VIC SOTTO FOR MAYOR? Ano naman ang reaksiyon niya sa bali-balitang tatakbo rin daw si Vic Sotto sa pagka-mayor sa Quezon City?
“Hindi tatakbo yun!” mabilis na sagot ni Herbert.
Paano nga kung totoo ang balita?
“I don’t think he’ll do that… Pero, bossing, huwag naman!” nangingiti niyang mensahe para kay Vic.
Paano ba siya nakakasigurado na hindi nga tatakbo bilang mayor ng Quezon City si Bossing Vic?
“Ummm, parang narinig ko si Senator [Tito] Sotto na [sinabing] one is enough in politics, e,” pagtukoy niya sa senador na kapatid ni Vic.
"GHOST EMPLOYEES" OF RODERICK PAULATE? May reaksyon din si Herbert sa balitang sinampahan na ng Office of the Ombudsman ng mga kasong administratibo at kriminal ang isa niyang konsehal at kaibigan sa showbiz na si Roderick Paulate, kaugnay sa diumano'y pagkakaroon nito ng “ghost employees."
“Wala pa akong nakukuhang documents, e. So, kailangang mabasa ko muna yung mga yun,” pahayag ni Mayor Bistek.
Nagdaan na rin daw sa ganitong isyu si Mayor Herbert noon, pero magkaiba naman sila ng grounds ni Roderick.
“Oo, nagdaan na rin ako sa ganyan, pero malalagpasan niya rin ‘yan” positibo pang komento ng alkalde tungkol sa situwasyon ngayon ni Konsehal Paulate.
Ano ang naramdaman niya nung masangkot si Roderick sa isyu?
“Ay, hindi ako naniniwala sa gano’n,” mabilis niyang sagot.
“E, kuya ko yun, e. Bata pa lang kami, magkakilala at magkasama na kami,” pagtatanggol niya sa kaibigan.
Itinanggi rin ni Mayor Herbert na may “ghost employees” sa opisina ni Roderick.
“Wala namang 'ghost employees'," deklara niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
6 danyap
5 ratedsardines
4 lanalang08
3 tatoyadik
2 Manamalady
1 ghie28