news

Tulfo brothers Ben, Raffy and Erwin air their disgust over the beating of brother Mon by Raymart, Claudine and the latter's friends

by Rommel R. Llanes posted on May 7, 2012  STATS: 265942 Views | 229 Comments

On their afternoon show, T3, brothers Ben, Raffy, and Erwin Tulfo, hit Raymart Santiago and Claudine Barretto for the beating their older brother Mon got from them and their companions.

Photo By: Noel B. Orsal (Raymart), screengrab from TV (Tulfo Brothers)

Hindi lamang ang newspaperman na si Ramon "Mon" Tulfo ang binangga ng mag-asawang artista na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa nangyaring away sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Linggo, Mayo 6.

Maging ang mga kapatid ni Mon na nasa media rin—sina Ben, Raffy, at Erwin—ay pumasok na sa isyu.

Sa mahigit anim na minutong segment ng T3: Kapatid, Sagot Kita, ang late-afternoon public service show ng Tulfo brothers sa TV5, binusisi ng mga ito ang kumalat na video sa YouTube ng kumprontasyon nina Mon at Raymart at Claudine.

Binatikos din nila ang kawalan ng kontrol ng airport security sa sitwasyon. Makikita kasi sa video na hindi naging effective ang airport security sa pagpapatigil ng gulo.

Higit sa lahat, sinabi ng tatlong magkakapatid ang kanilang saloobin.

BEN, RAFFY, AND ERWIN AIR DISGUST. Ang panimula ni Ben, 57: “Ito ang mahirap para sa amin, hindi madaling magsalita. Baka madulas kami.

“Baka isipin ng iba na ginagamit namin ang programang T3, dahil Tulfo ang sangkot dito.

"Ayaw na naming mag-interview ang kapwa Tulfo sa isang Tulfo ng isyung Tulfo.

“Ang word na dapat kong gamitin, ‘propriety,’ and at the same time yung ethics na gagamitin namin, na hindi kami mag-i-interview bagamat masama ang loob namin doon sa mga sangkot.

“Pakinggan niyo ang sasabihin ko, read my lips: Hindi pa tapos.”

Pagkatapos na magsalita ni Ben ay sumunod naman si Raffy, 52.

Tinawag ni Raffy na “Raymart Barretto” ang aktor, at saka nito sinabing masuwerte ito dahil nagkataon na marami itong kasama nung naganap ang gulo sa Terminal 3.

“Gayunpaman, I’m very proud of my kuya [Mon]. May tinamaan sa inyo.

“Kasi kung ang kuya ko lang, one-on-one kayong dalawa, baka yung puwet mo nasa bunganga mo na. Bali-bali ka,” ani Raffy habang itinuturo ang daliri sa kamera.

Ayon kay Raffy, isang expert sa Japanese martial arts na aikido ang kanyang Kuya Mon.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

229 Comments

  • 229  terry07

    05/15/2012 | 02:44 AM
    Kahit wag na ung Video Ung nagdudumilat at kitang kitang BLACK EYE ni Mon. Un nlang wala nang usapan.. Nakaka traumang tignan ung nangyari sa mukha ni Mon sa TV. hindi ko kelangan ng Video para mag ka IDEA kung ano ang tunay na nangyari sa NAIA. Sobrang in- expose nang mag asawa ang UGALI nilang hindi nararapat idolohin ng sinuman... NAKAKAHIYA!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 228  watchamacallitz

    05/11/2012 | 06:55 PM
    Claudine and Raymart are such db a couple!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 227  janama01

    05/11/2012 | 02:23 PM
    TEAM CLAUDINE AND RAYMART,,GOOOOOOOOO,,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 226  dyoy19

    05/11/2012 | 06:51 AM
    low life.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 225  gopinoy

    05/10/2012 | 08:39 AM
    kahit saang anggulo tingnan, mali ang tulfo bros na ito sa mga pahayag nila grabe ha. ang hirap sa kanila parang okey lang pag sila ang nagyayabang at nagsisiwalat ng mga issues pero nung kapatid na nila ang na issue eh galit sila? ang magnanakaw galit sa kapwa nya! what is happening to the world esp s shwbiz? demanda dito demanda dun when it rains it pours hahaha laban kung laban kaya nalalait ang pinas at mga pinoy dahil sa mga ganitong gawain..tapos walang cctv sa naia? shame on us.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 224  redsand

    05/09/2012 | 11:46 PM
    Kung hindi nila Raymart at Clodine ma eskandalo then they must behave in accordance with their status sa Showbiz. Nakakahiya sila! kumo artista superior na? Ganon ba yon? Hindi ba pwede cool at relax ka lang muna? total babalik naman yon bagahe mo sa takdang oras. Hindi na naawa kay Tatang Mon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 223  redsand

    05/09/2012 | 11:41 PM
    Team TULFO din ako!!! Naawa ako doon sa airport rep ng CebuPacific na siyang pinagmumura ni Clodine ng malulutong. Bakit siya sa employee magagalit eh hindi naman siya ang may-ari. Patience is always a virtue ika nga.. Kung may hindi maganda na nangyari sa biyahe nyo tanggapin mo! nandyan na yan! dahil kahit anong gagawin mong pagsisigaw sa airport, hindi at hindi makarating sa harapan mo ora mismo ang luggage. Yan ang problema sa mga Barettos mga matapobre! Isa pa itong si Raymart kahit security guard pinatulan, tawagin daw ng guard ang Special Task Force ng AFP... hahaha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 222  javakula

    05/09/2012 | 05:34 AM
    You are all ARROGANT. You are so full of it! You do not deserve to be on tv or radio as you are using these medium to scare others. Ang gagaling ng mga bunganga ninyo. I hope that all of your statements can be used in court dahil nananakot kayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 221  umaga

    05/09/2012 | 03:00 AM
    hello, mabuti pa nga ang mga ito humingi ng paumanhin, eh yong si claudine at raymart, humingi ba ng paumanhin sa pananakit nila kay tulfo...walang CCTV? kaya pala hinihingi ng mag-asawa dahil walang ipapakita...kung may ibibigay lang ang NAIA sigurado ako, manliliit kayo sa ginawa ninyong mag-asawa...dapat lang idemanda yang mag-asawa...mga butangero at butangera ng NAIA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 220  canyoncreek

    05/09/2012 | 01:17 AM
    team tulfo kami.kilalang sinungaling si claudine eh..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 219  canyoncreek

    05/09/2012 | 01:02 AM
    team tulfo kami....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 218  pinktiger

    05/08/2012 | 11:51 PM
    Wag nu pgbasehan ang kumakalat na video dhl kulang yan.. Unang interview palang ni MOn eh inamin na nya na sinipa nya si Claudine at nung si raymart was trying to get his celfon eh tinulak nya. Pero since sinasabi na walang CCTV ang NAIA ay binawi ni Mon ang salita nya dhl feeling nya walang ibedensya laban sa kanya. Kung talagang gusto nyang ipahayag ang problema that time eh sana ngtanong or nakiramdam sya nde ung ng-conclde nya na kawawa si front desk lady agad. Alangan na nde lalaban si Raymart kung asaw anya ay sinaktan na.. KAung mga babae gusto nu bang hahayaan nlng kaung saktan at nde kau ipagtatanggol ng asawa nu.. Kung ganun eh kawawa nman kaung mga babae.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 217  kylie_anne

    05/08/2012 | 10:42 PM
    is that the right behavior of a journalist....?kahit pa sabihin nating ng dhil sa bugso lng ng damdamin..thhink about it....halatang wala silang breeding.hindi nila ginagamit ang pinag aralan nila..ginagamit pa nila ang media para magbanta,,,tsst...isa lang ang matatawag sa mga ganyang tao...mga mayayabang...imbes na gamitin ang media sa pagkakalat ng mga mabubuting balita...sa halip binantaan pa..atska yung sinabi ng isang tulfo na kahit si claudine ay papatulan..parng bakla na papatol sa babae......yan ang hindi dapat gayahin ng mga bata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 216  chowee143

    05/08/2012 | 09:12 PM
    c claudine nga mismo walang respeto sa sarili nya at sa mga anak nya, mother's instinct kung may gulo unang gagawin, iaalis ang mga bata sa gulo pra nde makita pero anu gnawa nya? lumusob at nkipag rambolan, tas ngyn child abuse? sa pagtatalak pa lng sa airport dpt wala na ung mga bata don, naisip ba yan ni claudine? so anong respeto dpt ibigay ke claudine na knows sa pagiging palamura? nde ko rerespeto yan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 215  MontoGawe

    05/08/2012 | 09:01 PM
    When asked by 24 Oras why he took the photos in the first place, Mon Tulfo stammered and evaded the question. When pressed whether he kicked Claudine, Mon Tulfo skirted the issue and invoked his poor mother. But when pressed further, he unconvincingly said no. Perhaps, because in an earlier interview, he already said YES. He kicked Claudine in defense. A lie often told becomes the truth.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 214  deputahching

    05/08/2012 | 08:30 PM
    i remember noong hinamon ng mga tulfo brothers ang montano brothers. super yabang nilang tatlo lalo na si erwin tulfo na gusto pa i-one on one ang kahit sino daw sa montano. noong sumagot ng oo yung kapatid ni cesar..bigla naman naurong yagbols ni erwin ! nag sorry din sila ...sa bugso ng damdamin daw nila kuno!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 213  coffee2

    05/08/2012 | 07:33 PM
    DISGUSTING people..full of lies :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 212  27walangmagawa

    05/08/2012 | 06:59 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 211  updatedako

    05/08/2012 | 05:42 PM
    Lagot ang maaangas na magkakapatid na ito. Yung statements nila ay clearly grave threat. Nakakita kayo ng katapat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 210  lotwina

    05/08/2012 | 05:16 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About