Alma Moreno's political exposure started when she married Joey Marquez, who served as the mayor of Parañaque from 1995 to 2004.

In 2004, she ran for mayor, but lost. In 2007, she ran again—this time, as councilor— and won.

Alma is now eyeing a seat in the senate in 2013 elections.

Photo: Gorgy Rulla

Masayang nagdiwang si Alma Moreno ng kanyang ika-53 birthday sa Pool Bar ng Manila Pavillion Hotel kagabi, May 24.

           

Dumalo sa kanyang party ang mga malalapit nitong kaibigan, supporters sa pulitika, at mga anak.

Dito na rin niya ipinahayag ang desisyong tumakbo sa pagka-senador sa 2013 elections.

Sabi ni Alma, “Actually, pinag-isipan kong mabuti talaga kahit marami ang nagsasabi sa akin na, ‘Tumakbo ka kasi sa loob mo ‘yan, e.’

“Dinasal ko. Saka humingi talaga ako ng sign. After Holy Week lang ako talaga nagdesisyon.

“Ang sign, nawala ang kaba ko— nararamdaman mo naman yun, e. Yung kutob na hindi pa ako handa.

“Nagdadalawang-isip pa ako na, ‘Hindi pa ako handa, dito na lang ako.’

“Paggising ko, ‘eto na 'yan. Lahat na mga tao na nakausap ko, lahat kasi sila naka-back-up sa akin."

Masaya nitong ibinalita na susuportahan daw siya ng Philippine Councilors League (PCL).

Sa pagpapatuloy niya, “Lahat sa amin sa PCL, nakakausap ko. Kasi we’re 17,000 councilors [sa buong Pilipinas].

“Kaya sabi ko nga kung magtutulungan lang kami, di ba? Kasi kami sa PCL sobra kami magtulungan, magmahalan."

CONSULTING WITH FAMILY. Kasama rin daw sa pagdep-desisyon ang kanyang mga anak.

“Bago ako nagdeklara, kinausap ko na ang mga anak ko. Kasi kukunin ko muna siyempre yung ano [reaksiyon] ng mga anak ko, e, kung papayag sila.

“E, nakita ko yung suporta nila, yung worries nila. In-explain ko naman, ayun nakasuporta naman sila,” ang pahayag ng pa Parañaque councilor.

“Nagulat sila. Ang reaksiyon nila, ‘Ang hirap n’yan, Mama, ang laki ng Pilipinas.’

“Sabi ko sa kanila, ‘Hindi n’yo ba naiisip na halos naikot ko na rin ang Pilipinas?’