[x]

“Nanghihinayang ako dahil after no’ng pinaghirapan mo, after no’ng mga nangyari sa akin dun, napunta siya sa wala. Disappointed talaga, kasi nga… yun, e. Sayang. Pero may mga nagsabi sa akin na may mga nangyayari talagang gano'n na hindi maiwasan," says Mercedes Cabral when asked about her supposedly first mainstream series with ABS-CBN.

 

Photo: Noel Orsal

Kabilang ang indie film actress na si Mercedes Cabral sa cast na ipinakilala sa press sa launching ng bagong serye ng GMA-7 na Luna Blanca, na ginanap sa Studio 6 ng Kapuso network kagabi, May 15 .

Ang Luna Blanca ang unang serye ni Mercedes bilang mainstream actress.

Pero hindi ang nabanggit na serye ang una sana ng indie actress sa pagsabak niya sa TV soap operas. 

Ang Hiyas mula sa ABS-CBN, kung saan bida sina Zanjoe Marudo at Megan Young, ang unang napabalitang pagsabak sana ni Mercedes bilang astista ng isang TV series.

Hindi naipalabas ang nasabing serye at hindi nai-launch ang acting career ni Mercedes sa Kapamilya Network.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mercedes kagabi, ikinuwento nito ang alam niyang nangyari kung bakit hindi naipalabas ang una sanang soap niya sa Channel 2.

“Sinabi sa akin na… yun nga, ie-air daw siya ng March,” simula niyang salaysay. 

“Sinabi pa nga na December of last year. ‘Tapos naging January and then March.

“Tapos na yung project. Nakapag-taping na kami nang buo.

"Supposedly, afternoon airing siya.

“And then, after no’n, nalaman naming shinelved na nga raw. So, ano yung nangyari?

“Hindi na ‘ata siya ipalalabas. Hindi ko rin alam.

"Kasi siyempre, bago lang naman ako sa mainstream sa TV.

“Hindi ko alam kung yung mga sini-shelve sa TV, e, ipalalabas pa rin ba o hindi na? Hindi ko alam, e.”

DISAPPOINTED? Aminado si Mercedes na hindi niya talaga nagustuhan ang pagkaka-shelve ng project.