Louise delos Reyes and co-star Alden Richards in their new primetime teleserye One True Love share their unforgettable scenes with co-stars Agot Isidro and Jean Garcia: “Tapos si Ms. Jean, kinakabahan talaga kami. Teaser pa lang, si Alden, nasira ang polo niya. Ako, eight times akong nasampal ni Ms. Agot sa teaser.”

Photo: Noel Orsal

Sa pagtatapos ng My Beloved sa Biyernes, June 8, muling mapapanood dito sina Louise delos Reyes at Alden Richards para sa wedding scene nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. 

Maaga kasing nawala ang dalawa sa My Beloved dahil sinimulan na nila ang taping para sa pagbibidahan nilang primetime series—ang One True Love na papalit sa timeslot na iiwan ng magtatapos nilang serye.

         

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Louise sa taping ng My Beloved sa Sta. Ana Church noong Biyernes, June 1.

Nabanggit ng young actress sa amin na aware naman sila ni Alden na babalik sila para sa wedding scene nga nina Dingdong at Marian.

         

“Alam ko po kasi, sinabihan din po kami na, ‘O, basta sa last taping o sa kasal, basta, babalik kayo.’

“Parang yung lahat ng nawalang character po yata before, babalik.

“Yung mga hindi po namatay, babalik para sa espesyal na okasyon nina Sharina at Benjie.

         

“Pero nagbago po siya na, ‘Paano kaya kung susulat na lang kayo para hindi kayo makita na nasa My Beloved, 'tapos nasa One True Love?'

"Pero yun nga po, okay naman na makikita kami rito.”

         

STILL AS LOVETEAM. Hindi naman maitago ni Louise ang kanyang excitement sa One True Love, ang seryeng maglulunsad sa loveteam nila ni Alden sa primetime. 

Noong kausap namin siya, hindi pa raw siya nakakapag-taping dahil puro mga eksena muna nina Agot Isidro, Jean Garcia, at Raymond Bagatsing ang kinukunan.

         

“Sobrang excited po!" sambit ni Louise.

"Hindi pa po ako nagsu-shoot. Pang-third taping pa lang po. 

“Kumbaga, twenty years before pa lang. Yung background—kung ano ang nangyari sa mga anak nila, paano nabuo yung mga alitan nila before.

         

“So, yun. Medyo excited po kasi next week na raw po mag-i-start yung kaming dalawa ni Alden at sabay raw po kaming lalabas.”

         

Tanggap ng mga fans na walang relasyon sina Louise at Alden sa totoong buhay. Hindi lingid sa marami na si Enzo Pineda ang talagang malapit sa puso ni Louise ngayon. 

Tinanong ng PEP si Louise kung ano ang meron sa kanilang loveteam ni Alden at binigyan pa sila ng bagong pagbibidahang serye ng GMA-7.

“Siguro po kasi, naibibigay namin yung hinihiling ng mga fans na sweetness kahit hindi kami. 

“Sobrang kumportable kami sa isa’t isa at nakikita yun ng mga tao on screen. 

“Yung mga nanonood sa amin… natutuwa rin silang tingnan kami,” sagot niya.

PRIMETIME SERYE. Masasabing sina Louise at Alden ang bagong pinu-push na loveteam ng Kapuso network dahil pagkatapos maging suporta sa My Beloved, pagiging bida na ang ibinigay sa kanila.

         

Ayon kay Louise, “Hanggang ngayon, parang hindi pa rin kami makapaniwala. 

“Hindi pa kami tapos sa My Beloved, ‘tapos binigyan agad kami ng One True Love