[x]

Sarah Geronimo on wanting to get to know Gerald Anderson better and fall in love with him for a deeper reason—not just for his looks: "Kasi, guwapo niya, di ba? So ayokong tumingin sa pisikal ho. So, it takes time para malaman namin kung ano talaga yung feelings naming sa isa’t isa."

Photo: Noel Orsal

Nagkaroon ng presscon kaninang tanghali, May 8, sa City Best restaurant sa Tomas Morato, Quezon City para sa birthday concert ni Sarah Geronimo na 24/SG.

Gaganapin ang concert sa July 7 sa Smart-Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Magdiriwang naman ng kanyang ika-24 na kaarawan si Sarah sa July 25.

Sa naunang panayam bago sumalang ang Pop Star na si Sarah sa general presscon, kaya niya sinasabing dream concert ito dahil, "May pagka-fairy tale. ‘Tapos may pagka-theatrical din po.

"Gusto ko po theatrical. Ayoko po ng pareho ng past concerts ko na ginawa namin na parang buma-variety [show] ng konti.

"Even yung mga spiels, gusto ko yung mas ano… mas spontaneous siya."

"May mga concepts po kami na malaki. Malaki talaga.

"Parang mapapagastos po tayo, Uy!" natawa niyang pahayag.

"Gusto po naming yung the best talaga na maibigay… ma-offer sa audience.

"And dapat different talaga siya do’n sa show po namin na Sarah G. Live kasi parang mini-concert na nga po yun.

"So, parang may pagka-fantasy po."

ACHIEVEMENTS THIS PAST YEAR? Ano ang masasabi niyang malaking achievent sa kanyang sarili noong nakaraang taon?

"Siguro yun pong no’ng mag-aral ako sa U.S.

"Sandali lang naman po yun… nag-voice lessons ako at nag-dance lessons.

"Kasi mahirap po talagang maisingit yung schedule ko, pero nagawa ko na finally."