Alden Richards's loveteam in One True Love is Louise delos Reyes, who is rumored to be Enzo Pineda's girlfriend. When asked if there's a chance that he and Louise can become real sweethearts, Alden says: “I don’t know po. Hindi ko po masabi. Si Louise, meron po siyang off-cam affair."

Photo: Noel Orsal

Mahigit isang taon pa lang sa showbiz si Alden Richards, pero marami na siyang nagawa na nagmarka—mapa-pelikula man o sa telebisyon.

         

Kahit mabilis, marami ang nagsasabi na deserving naman ang Kapuso young actor sa mga breaks na ibinibigay sa kanya ng GMA Network. 

BIG BREAKS. Ang pinakabago at pinakamalaking break sa kanya, at sa ka-loveteam niyang si Louise delos Reyes, ay ang pagiging bida nila sa primetime series na One True Love.

         

Bago nakapag-taping sa One True Love, bumalik muna sina Alden at Louise sa My Beloved para sa wedding scene nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. 

Doon nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden noong Sabado, June 2, at inilahad niya ang mga hindi makakalimutang mga naging karanasan habang ginagawa ang My Beloved.

         

Umpisa ni Alden, “Masaya po at saka marami po akong natutunan sa My Beloved.

“Utang ko po rito, lalo na sa acting, kapag lumalabas po ako, si Rico [papel ni Alden] sa My Beloved. Parang doon nila ako nakilala.

"Malaki po ang utang na loob ko sa cast at team ng My Beloved.”

         

Habang iniinterbyu si Alden, nasa kabila naman si Marian na ini-interview rin ng press.

Kung may mga advice na naibigay si Marian kay Louise pagdating sa lovelife, mayroon din ba kay Alden?

         

“Ang sabi po niya, kung sino ang mahal mo, yun lang ang i-pursue mo,” nakangiting sabi ni Alden.

NOW SHOWING. Aminado si Alden na may pressure siyang nararamdaman lalo na't magpa-pilot na sa June 11 ang One True Love.

         

“Opo, kasi primetime na po. 'Tapos, una pa pong pagbibidahan ko na soap. 

“Sana po, mag-rate talaga since papalit pa po siya sa slot ng My Beloved," asam niya.

         

May nagbiro kay Alden na paano kung hindi mag-rate ang show nila?

         

“Naku, huwag naman po! bulalas niya.

"Kasi, kapag hindi po nag-rate, baka mawalan tayo ng trabaho after. Matagal po tayong ma-standby.”

         

Tinanong naman si Alden kung sa palagay niya, hinog na sila ni Louise para maging bida sa primetime dahil nagsimula lang sila sa afternoon soap—ang Alakdana noong 2011.

         

“Siguro po kasi, parang binigyan po kami ng isang napakalaking desisyon ng network na bigyan kami ng solo primetime ni Louise. 

“Madugong brainstorming po ang nangyari before nilang i-approve ang ganitong klaseng project po.

“So, sana lang po talaga, suportahan kami ng mga viewers ng GMA.”

KISSING SCENES. May kissing scene daw sila ni Louise sa One True Love.

         

“First kissing scene ko po si Louise so, excited po at the same time. 

“Pero siyempre po, trabaho lang, alam naman po ‘yan ni Louise.”

         

Sinabi ni Louise sa isang interview na nag-usap na sina Alden at Enzo Pineda, ang rumored boyfriend ng dalaga, tungkol sa sa mga romantic scenes na gagawin sa One True Love.

(CLICK HERE to read related story.)

         

“Opo, kinausap ko po siya,” pagkumpirma ni Alden.

“Minsan nagseselos. Pero hindi rin naman po maiiwasan.