Erwin Tulfo (right) issued a public apology in behalf of his brothers Ben and Raffy for the statements they made against actor Raymart Santiago on their TV program yesterday, May 7. Mon Tulfo (left), on the other hand, admitted that his brothers were at fault and he castigated them for it.

Photo: Screen grab from TV5 / Noel Orsal

“At yun nga, yung sinasabi ng management na nasa korte na 'yan kaya hayaan n'yo nang gumulong ang hustisya.”

BROTHERS WERE AT FAULT. Pinagsabihan din ni Mon ang kanyang mga kapatid tungkol sa kanilang mga banta na pinakawalan sa T3.

Sa panayam sa kanya nina Alex Santos at Bernadette Sembrano sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN ngayong umaga, ikinuwento ni Mon ang pagkastigo sa mga nakababatang kapatid.

“Maling-mali sila roon. Pinagalitan ko sila kahapon.

“Sabi ko, bakit naman sila ganoon…

“Alam mo, hindi mo sila masisisi, yung bugso ng damdamin.   

“They realized their mistakes.

“Sinabi ko nga, ‘Maling-mali ang ginawa ninyo. Hindi ninyo dapat sinabi 'yan.

“’Unang-una, yung public opinion, nasa atin na. Saka yung revenge, e, is the lowest form of retaliation,’ 'yon ang sabi ko..

“Alam nila na nagkamali sila. Nagsisisi sila.

“Ako ang pinakamatanda sa magkakapatid. Nagsilbi nga ako na magulang sa kanila noong sila'y nag-aaral pa.

“Sabi nila, ‘Oo nga, Kuya, talagang nadala lang kami nang makita ka namin na aping-api.”