Cristine Reyes chooses to keep mum about the court litigation that her sister Ara Mina plans to pursue against her. Her spokesperson and lawyer appeals, on behalf of both Ara and Cristine, to give the sisters and the family some privacy, time and space, so they can settle the issue among themselves.

Photo: Allan Sancon

Simula nang emosyunal na lumabas si Ara Mina tungkol sa planong pagsasampa niya ng reklamo laban sa nakababatang kapatid na si Cristine Reyes, hindi pa rin nagsasalita ang huli.

Libel at grave coercion ang mga reklamong isasampa ni Ara laban kay Cristine. Nag-ugat ito sa bahay na ipinatayo nila para sa kanilang ina at ang paniningil ni Cristine sa kanyang ate.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa The Buzz kahapon, April 29, ang kaibigang abugado at tumatayong tagapagsalita ngayon ni Cristine na si Atty. Heather Annang ang nagbigay ng pahayag para sa young actress.

Nagbigay siya ng ilang impormasyon tungkol kay Cristine at sa kinasasangkutan nitong isyu sa kapatid.

         

CRISTINE’S SIDE. Ayon kay Atty. Annang, noong Miyerkules, April 25, nang huli niyang makausap si Cristine.

“Okay naman siya. Of course, she’s affected by the incident. But she’s trying to focus also on her work," sabi nito.

         

Ayon pa rin sa tagapagsalita ni Cristine, wala pa silang natatanggap na subpoena mula sa kampo ni Ara.

         

“As of now, hindi pa. Wala pa siyang natatanggap na subpoena.

“Kapag natanggap niya ang subpoena, she will have to consult with the lawyer. 

“She will have to defend herself in court if the case will push through.”


OUT-OF-COURT SETTLEMENT. Pero sa ngayon, mas prayoridad daw ni Cristine na makipag-ayos kay Ara sa labas ng korte o silang dalawa na lang.

         

Sabi ni Atty. Annang, “Sa ngayon, aware din naman siya sa tindi ng publicity na pumapalibot sa kanilang magkapatid. 

“At sa kanya, kung napansin ninyo, pinili niyang huwag magsalita.

“Kasi, para sa kanya, ayaw na niyang dagdagan pa ang publicity.

         

“At sa tingin niya, ang pinaka-maayos na paraan para maayos ito ay diretso sa ate niya. 

“Pag-usapan nila… ayusin nila, privately, between the two of them.

         

“Sa batas, sa Family Code, ang korte, binibigyan ng time, space ang magkaka-pamilya na ayusin ang away nila before nila i-file ang case sa court.

“Kasi, misunderstanding... misunderstanding between siblings.

         

“Ang gusto talaga niya [Cristine], magkabati sila ng ate niya.”

         

REACHING OUT. Nag-text na si Cristine kay Ara, pero hindi pa raw nagre-reply si Ara.

         

Ayon kay Atty. Annang, “Nag-reach out siya sa text. Sa pagkakaalam ko, hindi pa sumasagot si Ara text ni Cristine.

“Hinihintay niya yung ate niya.”

Wala bang planong dalawin ni Cristine ang ate niya?

“Si Cristine, okay lang. Handa rin siyang humarap sa ate niya.