Karylle on getting her dream role via Kitchen Musical and even getting a best actress nomination: “Hindi ko talaga in-expect. Ang iniisip ko lang talaga, I always felt that I was born at the wrong time. Kasi ‘di ba Sampaguita days, musical [ang uso]. Bakit ‘di na lang ako pinanganak nung Sampaguita days? Sabi ko nga,‘Sana dumating din yung time na may musical.’

Photo: Noel Orsal

“Before they can actually plan for a second season, kailangan nasa kanila na lahat ng music rights, nakalatag na yung script. 

“Ganun sila, e. ‘Di sila tingi-tingi magtrabaho, e. Ang pinakamadugo dun yung music rights.”

  

BEST ACTRESS NOMINATION. Ayon kay Karylle ay ‘di niya ine-expect ang nominasyong natanggap bilang Best Actress sa Monte Carlo Festival.

Hindi nga niya inasahan na magkakatotoo ang dream role niya na gumanap ng isang musical play gaya ng sa Kitchen Musical.

   

“Sobrang happy, nakakatuwa.  Nung nakita ko yung listahan ng mga nominees… hindi ko kasi siya mabuksan from my phone pero nung nakita ko,  yung puso ko tumambling.

“'Di ko na nga mabigkas yung ibang names ng mga nominees, pero may iba from Asian countries.

“So it makes you realize it’s a big world out there. Maraming opportunities na naghihintay sa iyo.

   

“Hindi ko talaga in-expect. Ang iniisip ko lang talaga, I always felt that I was born at the wrong time.

“Kasi ‘di ba Sampaguita days, musical [ang uso]. Bakit ‘di na lang ako pinanganak nung Sampaguita days? 

“Sabi ko nga,‘Sana dumating din yung time na may musical.’

“But I always felt like it was never gonna happen. 

"So nung audition… e, I auditioned for Kitchen Musical two years ago.

“Sabi ko, ‘Okay ito, it’s my dream role. It’s a musical.’  

“’Tapos ang tagal bago nagkatotoo... one year. Wala kaming news kasi it’s highly confidential.

“So when they finally called me back, nandito na sila sa Pilipinas. I even had a different project na I had to give up. 

“'Di ko talaga in-expect this will happen. It’s my dream role, so plus, plus, talaga.”   

DINGDONG DANTES. Kinumpirma  sa amin ni Karylle na bubuksan ang panibagong branch ng Centerstage sa Mall of Asia. 

Tinanong namin kung kasali pa ba dito ang ex-boyfriend na si Dingdong Dantes.

  

“I think hindi siya nag-invest dun sa bago, pero tutulong pa rin naman daw siya.”