news

Bea Alonzo is thrilled by Zanjoe Marudo's intention to marry her: "Mabuti naman kung ganun, at least seryoso ang relationship namin."

by Melba R. Llanera posted on May 31, 2012  STATS: 18003 Views | 21 Comments

Bea Alonzo (in photo) and John Lloyd Cruz just arrived from Vienna, Austria where scenes for their new teleserye, A Beautiful Affair, were shot. The new ABS-CBN teleserye revives the Bea-Lloydie loveteam as another movie is being planned.

Photo By: Noel Orsal

Sa presscon ng Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme noong Lunes, May 28, sinabi ni Zanjoe Marudo na masaya at kuntento siya sa relasyon nila ng girlfriend niyang si Bea Alonzo.

Ilang taon mula ngayon ay balak na raw niyang pakasalan ang aktres. 

(CLICK HERE to read related story.)

   

Hindi naman itinago ni Bea ang kasiyahan sa sinabing ito ng boyfriend nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kinagabihan ng Lunes, May 28.

Aniya, “E, siyempre masaya. Mabuti naman kung ganun, at least seryoso ang relationship namin.

“Ako, I’m super happy with our relationship.

"Five years from now? Oo, mga ganun.”

BALIK-LOVETEAM. Dumating si Bea kasama si John Lloyd Cruz mula sa Vienna, Austria, kung saan sila nag-shooting para sa bagong serye ng ABS-CBN na A Beautiful Affair.

Sa seryeng ito muling itatanghal ang Bea-Lloydie loveteam  pagkatapos ng maraming taon.

Sa pagbabalik-tambalan nila ni Lloydie bilang loveteam, tinanong ng PEP si Bea kung ano ang dapat abangan ng mga tagahanga nila.

   

“Okay naman, na-achieve namin ang mga dapat naming ma-achieve and hopefully maganda yung kalabasan. 

“Yung mga importanteng eksena, yung first week namin, mga 80 percent were shot there. 

“Sobrang ganda ng lugar!

"Alam mo yung tipo na hindi ka man hopeless romantic, dito sa lugar na pinuntahan namin, magiging romantiko ka, e. Ganun ka-romantic yung lugar.

  

“Basta different siya sa ibang mga TV series na nagawa namin. 

“If I’m not mistaken, mga apat na taon na kaming hindi nagkakatrabaho, so iba talaga siya."

   

NOTABLE CHANGES. Ayon pa kay Bea, malaki ang nakita niyang pagbabago kay John Lloyd pagkaraan ng ilang taon nang huli silang magkatrabaho.

   

“Oo naman, saka palaki siya nang palaki bilang aktor. 

“Naabot na niya ang mga gusto niyang maabot, saka parang nagko-contradict yung familiarity saka yung bago.

“Parang may familiarity rin kami sa isa’t isa na parang, ‘Uy, familiar ang tingin na yun, familiar yung boses na yun, familiar yung kilos na yun.’”

   

Isa pang pelikula ang pagsasamahan nina Bea at John Lloyd bukod sa teleseryeng sinisimulan na nilang gawin.

   

“We are doing a movie together and they will see us again. 

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

21 Comments

  • 21  betsylane

    06/01/2012 | 01:25 PM
    kamukha sya ni bella padilla..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  trinoma_rat

    06/01/2012 | 11:46 AM
    tama ka humandynamics. there's nothing wrong if the woman should be the one to pop up the qxn in a male-female partnership. traditional pa kasi ang philippine society, kelangan daw lalaki ang nagpropropose ng marriage. ang lakas ng pressure sa mga lalaki ano? kawawa naman sila. tapos expected pa na lalaki ang breadwinner in a family, which shouldn't be the case also. both spouses should be responsible na for the financial aspect of the family, ganun din in running the household overall.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  humandynamics

    06/01/2012 | 09:34 AM
    zanjoe marudo's intention to marry her?! excuse me, shouldn't be the other way around?! bakit laging parang inferior ang babae sa pinas? pasalamat ka't may balak pakasalan ka?! ganon?!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  pinoycali_ako

    06/01/2012 | 08:43 AM
    I like this couple. Zanjoe is humble and have respect for women. I hope they last
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  shellphone

    06/01/2012 | 08:27 AM
    teh i suggest magpa cut ka na ng hair. eto ang boring na actress
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  pearl102

    06/01/2012 | 07:16 AM
    True Love ang dalawang ito?? Sabihin nyo iyan kapag sila pa rin kapag nagpantay na ang kanilang mga paa. Susme narinig nyo lang yung gusto siyang pakasalan eh true love na...pero anong sabi nitong zanjoe? Baka mga five years or more pa niya balak pakasalan si babae. Maraming puedeng mangyari sa loob ng ng lima or mahigit limang taon ano...I'll give them another year or two...hiwalay na iyan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  lulu_girl

    06/01/2012 | 04:23 AM
    3 months nang break si Geraldo at Kim ng ligawan ni Geraldo si Bea ayaw lang sabihin nila Kim dahil deny sila ng deny na magjowa na sila ni Gerald!!! mga inuuto lang nila fans nila!!! tagal na pala nilang magjowa susko!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  lulu_girl

    06/01/2012 | 04:16 AM
    hindi na kasalanan ni Bea na ligawan siya ni Geraldo mabuti nga at hindi nabola ng husto si Bea!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  brainfultoo

    06/01/2012 | 03:38 AM
    eh diba nga, she was making ahas to gerald while he was with kim chiu! it just happened na deny to death ni gerald about sa relasyon nya with bea kasi nga he was still with kim, super iyak pa ni lola kim about that affair na todo deny naman ni gerald, pinag mukha nyang t a n g a si bea that time, kaya super sulpot agad ni zanjoe to the rescue kuno, it was all publicity para mapag takpan ang secret love affair ni bea and gerald then the publicity stunt of the love affair ni zanjoe and bea blossom into real affair. please lang mga kapampams, anong pinag sasabi nyong walang inapakan ang babae na ito? di nga?! ha ha ha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  freshbreath

    06/01/2012 | 02:40 AM
    nang napanuod ko sa dbuzz interview ng father and sister ni zanjoe sa vtr dun ko mas na feel na true love pala talaga si zanjoe ke bea
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  sapulasaputi

    06/01/2012 | 02:25 AM
    maghiwalay din yan pag nagkasawaan na... kaya mag enjoy na habang in-love pa sa isat isa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  schokolade

    06/01/2012 | 01:10 AM
    goodluck zanjoe and bea, hapi for bea nakatagpo ng true love
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • somebodyelse

    06/01/2012 | 12:36 AM
    Go Go Bei Bei . bare in mind that at the end of the day after all those show sa tv at sine,.time rin isipin mo kung ano ang magbibigay sau ng happiness after mo magbigay ng happiness sa viewers mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • streetfighter

    06/01/2012 | 12:29 AM
    hindi man mapantayan ni ZANJOE si JLC sa acting pero pagdating sa relationship nya kay BEA mas lamang naman magdala si ZANJOE.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • love2love

    06/01/2012 | 12:26 AM
    kurek no.6, balik sa dating gawi si johnLoyd kapag sawa na iiwanan na ang babae at hanap ng iba, kahit magkaibigan pa wala siya pakialam hay lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • streetfighter

    06/01/2012 | 12:22 AM
    akala ko maglalast ang JLC-SHAINA pero mukhang ang BEA-ZANJOE ang maglalast...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • love2love

    06/01/2012 | 12:19 AM
    both sides walang sinaktan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • love2love

    06/01/2012 | 12:19 AM
    eto ang relasyon na walang tinapakan, kaya parang perfect kasi walang overlapping both saides
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • nugget

    05/31/2012 | 10:33 PM
    Team Laadlad...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dikit007

    05/31/2012 | 10:19 PM
    Although im a subscriber of GMA Pinoy TV, John Lloyd and Bea Alonzo is still my favorite loveteam.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About