno't dulo ng kanilang away.

"Una, galit siya sa akin dahil hindi ko sinabi sa kanya na may dalawang anak sa ibang babae si Joey," sabi ni Annabelle.

Nalaman daw ng talent manager na may anak si Joey sa ibang babae noong sumama siya sa kampanya noon ni dating Pangulong Erap Estrada.

"Maganda yung babae, malaki ang boobs, at mas bata kay Amalia," paglalarawan pa ni Annabelle sa diumano'y babae ni Joey.

Dagdag pa niya, "Hindi ko sinabi kay Amalia na nalaman ko na may anak si Joey dahil hindi ko ugali ang makialam sa relasyon ng ibang tao.

"Nalaman ni Amalia na alam ko na may anak sa ibang babae si Joey dahil sinabi sa kanya ni Daisy Romualdez."

Ang pangalawang rason daw, ayon pa kay Annabelle, ay dahil pinakasalan siya ni Eddie Gutierrez.

Dagdag pa ni Annabelle, "Si Amalia ang nagsimula ng away dahil nilait-lait niya ako sa asawa ko nang iabot sa kanya ni Gloria Diaz ang telepono.

"Hindi puwedeng hindi ako lumaban dahil hindi ako duwag.

"Siya naman ang nag-umpisa ng away, hindi ako.

"Lumalaban lang ako dahil hindi ako magpapaapi. Hindi ko siya uurungan."

GLORIA DIAZ. Sa mga naunang Twitter posts nina Amalia at Annabelle, mapapansin na nabanggit din ang pangalan ng dating Miss Universe na si Gloria Diaz.

Sa naunang artikulo ng PEP tungkol sa isyung ito, naikuwento ni Annabelle ang isang insidente nitong nakaraang Sabado, Marso 31, sa The Fort, Taguig City.