"Mahirap pumosisyon sa isang side ng story because hindi naman natin nakita yung buong pangyayari. Ang sa akin lang, sana matapos nang maayos kasi, I’m sure, kahit naman sino sa atin, hindi gustong mapunta sa ganung sitwasyon na hindi maganda, hindi ba?" says Judy Ann Santos.

Photo: Noel Orsal

Dahil kagagaling sa Singapore nitong nakarang birthday niya, naitanong nang pabiro kay Judy Ann Santos sa isang presscon kung hindi ba naiwanan ang mga bagahe nila sa airport.

“Hindi, in fairness!” ang natatawang sagot ni Judy Ann.

Tila nahuhulaan na rin ng aktres na ang susunod na itatanong sa kanya ay ang eskandalong kinasangkutan ng kapwa aktres niyang si Claudine Barretto at asawa nitong si Raymart Santiago at ng broadcaster na si Mon Tulfo.

Matatandaang nagkaroon ng suntukan sa pagitan ni Mon at ni Raymart kasama ang ilang kaibigan nito sa baggage area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong May 6.

Ito ay pagkatapos kunan ni Mon ng litrato habang nagrereklamo si Claudine sa ground crew ng Cebu Pacific nang ma-offload ang mga bagahe nila mula sa Caticlan Airport.

Ano ang reaksiyon ni Judy Ann sa insidente, bilang itinuturing na karibal noon ni Claudine pagdating sa popularidad?

Ayon sa young superstar, “Kapatid, ang hirap rumeak sa ganyang sitwasyon, lalo pa’t hindi mo maiiwasang magkaroon ng comparison, hindi ba?

“Hindi natin… mahirap pumosisyon sa isang side ng story because hindi naman natin nakita yung buong pangyayari.

“Ang sa akin lang, sana matapos nang maayos kasi, I’m sure, kahit naman sino sa atin, hindi gustong mapunta sa ganung sitwasyon na hindi maganda, hindi ba?

“Ang init naman kasi talaga ng ulo, ‘pag nagdilim ang paningin mo, madilim na ang paningin mo.

“’Pag nag-init na ng ulo mo, wala ka nang naiisip, wala ka nang nakikita, madilim na ang paningin mo…

“So we really don’t know what we really happened.

“Pero sa akin na lang, sana…. wala tayong karapatan na mag-judge agad-agad kasi hindi natin alam kung sino yung unang prumoseso ng mga bagay-bagay.”

Napanood daw niya ang video ng insidente at na-shock din siya sa napanood.

“Lahat naman yata tayo, shocked! Lahat naman, di ba, lahat naman tayo.