[x]

Rocco Nacino plays the fictional Ilocano superhero Lam-ang in the movie of the same title. The film's director, Ana Agabin, says the StarStruck alumnus is "perfect for the role."

Photo: Erwin Santiago

Nadatnan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagba-blocking ng kanilang fight scene sina Rocco Nacino at Rochelle Pangilinan, kasama ang direktor nilang si Ana Agabin, sa set ng pelikulang Lam-ang sa San Ildefonso, Ilocos Sur, noong Linggo, April 29.

Ang fight scene na iyon nina Rocco (bilang Lam-ang) at Rochelle (bilang Saridandan) ay kinunan sa isang tree house na itinayo para lamang sa pelikula.

Ayon sa line producer ng Lam-ang na si Dennis Evangelista, nagkakahalaga ang tree house na iyon ng P100,000.

Hindi naman daw masasayang ang ginastos sa tree house dahil pagkatapos ng shooting ng Lam-ang sa Ilocos Sur ay gagawin na itong tourist spot.

ALLERGY. Pagkatapos ng kanilang blocking ay bumaba na si Rocco mula sa tree house para makapanayam ng PEP at ilan pang piling entertainment press.

Isang araw bago dumating ang aming grupo sa Vigan, Ilocos Sur ay nabalitang dinala sa ospital si Rocco pagkatapos mamaga ang kanyang mukha at katawan dahil sa allergy.

Pero nang makausap namin ang young actor ay wala nang bakas ng pamamaga sa kanyang katawan.

Kuwento ni Rocco, nagkayayaan kasi sila ng kanyang mga kasama sa pelikula na kumain sa isang exotic restaurant sa Vigan.

Ilan daw sa mga kinain nila ay “mountain ants, wild boar, frog…”

Natatawang sabi pa niya, “So, naging curious ako, e. ‘Tikman ko nga ‘to!’ So, hindi sanay yung katawan ko.”

Mabuti na nga lang daw at nagamit niya ang Nursing course na tinapos niya sa kolehiyo.

“So, tama din po yung ginawa ko. Uminom po ko ng antihistamine.

“’Tsaka pagdating ko ng hospital, yun din naman po sinabi ng doctor, e, ‘Just take antihistamine, maya-maya mawawala na ‘yan.’

“So, after po nun... it makes you drowsy, e, so I slept for awhile.

“’Tapos maya-maya, nawala na yung maga sa may ilong ko, sa leeg… ang lalaki ng dito ko po, e, so nabawasan.”