Tila balewala lang kay Gloria Diaz ang mga intrigang dumadaan sa kanya ngayon. Sa katunayan, mahinahon niyang hinarap ang mga tanong sa kanya ng press nang mainterbyu siya sa isang event. Bukod sa pagsagot sa mga intriga at pagbigay ng update sa mga bago niyang proyekto, magiliw ring nagbigay ng kanyang saloobin ang dating beauty queen sa ilang maiinit na usapin ngayon sa showbiz.

Photo: Noel Orsal

Noong Biyernes, Abril 27, sa fashion show ng Oakley na ginanap sa NBC Tent sa The Fort, Taguig City, ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang beteranang aktres at dating Miss Universe na si Gloria Diaz.

Kasalukuyang naiipit sa intriga si Gloria dahil sa tampuhan diumano nila ng anak na si Isabelle, na nag-ugat daw sa pagsugod niya sa magazine pictorial ng dalagang anak.

(CLICK HERE to read related story.)

Ani Gloria, “A, wala iyon!

"Siyempre me, I always approve of what she does and what she does [not].

“Yeah, sometimes we talk about things and we disagree in everything.

“Kami ni Belle, we disagree.

"Sabi ko sa kanya, ang uso ngayon coral ang lipstick, coral color. Sa kanya, ‘No. It’s always red.’

“Basta as mother-daughter, in every way we have our differences. Kahit sa pagme-makeup or expression or the way I pronounce words, so balewala iyon.”

Totoo ba ang balitang humingi ng hiwalay na dressing room si Isabelle sa kanilang commercial shoot dahil ayaw siyang makasama nito?

“Oh, no, of course not. It’s not that we’re not nagpapansinan.

“We were so busy. Hectic!

"Ako nagpapaayos ng mukha, siya din nagpapaayos, alangan namang maghalikan pa kami doon, di ba?

“No [it’s not true]. We were so busy and I was in a separate room from my daughter but we just needed time for [ourselves].

“I mean, it’s not true. I don’t know where did that come from.”