Sam Concepcion takes the lead role in the musical and romantic comedy, I Do Bidoo Bidoo, featuring the songs of the Apo Hiking Society. Sam says he gets to sing the most number of songs—eight all in all—including "Blue Jeans," "Syotang Pa-class," "Ewan," and "Panalangin."

Photo: Glen P. Sibonga

Nakagawa na ng ilang pelikula si Sam Concepcion, pero maituturing niyang biggest break ang pelikulang, I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila, sa ilalim ng Unitel Productions.

Bukod kasi sa pagiging isa sa mga bida nito, bigatin pa ang mga kasama niya sa cast na kinabibilangan nina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla at Eugene Domingo.

“Yes, I can say this is the biggest film I’ve ever done. Tapos nandiyan pa yung big cast namin na puro big names, hindi lang sa pelikula kundi pati sa music, di ba? And this is my first time to work with Direk Chris Martinez,” sabi ni Sam nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng I Do Bidoo Bidoo.

Nagkuwento rin si Sam tungkol sa kanyang role at takbo ng istorya ng pelikula.

“Ako si Rock Polotan. Ako yung anak nina Kuya Ogie at saka ni Ms. Uge [Eugene]. I play the lead role dito sa movie along with Tippy dos Santos as Tracy, yung girlfriend ko.

"Ngayon our families clash kasi yung parents ni Tippy, sina Sir Gary at Ms. Zsa Zsa, mayaman silang pamilya. Kami naman hindi.

“Hindi pabor yung parents niya na makasal kami. Kasi nabuntis ko dito si Tracy e, so kailangan naming ipakasal.

"So, yung story dun umiikot sa pag-clash ng dalawang families.”

May pressure ba sa kanya dahil first time niyang maging bida sa isang malaking pelikula?

“Yeah, oo naman po. Definitely, may pressure kasi malaki yung project, malaki yung role.

"Siyempre may pressure, pero every time I go on set I just give my 100 percent every time. Binibigay ko kung ano yung expected of me.

"I really do my best. Alam ko naman na given this production, the artists in it, we’re gonna do well.”

WORKING WITH VETERANS. Kumusta naman katrabaho sina Ogie at Uge?

“Masaya sa set lagi. It’s really very fun. Iba yung experience e.

"Just being on the set with these people, mga veterans, di ba? Just by observing them, just by watching them portray their roles, marami na ako kaagad nakukuha.”