news

Jose Manalo no show during hearing of Anti-Violence Against Women ang Children complaint filed against him by wife Anna Lyn

by Gorgy Rula posted on April 26, 2012  STATS: 15580 Views | 19 Comments

Anna Lyn on why she refused to sign and accept the letter being issued to her by the lawyer of husband Jose Manalo: “I think it’s a form na naman ng harassment, for me and my kids again. Parang pangha-harass na naman nila. I told them the lawyers na I received already the copy."

Hindi naulit ang pagtatagpo ng mag-asawang Jose Manalo at ng kanyang asawang si Anna Lyn sa hearing ng kasong Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women ang Children na isinampa ng huli sa una.

           

Ginanap ang hearing kahapon ng umaga sa tanggapan ni Fiscal Dinna Paulino ng San Juan Prosecutor’s Office na dinaluhan ni Anna Lyn kasama ang abugado nitong sina Atty. Lowell John Fetizanan at Atty. Michael Dauz.

           

Ang abugado lang ni Jose na si Atty. Richard Cruz ang sumipot para tanggapin ang reply affidavit ni Anna Lyn.

           

Napagkasunduang magkakaroon uli ng hearing sa darating na Mayo 9 kung saan magsusumite sila ng kanilang rejoinder na kailangang daluhan ng mag-asawa.

           

SIGN THIS! Pagkatapos ng hearing, may inabot na sulat ang abugado ni Jose kay Anna Lyn at pinapipirma itong natanggap niya.

Tumangging tanggapin ni Anna Lyn ang nasabing sulat dahil may natanggap na raw siyang kagaya ng ibinibigay sa kanya.

           

Pilit na ipinapatanggap ng abugado ni Jose ang sulat, pero ayaw namang kunin ni Anna Lyn bilang payo na rin ng kanyang abugado.

Sa huli ay pinapapirma na lang si Anna Lyn  na ayaw niya itong tanggapin, pero tumanggi pa rin ito.

           

“I think it’s a form na naman ng harassment, for me and my kids again,” bulalas ni Anna Lyn.

           

“Parang pangha-harass na naman nila. I told them, the lawyers, na I received already the copy.

“So, it’s enough. Kasi there’s no need for me to sign kasi sasagutin naman namin definitely,” pahayag pa nito.

           

THE LETTER'S CONTENT? Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anna Lyn kung ano ang sulat na ibinibigay sa kanya, pero hindi niya ito sinagot.

           

Ibibigay raw muna niya sa kanyang abugado ang sulat na iyon bago niya isisiwalat sa media ang nilalaman nito.

           

“Gusto sana naming pag-usapan ‘yan na na sila pa ang nagdi-demand,” pahayag pa ni Anna Lyn kaugnay sa sulat na pinapatanggap sa kanya.

Pero hindi naman niya ipinaliwanag nang mabuti kung demand letter ba yung ibinibigay sa kanya.

Ayon kay Anna Lyn, sa susunod na hearing na lang daw nila ikukuwento dahil sasagutin pa raw nila iyun.

           

Sinubukan ng PEP na hingan ng paliwanag ang mga abugado ni Jose kaugnay sa sulat na nabanggit, pero tumanggi ito.

Nangako naman ang Senior Vice President at COO ng TAPE Inc. na si Ms. Malou Choa-Fagar, na siyang namamahala ng career ni Jose, na magbibigay sila ng statement kaugnay rito.

BANNED FROM EAT BULAGA! STUDIO? Maglalabas din daw ng statement ang TAPE kaugnay ng isyung Temporary Restraining Order (TRO) na isinampa nila laban kay Anna Lyn.

           

Nagsampa ang TAPE ng TRO laban kay Anna Lyn para maiwasan na raw nito ang pagpunta ng Eat Bulaga! studio, kung saan isa sa hosts ng nasabing noontime show si Jose, para maiwasan ang gulo sa pagitan ng mag-asawa.

           

Ayon sa abugado ni Anna Lyn na si Atty. Fetizanan, masaya raw sila sa naging desisyon ng QC Prosecutor’s Office kaugnay sa TRO na isinampa laban kay Anna Lyn.

           

Ayon kay Atty. Fetizanan, “The court dispense their application for temporary restraining order, because the court finds out that there is no necessity ang urgency for issuance.”

           

Dagdag pang pahayag ng naturang abugado, wala na rin naman daw balak ang kanyang kliyente na pumunta ng Eat Bulaga! studio.

Ang pagkaalala raw niya ay nung January 2011 pa huling pumunta si Anna Lyn sa studio ng Eat Bualaga! kung saan nagkaroon ng gulo dahil sa kagustuhan nitong makausap si Jose.

Dagdag pang pahayag ni Atty. Fetizanan, “Nangyari last January pa last year.

“The Court decided na walang necessity. There is nothing to restrain, kasi hindi na nga pumupunta doon ang client namin."

           

Paliwanag naman ni Anna Lyn, “Kasi nagpupunta ako ng TAPE office just to talk to my husband alone—not the TAPE office and I don’t have any business with TAPE.

“I don’t have any intention also na guluhin ang TAPE office.

“I respect them… all the TAPE office management, nirerespeto ko dahil mga ninong at ninang ko sila sa kasal.

“And dun nga ako nalulungkot because I don’t know why it’s happening right now.

“I think parang right ng wife na pumunta doon at hanapin ang asawa na hindi umuuwi.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

19 Comments

  • 19  winklebee

    04/27/2012 | 04:06 PM
    kawawang jose.. nakapag asawa ng estafadora... haaayyyssss... napanood ko kanina ung commercial ni jose na alpine sa eat bulaga kanina.. naku humanda ka jose.. baka maningil na ng talent fee mo si analyn sa kumpanya ng alpine... hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  glen

    04/27/2012 | 12:27 PM
    Ang adultery ay para sa babaeng may asawang nakipagrelasyon sa iba. Ang tamang dapat ikaso nya kay Jose ay concubinage.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  heart07

    04/27/2012 | 11:02 AM
    b4 u ask for any sympathy isoli u muna un pera ng tape kasi another kaso n nmn sau yan its their ryt ngaun kng di u kya ibalik say hello to ur future in mates.muntik ng mwlan ng work c jose nung kasagsagan ng estafa case nyo dhil sau pati xa nasabit tpos ngaun na iniwan ka u hav da guts na idamay ang mga bata.maski nmn cnung matinong judge mkikita un motive mo eh.sori bat wlang mnnwala sa tigas ng face mo teh ms msya pa kmi na iniwan ka ni jose
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  olachiks

    04/27/2012 | 04:04 AM
    ang bigamy is kung may ibang pinakasalan si jose which is wala naman... kung may pwedeng ikaso sa kanya kung mapatunayan nga na may iba sya i think adultery dapat... hindi bigamy...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  mandaville

    04/27/2012 | 03:58 AM
    Idemanda na niy Analyn si Jose ng bigamy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  chuvaneska

    04/27/2012 | 12:01 AM
    parepareho yang mga swidler na yan... malamang maniwala sa article na ito yung mashuba na walang career !!! getz ? tama ba mga dong ??? lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  wanna_change

    04/26/2012 | 11:40 PM
    kapwa swindler lang ang maniniwala kay swindler Annalyn.. baka malabo pa..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  shellphone

    04/26/2012 | 10:24 PM
    teh, mahilig ka lang sa media puro ka drama. last year pa pala problem mo eh bakit after concert nag pa interview ka pa sa ABS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  shellphone

    04/26/2012 | 10:20 PM
    teh walang naniniwala sayo, sa basura ka na pupulutin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  kantaratarat

    04/26/2012 | 06:13 PM
    ilan milyon kaya kita nila sa concert na yun hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hhamlin

    04/26/2012 | 06:13 PM
    Shame on this girl she will use her kids to get what she want. If your husband leave you there is a reason for it. After what you did to other people I don't blame him for leaving you. Kong ikaw ang nag pa sasa sa pinag hirapan nya, tapos hindi pa nakuntinto nan loko pa nang ibang artista. Sino pa bang asawa ang hindi gustong kumawala. Tapos ngayon gusto nya pera daw para sa mga anak nya hindi naman para sa kanya kaya sya nag file nang case. Ibalik mo ang pera nang Tape bago ka mag dada.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kantaratarat

    04/26/2012 | 06:07 PM
    hay naku bakit ng maghit ang concert ni jose saka tsaka sya naghabol nahahalata tuloy ang motibo nya hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ampm

    04/26/2012 | 05:16 PM
    Si Jose kasi ang celebrity at hindi ikaw - kaya siya ang iniinterview, gusto mo lang atang mag artista eh. Magbanat ka rin ng buto para alam mo ang salitang "pagod" kaysa "hingi ng hingi".
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ampm

    04/26/2012 | 05:13 PM
    Ikaw lang naman ang may TRO ah, ang mga bata wala. You can always send them to TAPE para di na umiyak. Hindi ka nga halatang pera lang ang habol. Pwede nyo nga ring paghatian ang mga bata, gusto mo sa pader mo sila para makinabang ka rin sa pera ni Jose. Di kasalanan ng media kung bakit ganito ang news sa yo, yan talaga ang pananaw ng publiko sa iyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • happy_pinoy

    04/26/2012 | 04:52 PM
    kailangang pag-isipan ni jose na bigyan ng trust fund ang mga minors nyang anak. mas secure ang future nila at hindi magagalaw ng wife nya na mahilig sa pera...kahit bigyan ng sustento ang mga anak nya kung hindi naman magagamit ng maayos, kawawa lang ang mga bata sa future.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rotoscaper

    04/26/2012 | 04:40 PM
    not to be damn rude or anything but the first thing i said when i saw the pic was, "sino dyan si jose?"
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Manamalady

    04/26/2012 | 04:13 PM
    Hoy Analyn plslang wag mo isangkalan ang mga anak mo pra magpaawa at kumuha ng simpatiya sa madla at sa media. We. Dont know you pero sa mga nabababsa ko, ikaw ang dahilan kaya nasabit c Jose sa kaso mong estafa. Ang alam ko mukha kang pera. At kya hindi kyo nagkasundo ni Jose nung magkron ng close door meeting dahil dine demand mo na lahat ng suweldo ni Jose eh mapunta syo. Prng adobe din sa kapal ang mukha mo noh. Pasalamat ka at napakagentleman ni Jose dahil kung naging madaldal lang yang, sa dami ng kasiraan mo sa kangkungan ka pupulutin. At kung ako c Jose, hindi ko na babalikan ang asawang estafadora katulad mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • suddenlyyou

    04/26/2012 | 04:12 PM
    I know Jose's oldest son. Sana naman, matapos na ito. And sa mga networks, please be a little responsible. Super biased kasi. GMA is protecting Jose and I can't say the same for ABS. Kawawa ang kids.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinkturtle

    04/26/2012 | 03:48 PM
    So sad lang na between two adults na nag-aaway, may mga inosenteng bata na naaapektuhan. This is a very traumatic experience sa mga bata and I am hoping na mai-guide pa din sila ng tama. Huwag sana silang ibrain- wash dahil sa galit nilang mag-asawa sa isa't isa. They both need their parents.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About