Vice Ganda on his relationship with It's Showtime director Bobet Vidanes: “Iba kasi ang lugar ng director. Nasa ibang lugar siya kaya hindi naman nagkikita-kita. Hindi kami nag-away. Wala kaming isnaban. Pero hindi rin kami nagkikita. Ayokong sabihin na sweet kami, okay kami kasi hindi naman kami nagkikita."

Photo: Ricky Gay

Pagbalik ni Vice Ganda mula sa kanyang naging show sa Middle East ay magandang balita agad ang sumalubong sa kanya. 

Una ay ang parangal na ipagkakaloob sa kanya ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI) bilang Male Concert Performer of the Year at special award bilang Phenomenal Box-Office Star dahil sa tagumpay ng pelikula niyang Praybeyt Benjamin.

(CLICK HERE to read related story.)

               

“Thank you. Thank you sa inyo," sabi ni Vice sa panayam sa kanya ng The Buzz kahapon, April 23.

“At ang saya! Ang saya ko dahil dalawang bonggang awards ang iuuwi ko mula sa Guillermo.

“Hindi ko naisipan ‘yan na magkakaroon ako ng mga ganyang awards.

"At saka, top awards siya kaya sobrang malaking blessing.

“Nakakatuwa. Nakakapawi ng problema, ng stress.”

Sa April 29 gaganapin ang 43rd Box-Office Entertainment Awards ng GMMSFI.

               

RELATIONSHIP WITH IT'S SHOWTIME DIRECTOR? Pero kasabay ng dalawang awards na matatanggap niya ay ang intrigang siya ang dahilan kung bakit daw nag-resign ang direktor ng It’s Showtime, ang noontime show ng ABS-CBN kunsaan kabilang si Vice.

Ang itinuturong dahilan ay ang diumano’y hindi nila pagkakasundo ng director at yun  din daw ang dahilan kung bakit pansamantalang nawala sa show si Vice.

(CLICK HERE to read related story.)

               

Ayon naman kay Vice, “Alam n'yo kung bakit hindi ko masagot yan nang direkta?

“Kapag sinagot ko ‘yan, parang idinedepensa ko na dapat hindi sa akin manggaling.

“Totoong nawala ako sa Showtime dahil, unang-una, mero’n akong show sa Middle East na araw-araw kong pinu-promote sa Showtime.

“Yun ang dahilan kung bakit ako nawala.

               

“Alam ng lahat 'yan. Alam ng buong staff ng Showtime. Alam ng management ng ABS-CBN.

“Yung isyu namin ni Direk Bobet, hindi ako dapat ang mag-esplika riyan o magpaliwanag sa bagay na ‘yan. 

“Kasi si Direk Bobet ang dapat n'yong tanungin.