Director Brillante Mendoza's (in photo) dream project will feature Superstar Nora Aunor, Star for All Seasons Vilma Santos, and this generation's hottest star, Coco Martin.

"Sana, sana," Direk Dante says. “Niluluto pa. Pero sana, matuloy… Hinihintay pa namin ang mga… Okey na kay Nora, okey na kay Coco, so, schedule na lang ni Ate Vi."

 
Photo: File

Matagumpay na ginanap kagabi, June 9, Sabado ng gabi, ang sneak preview ng Captive ng 2009 Cannes Best Director na si Brillante Mendoza sa Shangri-La Mall Cineplex sa Mandaluyong City. Personal na inimbita ang reporter na ito ng internationally acclaimed director na dumalo.

Ito ang first public screening ng Captive sa Pilipinas, making it the “Philippine premiere,” bagama’t magkakaroon rin ng isa pang grand premiere night ang nasabing pelikula sa September 3, bago ang nationwide showing nito sa September 5, to be released by Star Cinema.

 
 
Katuwang ang iba’t ibang French co-producers, ang Captive, na production ng Centerstage Productions ni Direk Dante, ay nag-world premiere noong February sa Berlin International Film Festival sa Germany, at ayon na rin sa award-winning director, ito ay umiikot sa iba’t ibang film festivals sa buong mundo.
 
 
Dumating sa Philippine premiere sa Shangri-La kagabi ang ilang guest tulad nina Senator Loren Legarda, MTRCB chair Grace Poe-Llamanzares, ABS-CBN news anchors Karen Davila and Ces Oreña-Drilon, at ilang cast members ng pelikula na sina Angel Aquino, Madeleine Nicolas, at Arlyn dela Cruz.
 
 
Nagbigay-suporta rin ang National Artist for  Literature na si Bienvenido Lumbrera, Raquel Villavicencio, Soliman Cruz, at humabol din sina Angie Ferro at Marife Necesito (Pinay actress na lumabas sa Hollywood movie na Mammoth).
 
 
ON CAPTIVE. Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasama ng iba pang members ng media kay Direk Dante (palayaw ni Mendoza), marami itong naibalitang updates tungkol sa Captive, pati na ang future projects niya.
 
 
Ano nga ba ang kuwento ng Captive?
 
 
“Ito ay tungkol sa kidnapping case sa Dos Palmas Resort [Palawan] noong 2001,” bungad ni Direk Dante.
 
 
Ano ba ang ine-expect niyang maging reviews ng ating mga kababayang Pinoy sa kanyang bagong obra?
 
 
“Yung reviews ay secondary na lang sa akin.  Mas mahalaga sa akin ay yung mapanood ito ng mas maraming tao. 
 
 
“Unang-una, we got an MTRCB rating na R-13.  So, ibig sabihin, puwede itong panoorin ng mga high school students na walang cut. 
 
 
“At pangalawa, we got an A-rating from the Cinema Evaluation Board.  Ibig sabihin noon, they are recommending the film, and it’s 100 percent tax-free rebate.
 
 
“Masaya tayo dahil kumbaga, nagiging accessible na ang mga pelikula at sana, suportahan naman ng mga tao, ng audience, ang pelikula.”
 
 
Bida ng film ang French award-winning actress na si Isabelle Huppert.  Ang Pinoy ensemble cast naman ay sina Raymond Bagatsing, Ronnie Lazaro, Angel Aquino, Sid Lucero, Rustica Carpio, Mercedes Cabral, Mon Confiado, Maria Isabel Lopez, Alan Paule, Che Ramos, Madeline Nicolas, Neil Ryan Sese, Tado, Bernard Palanca, etc.
 
 
May cameo appearances rin sina Joel Torre, Anita Linda, Evelyn Vargas, etc.
 
 
HOW HE CONVINCED MS. HUPPERT. Paano ba niya nakuha ang serbisyo ni Ms. Huppert?
 
 
“Si Isabelle kasi was the head of the jury sa Cannes noong nanalo akong best director noong 2009.  Tapos, nagkita kami sa Brazil of the same year. 
 
 
“Meron akong retrospective sa Brazil, at nabanggit ko sa kanya na meron akong project.  Sabi ko, ‘You can be one of them [sa cast].’ And then, sabi niya, ‘Why not?’
 
 
"Akala ko, nagbibiro lang siya.  Hanggang sa nag-e-mail ako sa kanya, binigay ko sa kanya ang storyline. 
 
 
“Interestedo naman siya at nagkita kami sa Paris, okey naman sa kanya,” kuwento ni Direk Dante.
 
 
WORKING WITH NORA ON THY WOMB. Samantala, kinumusta rin ng press ang bago niyang pelikula kasama ang superstar Nora Aunor na Thy Womb, pero ang Filipino title ay Sa ‘Yong Sinapupunan. 

 
Kasama sa cast sina Bembol Roco (na kasama ni Guy sa classic films niyang 'Merika at Tatlong Taong Walang Diyos), Mercedes Cabral, at Lovi Poe. 
 
 
Ito ay tungkol sa isang babaeng Badjao na midwife na hindi magkaanak kung kaya’t pumayag itong magka-anak ang kanyang mister sa ibang babae.
 
 
Si Nora rin ang magpapaanak sa mabubuntis ng kanyang asawa. Makikita rin ang kultura ng Muslim, with Tawi-Tawi as one of its locations.
 
 
Kumusta na ang update sa post-production ng kanyang Sa ‘Yong Sinapupunan?
 
 
“Malapit nang matapos ang editing,” sabi ni Direk.  “May bitbit nga ako ngayong rough edit [ng film], kasi, after this, aalis ako papuntang Copenhagen [Denmark],  at magta-trabaho pa rin ako kahit na nandoon ako.
 
 
“Ang international title kasi ng film ay Thy Womb.  Ang local title nito sa Pilipinas ay Sa ‘Yong Sinapupunan,” ani Direk, adding na nauna lang na-publicize ang Thy Womb.
 
 
NORA MOVIE ENTRY FOR MMFFP. Kinumpirma rin ng director ang pag-submit niya ng Nora movie sa Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP) 2012, sa main competition. Na-beat nila ang deadline of submitting entries noong June 7, sa main office ng MMDA na siyang organizer ng taunang December filmfest ng mga pelikulang Pinoy.
 
 
“Yes, sinabmit natin siya sa MMFFP, dahil kumbaga, gusto rin siyang maging accessible, itong pelikulang ito, kasi, napakagandang i-share sa mga kababayan natin. Lalung-lalo na yung lugar kunsaan namin ito shinoot.
 
 
“So, hopefully, matanggap tayo sa MMFF.”
 
 
DREAM PROJECT WITH NORA, VILMA, COCO. Masaya ring naibalita ni Direk Dante ang plano niyang paggawa ng pelikula ulit kasama si Nora, at ang isa pang de-kalibreng akres, ang Star For All Seasons na si Vilma Santos, at si Coco Martin na protégé niya.
 
 
Unang ipinarating ng press kay Direk Dante na may nabanggit raw si Batangas Governor Vilma Santos na gagawa rin ito ng pelikula under him. Totoo ba ito?
 
 
“Sana…  sana!” sagot niya.  “Dream ko din yun.  Actually, hindi lang siya, silang tatlo—si Nora, si Vilma, at si Coco.
 
 
“Niluluto pa.  Pero sana, matuloy… Hinihintay pa namin ang mga… Okey na kay Nora, okey na kay Coco, so, schedule na lang ni Ate Vi," sabi ni Direk Dante.
 
 
Ano’ng magiging characters nina Nora at Vilma sa istorya?
 
 
“Hindi pa natin alam.  Hindi pa natin puwedeng sabihin, kasi, mahaba-haba pa ‘yan, e.”
 
 
Aminado si Direk Dante na excited siya to do this very special film, lalo na’t sina Nora at Vilma ay dalawa sa sinasabing “greatest actresses” of Philippine Cinema – base sa kanilang mga body of work.
 
 
Si Vilma ay may tinatapos na Star Cinema movie, ang The Healing, with Kim Chiu, directed by Chito Roño, na may September showing (kung matatapos), at si Guy nga ay may posible na MMFFP entry.
 
 
“Excited ako dito, kasi, sabi ko, kung gagawa ako ng commercial movie,  gusto ko, commercial talaga na maraming manonood. 
 
 
“Gusto ko talagang panoorin ng mga tao, kaya dapat, panoorin niyo yun!” tawa niya.
 
 
SYNCING SKEDS. Ano’ng reaction nina Ate Guy, Ate Vi, at Coco sa dream film project niyang ito?
 
 
“Ang nakakausap ko pa lang ay sina Ate Guy at Coco,  si Ate Vi, hindi pa.  Kasi, we’ve been trying to get in touch with her…
 
 
"Si Ate Guy, she’s very excited, of course, as usual, kasi, she wants to work with me again after Thy Womb.
 
 
“Si Coco, alam naman natin na dati ko siyang kasama sa mga pelikula ko, so, excited lahat sila.  Sabi ni Coco, this is a dream come true, kung magkatotoo man.”
 
 
Ideya ba niya ang film project na ito?
 
 
“Well, sabihin na nating… Lately, parang nasabi lang ni Ate Guy, ‘Gusto ko pang gumawa ng pelikula sa ‘yo,’  at sabi ko, ‘Dapat, kakaiba naman dito sa Thy Womb.’
 
 
"Saka, sabi sa kanya ng TV5, parang ang gusto niya, sa career path niya, it's either gumawa ka ng a very commercial movie or a movie that can give you awards.  Parang gano’n.
 
 
“I think, I’m falling in such a category naman,” tawa uli niya. 
 
 
“Early next year na ito.  Ang shooting will be dito sa Pinas at sa labas ng bansa.
 
 
“Trinatrabaho sa Star Cinema. As usual, schedules e.  Alam mo naman ako,  ‘pag nagsu-shoot ako, ayoko ng masyadong ano… E,  tatakbo pa ata si Ate Vi next year.  So, schedules.”
 
 
BRILLIANT IDEA. Paano nga ba nag-originate ang ideya ng pelikula na pinangungunahan ni Nora-Vilma-Coco? Brainchild ba niya ito?
 
 
“Yeah, it’s my brainchild.  Sabi ko kasi, kung gusto kong gumawa ng commercial movie,  sabi ko, gagawa ako ng ganoon, pero the objective is commercial.
 
 
“’Pag sinabi nating commercial, sabi ko, dapat, maraming manonood, kumbaga, dapat blockbuster siya!  Kaya manood kayo, huh!”
 
 
Naisip niya talaga no less than Vilma-Nora?
 
 
“Siyempre, two of the greatest actresses of Philippine Cinema, plus si Coco na siya ‘yung parang pinaka-'in' ngayon sa young generation. 
 
 
“So, ‘pag pinagsama-sama mo yung tatlo, iba rin yung movie, di ba?”
 
 
Hindi ba siya mahihirapan in terms of exposure ng characters ng dalawang multi-awarded actresses na sina Nora at Vilma?
 
 
“Siyempre, kinu-consider natin yun, alam naman natin na given yun. 
 
 
"So yun siyempre ang tututukan natin – na dapat, balanse,” pagtatapos ni Direk Dante.