Mike Tan on working with the industry's icons: “Nasanay na rin ako nang nasanay at nagpapasalamat ako sa mga nakaeksena ko—si Lovi [Poe] at si Ms. Cherie [Gil], palagi kong kaeksena noon... si Tito Eddie [Garcia].”

Photo: Noel Orsal

Nagkaroon ng dalawang linggong pahinga si Mike Tan bago magsimula ang kasunod niyang teleserye pagkatapos ng Legacy, ang Faithfully.

Bago ito ay nag-overlap ang huling dalawang teleserye niya—Kung Aagawin Mo Ang Langit at Legacy.

Sa pagkakataong ito, magkasunod man, nagkaroon pa rin siya ng mga araw para sa guest appearances at regional shows.

         

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mike noong June 8 sa Italianni’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

CLIMBING. Ayon sa young actor, hindi niya nagawang makaakyat ng bundok noong mga panahon na mayroon sana siyang oras. Ito kasi ang bagong hobby niya ngayon.

         

“I’m still looking forward na makaakyat muli ng bundok. Actually, yun ang naiisip ko hanggang ngayon.

“Yun nga lang, hindi rin kasi magawa dahil may mga biglaan din namang trabaho, lalo na ang regional [shows].

         

“At the same time, hindi rin naman kasi madaling magpa-sked ng akyat. 

“Lalo na kung yung mga kasama mo, hindi rin nila sked na umakyat. 

“Pero sana, yun ang isa sa gusto kong gawin talaga ulit. Nami-miss ko na rin umakyat ulit ng bundok.”

IMPROVED CHARACTERIZATIONS. Malaking bagay para kay Mike na nagkasunod ang mga teleserye niyang Kung Aagawin Ang Langit at Legacy

Magkaiba kasi ang karakter na ginampanan niya rito at masaya raw siya sa mga feedback na natanggap niya.

         

“Natutuwa ako sa feedback dahil sinasabi nila sa akin na every time na lumalabas, pa-improve nang pa-improve. 

“Na may nakikita silang bago kunsaan yun naman talaga ang target ko. 

“Ang target ko nga, kada show, may improvement na makikita.

         

“Sa Legacy raw noon, kada labas, may improvement na nangyayari. Siguro dahil na rin sa mga eksena. 

“Ako kasi, naging kumportable akong kaeksena si Ms. Cherie [Gil]. Sobrang naging palagay na ‘ko. 

“Nasanay na rin ako nang nasanay at nagpapasalamat ako sa mga naka-eksena ko, si Lovi [Poe] at si Ms. Cherie, palagi kong ka-eksena noon... si Tito Eddie [Garcia].

         

“Salamat sa kanila kasi ang dami kong napulot sa kanila.

"At sa totoo lang, kapag sila ang kaeksena ko, sobra talaga ang focus," saad ng StarStruck winner.

ACTING APPROACH. Mami-miss din daw ni Mike ang naging leading lady niya sa Legacy na si Lovi Poe.

         

“Si Lovi kasi, sa lahat ng nakasama ko, siya ang may kakaibang atake.