Will 16-year-old Ryan Christian Recto follow in the footsteps of his father Senator Ralph Recto and enter politics? “Well, I don’t see myself doing that yet. But why not? We will see in the near future, after I finish school," he says.

 
Photo: Rommel Gonzales
Wala pa raw sa plano ni Ryan Christian Recto na seryosohin ang showbiz. Wala naman daw problema yung paminsan-minsan niyang paglabas sa mga TV shows lalong-lalo na kung bakasyon sa eskwela.
 
“To dance or to appear with my Kuya [Luis Manzano], it’s okay for me.
 
"But [to be] a mainstay in a TV show, at this moment in time, it’s a big no. A full-time TV show? Not yet for now," bungad ni Ryan, 16, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng guesting nito sa Kapamilya Deal or No Deal.
 
Si Ryan ang bunsong anak nina Batangas Governor Vilma Santos at Senator Ralph Recto.
 
Ano ang pakiramdam ni Ryan sa dami ng fans na tumili at nagpalakpakan sa “dance number” nila ng Kuya Luis niya?
 
“Well, I'm grateful and thankful to ASAP because they invited me and even celebrated my birthday on the show, even if I am not a regular mainstay," aniya.
 
Sa obserbasyon ng karamihan ay mas mananaig ang pagiging politiko kay Ryan kaysa  sa pagpasok sa showbiz.
 
Susundan ba niya ang yapak ng ama niyang si Senator Ralph?
 
“Well, I don’t see myself doing that yet. But why not? We will see in the near future, after I finish school."

COLLEGE PLANS. Kasalukuyang nasa third year high school si Ryan. Ano ang kursong pag-aaralan niya sa college?
 
“For sure, business management and economics,” ang sagot niya.
 
Ikinuwento rin ni Ryan na exempted siya sa ilang subjects sa final examinations niya.
 
“Out of seven subjects, I am exempted in five subjects,” nakangiti niyang sabi.
 
“I am exempted in Algebra, Trigonometry, Pilipino, English and Christian Living."
 
Ano yung dalawang kinuha niyang exams?
 
“Well, chemistry and social studies,” sagot niya.

GIRLFRIEND? May girlfriend na ba si Ryan?
 
“Well, I'm still young," aniya.
 
Ayaw pa ba ni Ate Vi na magkaroon siya ng girlfriend?
 
“No naman. She still reminds me to be responsible, but I just want to go with the flow. I don’t want to start a relationship this early."
 
Totoo bang nahuli siya ni Ate Vi na may kasamang babae sa kwarto niya?
 
“Ikuwento mo kasi anak, sige na,” natatawang pakiusap pa ni Ate Vi sa anak niya.
 
“Well, I don’t need to lock the door naman and they are just friends of mine. We were just waiting for her sundo naman,” paliwanag ni Ryan.
 
What time was that?
 
“Well, mga 8 p.m. ng gabi," aniya.
 
“Of course not. But don’t worry, I will keep my mouth shut," singit naman agad ng inang si Ate Vi.
 
Ayaw naman sumagot ang bagets nang tanungin namin kung ano ang komento niya sa love life ng kapatid niyang si Luis.
 
Medyo natatakot daw siyang mag-comment sa love life ng kuya niya, katwiran naman ni Ate Vi.