news

LJ Reyes considers "pokpok role" in indie film Intoy Syokoy as her most daring

by Rose Garcia posted on April 25, 2012  STATS: 15919 Views | 9 Comments

LJ Reyes on her role in Intoy Syokoy: “Bago siya sa akin. Talagang na-pressure ako sa script... Actually, noong una, parang kinakabahan pa ako. Pero ngayon, kapag binabasa ko yung script, ang ganda niya, nai-inspire na ako sa story.”

Photo By: Noel Orsal

Kasama si LJ Reyes sa indie film na Intoy Syokoy na isa sa mga official entries para sa Cinemalaya ngayong taon.

Ang pelikula ay isinulat ng Palanca award-winning writer na si Gerry Gracio at mula sa direksiyon ni Lemuel Lorca.

Ang producer ng pelikula ay sina Boy Abunda at Boy So.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ sa telepono, masaya nitong ibinalita na nakapag-workshop na siya at iba pang cast ng pelikula. 

Ang isa sa bida ng pelikula ay ang Kapamilya actor na si JM de Guzman.

Ayon kay LJ, “Yung workshop, more on parang hinimay yung character namin ni JM. 

“Nakaka-pressure kasi si Tito Pen Medina… ang galing niya!”

Sa workshop daw unang beses nakilala ng Kapusong si LJ ang Kapamilyang si JM. 

Kuwento pa ng StarStruck alumna, “Feeling ko naman, okay naman siyang makatrabaho. Magaling naman si JM.”

Makakasama rin daw nila sa Intoy Syokoy si Joross Gamboa kunsaan magkakaibigan ang mga karakter nila.

Sila ni JM ang magkapareha sa pelikula.

Ayon pa kay LJ, “Oo, akala ko, the movie talks more about the place. Pero it’s a romantic film din pala.”

Natawa si LJ nang tanungin namin kung may love scene sila ni JM.

“Meron! Kay JM isa, pero maraming love scenes kasi yung character ko, may pagka-pokpok.”

MOST DARING. Aminado si LJ na ito ang pinaka-daring na role na gagawin niya.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • heart07

    04/27/2012 | 10:50 AM
    bkt c lj sna c charee nlng.bat ba pilit na nilalau ng abs c jm sa luvteam nila eh nkita nmn un result sa angelito ska bat an tgal ng sequel a lot of fans are demanding for it.mas deserving nmn ang juamees kesa sa kimerald na puro pa cute lng wla nmn ibubuga. wake up abs
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • thelostreasure

    04/26/2012 | 08:22 AM
    Sa mga Indie Films naman usually it doesn't matter kung kapamilya ka or kapuso... ACTING tlaga ang tinitingnan..kaya even si BOY ABUNDA pinili si LJ para maging kapartner ni JM
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    04/25/2012 | 10:16 PM
    ayaw sa yo ng mga kapamilya lalo na pagnanalo ka ng award kasi kapuso ka. anyway, magaling ka naman talaga kaya ipamukha mo sa kanila na the best ang mga talents ng GMA7.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cyrsprite

    04/25/2012 | 02:03 PM
    well goodluck
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • toxic_01

    04/25/2012 | 11:29 AM
    Best Actress na yan,sa Intoy Syokoy. magaling ka. we will support your Cinemalaya Film.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • toxic_01

    04/25/2012 | 11:26 AM
    Ang ganda nung eksena na sinampal niya sa Raymond Bagatsing sa The Good Daughter, totoo talaga. Bravo Lj Reyes.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • toxic_01

    04/25/2012 | 11:23 AM
    Magaling ka talaga na aktres. nani2wala ako sa kakayahan mo. Go Lj Reyes.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Speed_OfLight

    04/25/2012 | 11:08 AM
    PEP, bawal yang word na "PokPokROLE" na ginamit nyo sa title. warning na yan, isa pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • thelostreasure

    04/25/2012 | 10:53 AM
    Congrats LJ Reyes, mukhang maganda nag story ng Intoy Shokoy. To think, BOY ABUNDA at BOY SO may ari ng La Carmela de Boracay ang mga producers. I believed you are really a GOOD ACTRESS! sa The Good Daughter napka effective mong kontrabida! More projects for you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About