When asked about the status of his relationship with Angel Locsin, Philippine Azkals’ Phil Younghusband refused to give an answer. “We don’t believe [in labeling our relationship] because we’re happy and why change something when it’s not broken?” he said.

Photo: Noel Orsal

Balik-trabaho na muli ang Philippine Azkals player na si Phil Younghusband matapos makapag-bakasyon nitong nakalipas na Holy Week.

Noong Abril 13 ay dumalo si Phil, kasama ang kapatid na si James at Azkals team captain na si Aly Borromeo, sa event ng Snickers chocolate bar sa SM Mall Of Asia.

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at entertainment press matapos ang event, naikuwento ng Fil-British player ang naging bakasyon nila ng mga kapatid na sina James at Keri sa La Union.

“Nag-surf ako sa La Union. It was fun. It was my first time to surf and I was with my family so it’s great!" sabi niya.

Hindi raw ito ang unang pagkakataon na nadayo sila sa probinsiya ayon kay Phil.

“We went to La Union before for a trainer’s program and we decided to go back because there was a nice… we stayed at a nice resort and it was our first time it was very fun, very fun.” 

Hindi naman nakasama ni Phil ang rumored girlfriend niyang si Angel Locsin sa bakasyon.

“Angel was in Hong Kong so we weren’t able to spend Holy Week together. We both had to be with our families," sabi niya.

RELATIONSHIP STATUS. Mahigit isang taon mula nang unang anyayahan ni Phil si Angel, sa pamamagitan ng social networking site na Twitter, na mag-date sa Araw ng mga Puso, kumusta na kaya ang kanilang relasyon sa ngayon?

“Love is always getting stronger and every day I fall more and more in love with her, so every day I feel more in love with Angel," sagot ni Phil.

Ano na nga ba ang estado ng relasyon nila ni Angel ngayon?

“No status,” nakangiting sagot ng Azklas striker.

“We don’t believe [in labeling our relationship] because we’re happy and why change something when it’s not broken?

“Everything’s super happy and doing very well so there’s no need to change anything.”

Nabanggit noon ni Phil sa isang interview na nais niyang magkaroon ng “future” kasama si Angel.