Benjamin Alves on making a showbiz comeback: “To have a second chance and in this magnitude, na ang daming blessings kaagad, to coincide with me finishing school and getting summa, parang perfect timing lahat.  Kaya thank God po talaga sa lahat ng taong nakapaligid sa akin ngayon.”

Photo: File photos

Ngayon higit na masasabi ni Benjamin Alves na tama ang desisyon niyang pansamantala munang tumigil sa pag-aartista at ituloy ang pag-aaral niya sa University of Guam. 

Unang nakilala si Benjamin bilang Vince Saldaña noong nakakontrata pa siya sa Viva Films.

Bago pa man magtapos ng kursong Literature major in English, pinapirma na si Benjamin ng GMA-7 para sa isang guaranteed contract.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa isang restaurant sa Megamall noong Lunes, June 5. 

THE GRADUATE. Last week lang siya bumalik ng bansa. This time, for good.

Bitbit na rin kasi ni Benjamin ang kanyang diploma at ang karangalang nakamit bilang summa cum laude.

“It’s nice to be back!” sambit niya.

“Kasi nakakapagod from January ‘til now, I’ve been back five to eight times.

“So, actually, yung last semester ko, mahirap because of coming back. Especially sa school, yung workload, pinakamahirap yung last semester. Nakakapagod. 

“Akala ko nga mawawala yung chance ko na mag-graduate ng summa.”

Noong May 27 raw siya nag-martsa sa stage at grumadweyt. 

Noong umuwi siya para sa story conference sa bago niyang pelikula, ang Guni-Guni ng Regal Films, hindi na sana siya babalik ng Guam para dumalo sa graduation nila.

“Mas gusto ko sanang mag-stay na dito kasi nakakapagod din ang pabalik-balik. 

“Although, nakakahiya naman kina Mommy na hindi mag-march. I mean, para sa magulang malaking bagay yun. 

“E, nakita ko ang hitsura ni Mommy, medyo nanghinayang, so umuwi na ‘ko.