When Dingdong Dantes was asked why he was invited, and the only Kapuso, to be in the cast of Star Cinema's One More Try, one of the reasons he offered was: “Maybe that’s also the main reason kung bakit nila ‘ko kinuha and siguro in their words, ‘They need a certain level of maturity to attack the role.’

Photo: Noel Orsal

Si Dingdong Dantes ang nag-iisang Kapuso sa One More Try, ang bagong pelikula ng Star Cinema—ang movie outfit ng ABS-CBN.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong noong Martes, May 8, pagkatapos ng story conference ng One More Try para sa Star Cinema.

Tinanong ng PEP si Dingdong kung ano ang pakiramdam sa muli niyang paggawa ng isang pelikula para sa Star Cinema.

Matatandaang unang gumawa ng pelikula ang Kapuso actor sa naturang film outfit noong isang taon—ang Metro Manila Film Festival 2011 entry Segunda Mano.

         

“Para sa akin, it is a rare opportunity,” sagot niya.

“Hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataon, one, to do a movie. 

“Movies that are really nice, movies that are very relevant siguro sa mga nangyayari sa mga tao ngayon.

         

“The other thing is, hindi rin naman nabibigyan ng opportunity ang ibang tao na gumawa outside of their network.  

“So, given all these, parang I really consider myself very fortunate.”

         

Ano ang naging reaksiyon niya na makakasama niya sa cast ang mga Kapamilyang sina Angelica Panganiban, Angel Locsin, at Zanjoe Marudo?

         

“Well, sila naman ang nag-formulate no’n. 

“Maybe that’s also the main reason kung bakit nila ako kinuha and siguro in their words—they need a certain level of maturity to attack the role.

“And with the background of my co-actors, they also have high regards and much confidence that they can pull it off very well," saad ni Dingdong.

         

RIGHT TIMING. Base sa script, bakit siya na isang Kapuso ang nakumbidang mai-cast sa One More Try?

“Oo, e... gaya nga ng sinabi nila, it’s a mature role. 

“Siguro, I’m also at that kind of age na maaaring mangyari yung ganoong plot ng istorya. 

“Siguro, kung mas bata ako, maaaring hindi ko magagampanan ang role. Kung tumanda ako, baka hindi rin.

         

“So, nasa tamang edad at tamang experience din ang malaking dahilan kung bakit siguro sa akin rin na-offer.”

Bagamat sinabi ni Direk Ruel Bayani na mas sexy sa No Other Woman ang One More Try, hindi pa nila napag-usapan sa story conference kung paano ang atake sa aspeto ng kaseksihan o pagiging daring ng pelikula.

         

“Hindi ko po kasi napanood ang No Other Woman kaya wala akong basehan para i-compare,” reaksiyon ni Dingdong.

"Pero siguro, yung pagiging daring at pagiging sexy is a result of the complication of the plot.

         

“Kumbaga, yun na ang resulta.

“Yun na ang maaaring pananaw ng tao dahil yun ang malaking twist and turning point ng story. So, yun ang magiging basehan.”

         

Ibang-ibang Dingdong ba ang  mapapanood sa kanya rito?

         

“Not really,” sabi niya.