news

Jean Garcia on first teleserye with new Kapuso Agot Isidro: "It’s a healthy competition."

by Rose Garcia posted on June 5, 2012  STATS: 11417 Views | 19 Comments

Jean Garcia on her excitement to work with Agot Isidro in a teleserye for the first time: "Mabait din si Agot. Kaibigan din 'yan, e. Kilala ko rin siya. Wala lang, excited lang ako to work with her."

Photo By: Noel Orsal

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jean Garcia sa taping ng upcoming primetime series ng GMA-7 na One True Love, sa may Tenement sa Taguig, noong Sabado, June 3.

Papel ng isang mahirap na magmamahal sa isang may-asawa nang lalaki (Raymond Bagatsing) ang karakter na ginagampanan ni Jean sa bago nilang serye

               

Bagamat nagsimula na siyang mag-taping para sa One True Love, nag-taping pa rin si Jean para sa magtatapos nang early primetime series niyang Alice Bungisngis.

               

“Every day po akong nagte-taping!

“Minsan nga nakakatawa, e, umulan pa, sa Tagaytay—ang dami kong  eksena, 30 plus! 

“Ang linya ko, ‘Teka muna, hirap na. Teka muna, bakit ko ba ginagawa ito sa sarili ko? Lord, hindi naman po ako nagrereklamo!’” natatawang kuwento niya.

               

Ngayon lang daw kasi nag-overlap ang taping schedules niya dahil magtatapos pa lang sa Biyernes, June 8, ang Alice Bungisngis. Sa Lunes, June 11, naman ang umpisa ng One True Love.

               

SHIFTING CHARACTERS. “Mabait na naman ako ulit. Bait-baitan attack,” nakangiting sabi ng aktres na si Jean  tungkol sa kanyang karakter sa bagong primetime series ng GMA-7—ang One True Love. 


Mula kasi sa pagiging kontrabida sa Alice Bungisngis ay balik na naman siya sa pagiging mabait dito sa One True Love.

               

“Yes, suwerte ko, yun ang ginagawa nila sa akin,” pagsang-ayon niya.

               

“Dito naman sa One True Love, mabait pero lumalaban naman. Hindi siya yung usual na bida. 

“Kasi mag-aaway kami [ng karakter] ni Agot [Isidro], gaganti ako, e.”

               

NEW CHALLENGE? Ang dami nang nagawang karakter ni Jean sa mga nagdaan niyang mga teleserye. Anong hamon naman ang dala sa kanya ng role niya bilang si Ellen sa One True Love?

               

“Challenge? Ano ba? One is, first time namin ni Agot na magkasama.

“'Tapos, excited din ako for Alden [Richards] na kasama ko dati sa Alakdana

“Mga babies ko ‘yan—si Alden, Louise [delos Reyes], mga bago pa sila noon.

               

“Parang first project nila as loveteam ang Alakdana. Nanay ako doon ni Louise. 

“So, parang noong nag-uumpisa, nakasama ko naman sila. 

"Mabait yung dalawang bata, walang problema. 

"Excited ako for both of them,” pagtukoy niya sa dalawa na kasama niya rin ngayon sa bago nilang serye.

ALDEN AND LOUISE. Bilang unang nakasama nang ilunsad ang loveteam nina Louise at Alden noon sa Alakdana, nakitaan na ba niya ng potensiyal ang dalawa?

               

“Oo naman,” ang mabilis niyang sagot.

"Yun naman ang palagi kong sinasabi sa mga baguhang artista.

“Kailangan kasi, hindi puwedeng mauuna yung laki ng ulo. Dapat iano muna nila yung skills nila, ang pagiging artista nila, ang pag-arte nila. 

“Huwag tayong matapos na 'kasi sikat ako, kilala ako, may pangalan na ako.' Huwag tayong matapos doon.

               

“Dapat nire-reinvent nila ang mga sarili nila. Yung craft nila, yung skills nila, dapat nagwu-workshop sila. 

“Dapat nag-aaral sila.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

19 Comments

  • 19  MIKYA

    06/07/2012 | 11:43 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  kenwajapan2

    06/07/2012 | 11:08 PM
    hahaha. ano kaya ang feeling ng madeactivate ang comment mo due to inappropriate content.. di ba??? hahaha… go marian.. go gma..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  MIKYA

    06/07/2012 | 10:35 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  kenwajapan2

    06/07/2012 | 10:08 PM
    mikya at least ako nilalagay ko ang sarili ko sa dapat kalagyan. nagsasalita ako sa ayon sa kinalalagyan ko. eh ikaw, sagutin mo nga ulit ako?? may creative license ka ba para sabihin sa amin kung ano ang magaling umarte sa hindi?? baka di mo alam un?? actor ka ba?? o kahit labandera ka lang?? alam mo ba ang magaling sa hindi?? magworkshop ka muna sa paglalaba day..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  MIKYA

    06/07/2012 | 09:37 PM
    kenwajapan ikaw ano ka?! feeling mo hindi ka taga comment at taga basa lang din dito?! nangangarap ka teh? sege libre yan! wag ka magkuripots at suportahan mo movies ng idol mong walang talent para naman makatulong ka at baka sakali makaahon yan sa kinasadlakan nyang korona, ang pagiging FLOPSINA QUEEN...oh bonga talaga sya..lol..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  Princess_Irish18

    06/07/2012 | 05:38 PM
    jean is so pretty,,,ONE HOT MAMA!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  kenwajapan2

    06/07/2012 | 04:32 PM
    mikya well sa yo na nanggaling marami kaming naniniwala na magaling sa marian at ikaw, mananatili kang tagapagbasa at tagapagcomment dito sa pep.. baka ung amo tinatawag ka na day, mag workshop ka na daw ng paglalaba pak boom.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  MIKYA

    06/06/2012 | 07:36 PM
    kenwajapayuki yung acting ni marian maski ikumpara sa isang 7 years old na child actor actress sa abs cbn hindi mananalo...hwwwaaarrrkkk!! kasukang acting pwe!! kulang sa emotion,sana sumunod nyang teleserye sa gma hindi na kailangang magpakita ng emotion..hahaha..meron ba nun? anyway marami naman syang fans na katulad mo na marunong iaccept ang napaka low quality nyang acting..enjoy!!lol..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  Speed_OfLight

    06/06/2012 | 05:23 PM
    3 MIKYA 06/06/2012 | 02:04 AM Dapat nire-reinvent nila ang mga sarili nila. Yung craft nila, yung skills nila, dapat nagwu-workshop sila. “Dapat nag-aaral sila. “Huwag tayong matapos sa, ‘O, sikat na 'ko. Tinutulungan ako ng GMA. Bumibida na 'ko.’ Huwag tayong matapos do’n.”--------------O PARA SAYO YAN MARIAN RIVERA...PROMISE IKAW TALAGA YAN,ISAMA NA SI JACKIE RICE ISA PANG WALANG KWENTA UMARTE... ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ sabihan nyo muna si Kris Aquino. 2 dekada nyo nang pinapanuod.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  kenwajapan2

    06/06/2012 | 04:04 PM
    hala si MIKYA wala sa wisyo ang comment. anong kinalaman dito ni marian?? kaw kaya mag workshop ng tamang pagcomment??? may creative license ka ba para sabihing di marunong umarte si marian?? kaloka ka.. echosera ka alam mo naman sa sarili that marian can act.. bibigyan ba sya ng mga teleserye kung di sya marunong umarte?? umayos ka nga day. kaloka..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • luvpinas4ever

    06/06/2012 | 01:48 PM
    i think it's a combination of blessings and luck because it's not only her pati na ang daughter nyang si Jennica one show after the other plus may Personalan show pa si Jean. i think GMA trusts her craft and her dedication sa work nya. look at Eula after ng nagugunaw nyang show sa dos eh wala ng project ibibigay sa kanya.Jean is one of the artists na what you see is what you get.totoong tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tagaamparoako

    06/06/2012 | 11:02 AM
    Exciting to...Madam Claudia vs Ingrid...classic tarayan na naman. Parang hindi sumagi sa mind ko na magsasama sa Kapuso teleserye ang dalawang magagaling at magagandang aktres na ito. And of course very refreshing to see that Alden and Louise bagged the main roles. Kaka excite talaga. Since ito ang papalit sa My beloved, im sure malalampasan nito ang lumaylay na ratings ng Dongyan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yuri_alex

    06/06/2012 | 06:31 AM
    Good vibes and feel good Lang ang peg ko para sa One True Love. Good Luck to the Alden Richards and Louise! Hehehe...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yuri_alex

    06/06/2012 | 06:30 AM
    She's a very effective actress in every role. And very professional pa! Swerte ng mga nakakatrabaho si Ms. Jean Garcia kasi madami silang natututunan from her, not just acting wise but career wise! :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • humandynamics

    06/06/2012 | 05:09 AM
    they should groom new generation of kontrabidas.. nakaka asiwa na kasing panoorin ang matatandang nagbabangayan.. at kulang na kulang sila non, as an audience maganda rin yong may bago kang napapanood hindi yong sila na lang sila lagi nakakaumay na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    06/06/2012 | 03:29 AM
    Swerte naman ni Jean Garcia.Hindi pa natatapos ang isang serye na nanduon sya eh meron na sya kaagad kasunod.Hindi sya nabakante.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MIKYA

    06/06/2012 | 02:04 AM
    Dapat nire-reinvent nila ang mga sarili nila. Yung craft nila, yung skills nila, dapat nagwu-workshop sila. “Dapat nag-aaral sila. “Huwag tayong matapos sa, ‘O, sikat na 'ko. Tinutulungan ako ng GMA. Bumibida na 'ko.’ Huwag tayong matapos do’n.”--------------O PARA SAYO YAN MARIAN RIVERA...PROMISE IKAW TALAGA YAN,ISAMA NA SI JACKIE RICE ISA PANG WALANG KWENTA UMARTE...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chikorita_pikachu

    06/06/2012 | 01:29 AM
    ang swerte ng mga artista sa GMA.. di nababakante.. kung meron man cguro yun yung mga nag dedemand ng malalaking roles, kaya nasisilaw sa offer ng kabilang estasyon.. enweiys.. excited ako makita ang acting ni Agot .. hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sk8r_boi

    06/05/2012 | 08:26 PM
    busy ang beauty ni ms. jean, di pa tapos ang alice, meron na agad kasunod. i'm not familiar with agot. i think its gonna be my first time to see her acting on tv. but i saw her interview with mond on SC last sunday. i think she's mabait.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About