news

Cory Quirino explains decision to transfer Miss World Philippines from GMA-7 to TV5

by Glen P. Sibonga posted on June 8, 2012  STATS: 27449 Views | 16 Comments

Cory Quirino on moving Miss World Philippines franchise from GMA-7 to TV5: "GMA-7 and TV5 are both professional networks. But the only difference, the basic difference is that TV5 is managing and producing this pageant with a sense of ownership already. Parang kanila na ito.”

Photo By: Noel Orsal

Noong isang taon ay sa GMA-7 unang napanood ang Miss World Philippines, kung saan nanalo si Gwendoline Ruais na eventually ay nanalo namang Miss World 2011 First Princess.

Ito ay makaraang ibigay ng Miss World organization ang Philippine franchise nito sa beauty and wellness guru at CQ Global Quest Inc. chairperson na si Ms. Cory Quirino.

Dating nasa Binibining Pilipinas Charities, Inc. ang franchise ng Miss World. Pero nagdesisyon ang Chairwoman at CEO of Miss World Limited na si Julia Morley na ibigay na sa iba ang exclusive license agreement ng Miss World sa Pilipinas.

Nagkataon namang si Cory ang pinili at pinagkatiwalaan ng franchise ng Miss World.

Ngayong taon ay nagdesisyon si Cory na ibigay sa TV5 ang television coverage ng Miss World Philippines.

Ang grand coronation night ay mapapanood nang live mula sa Manila Hotel Tent sa Hunyo 24 ng gabi sa TV5.

Ginawa ni Cory ang announcement ng partnership ng Miss World Philippines at TV5 sa press presentation ng 25 official candidates ng naturang beauty pageant na ginanap sa Manila Hotel kahapon, June 7.

“This is to formally announce our partnership with TV5. Kaya officially, Kapatid na Kapatid na talaga ang Miss World Philippines.

“We can see that our pageant this year is very exciting kasi po ang pangako ng TV5 ay mas bongga, mas malaki, mas maganda, mas matindi.

“And so we are very hopeful that finally the crown of Miss World will go to the Philippines,” pahayag ni Cory.

Kaya naman sa question-and-answer portion ay hindi nakaligtas si Cory sa tanong ng press kung bakit TV5 ang napili niya pagkatapos ng GMA-7.

“Kasi tulad ng sinabi ko noon when we first talked with Atty. Ray Espinosa of TV5 and Mediaquest, sinabi ko na ang ibinigay ng TV5 po sa Miss World Philippines ay hindi lamang tirahan kundi pati na rin tahanan. Kaya hindi ako maka-hindi sa TV5,” paliwanag ni Cory.

Pagkatapos ng Q&A ay muling kinausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Cory para sa mas detalyadong pag-usisa tungkol sa isyung ito.

Nagkausap ba sila ng GMA-7 bago niya tuluyang ibinigay sa TV5 ang Miss World Philippines?

“Definitely. Humingi ako ng permiso sa kanila.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  daiguro01

    06/10/2012 | 03:17 AM
    buti na lang sa tv5 napunta ang Ms World, ang panget kasi last year, puro sponsor awards, miss ganito miss ganyan, the most boring pageant ever, bu raot kasi ang GMA. Ngayon mas maganda sigurado ang Ms World Philippines, for sure yan. Meron naman daw bagong pageant ang GMA.. Miss Kamuning 2012 ang premyo 1 year supply ng sardinas at instant noodles! bwahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  felixsotto

    06/10/2012 | 02:57 AM
    Good luck na lang!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  thelastpepbender

    06/09/2012 | 09:09 PM
    bottomline wala ng International Beauty Pageant sa GMA 7. kaso option lang naman ang TV5 pag di maganda palbas sa GMA 7 at ABS. thats a FACT!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  em_man2007

    06/09/2012 | 04:09 PM
    paano makaka aabante ang miss world philippines madam cory.? kung dyan ka sa tv5? baka matatawa si mam araneta dyan? ang tv5 malabo ang signal sa mga probinsya. sino naman ang magsponsor kung wlang manonood sa pageant na yan diba? dapat nag stay ka sa gma networkkasi nationwide malinaw ang signal. baka magalit sa iyo ang mga kamag-anak ng mga contestants na nasa malayong probinsya kasi hindi nila makita ng livetelecast.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  luvpinas4ever

    06/09/2012 | 03:00 PM
    I don't think people are not expecting your explanation because bottomline is PERA, Money at wla ng iba.kahit pa english ang explanation mo I just hope as professional you don't insinuate something that as if when Ms world was with GMA they didn't have a sense of ownership.sana lang you just said thank you and whatever good experience you had with GMA.oh yeah good luck sa wish mo na makuha ng Philippines ang ms World title but because ginawa mo ng self vested interest ang Ms World eh good luck na lang sa yo dahil may balik sa yo yan at sa Kapatid network mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  bruha

    06/09/2012 | 08:51 AM
    2015? ang Bali, Indonesia ang host ng Miss World 2013 2015 confirmed na yan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  agathis

    06/08/2012 | 11:05 PM
    Baka one day TV5 will have the full ownership of Miss World Phil. Haha..parang inangkin na kasi ng TV5 ang pageant co. Naku, Ms. Cory, baka gawin ka nalang PA ng TV5 for MW.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • msTrue

    06/08/2012 | 09:41 PM
    ...........at no one,,,, first runner up sa ms universe at first runner up ng miss world at miss international ang produkto o mga pinakamataas na nagwagi nung panahon na nasa gma7 ang bb pilipinas.................sana lang mahigitan pa iyan ng abs at tv5...............lets wait and see
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mikebalangsosa

    06/08/2012 | 06:58 PM
    Ang tanong kung may audience sa tv 5...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • thelastpepbender

    06/08/2012 | 06:25 PM
    ako pa sa TV 5 magtayo na rin sila ng RATING COMPANY nila. ang ABS may TNS, ang GMA 7 may AGB. TV5 na lang ang wala. Or di kaya agawin na lang ng TV5 yung AGB sa TNS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • keen

    06/08/2012 | 06:23 PM
    in short, parang binili na din ng tv5 ang ownership ng miss world philippines... and cory quirino is acting like a manager. tama ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapusodbest

    06/08/2012 | 05:18 PM
    Its all about business, if Tv5 has a better offer why not accept!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bulagafan

    06/08/2012 | 04:39 PM
    Parang ang tingin ko ay parang isang pamilya na humiwalay na sa mga magulang. Nagsimula sa isang apartment, nagsikap at nakakuha ng sapat na puhunan para maghanap ng mas maginhawang bahay. Natagpuan ang TV5 na nag offer ng magandang tahanan at pagkakataon, magpapaalam ka pa ba sa owner ng apartment eh bayad ka naman sa renta. Saka negosyo yan at pera pera lang ang usapan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mojomojo

    06/08/2012 | 04:07 PM
    Paging shareholders of PLDT! Hindi ba kayo aangal na ang pera nyo ginagamit ni MVP na panggastos sa TV5?! E hindi naman good investment un. Palugi nga. Ang mamahal pa magbayad sa mga artista kahit laos at starlets. Give TV5 a few more months or a couple of years. Mauubos din ang kaban. Walang return of investments eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kenwajapan2

    06/08/2012 | 03:56 PM
    yes tama ang explanation ni ms cory pero sana sinabi nya na its all about business. and if you really know about business, gma still did the right decision of letting go ms. world. anyways, di naman buong taon panonoorin o araw araw panoorin ang ms world or bb pilipinas para maging kawalan sa gma.. try to think about business that is kung hindi puro ampalaya or talangka ang laman ng utak nyo.. pak!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ako_budoy

    06/08/2012 | 03:40 PM
    iniwan na nga ng BB pilipinas ngayon iniwanan na nman ng MS WORLD, hahaha sabagay what should we expect from the cheapest network of PH??? ay nkalimutan ko, baka iisang tao na nga lang pala ang nag mamay-ari ngyon ng TB5 at GMEEWW.. wwooohhhh GO TB7, mag sanib pwersa na kac hindi kkyanin kung mag isa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About