Sa nalalapit na birthday concert ni Sarah Geronimo na 24/SG, maraming fans niya ang nagtatanong kung makakadalo ang dating movie partner niyang si Gerald Anderson.
“Sana [makapunta ako] sa July 7. Tingnan natin,” sagot ni Gerald nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media pagkatapos ng photo shoot niya para sa isang magazine ng Summit Media.
Ito ay ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City kaninang hapon, Hunyo 19.
Hindi pa matiyak ng dating Budoy star kung makakapunta siya sa concert ni Sarah dahil sa abala siya sa ilang showbiz commitments.
Gayunman, natutuwa si Gerald na bagamat wala na silang proyekto na magkasama ni Sarah, patuloy pa rin daw ang pagkakaibigan nilang dalawa.
Sa katunayan, nang kumustahin ng PEP silang dalawa, buong ngiting sumagot ang 23-year-old actor, “Okay naman kami. We’re good.
"Kumbaga, ‘yong friendship namin, sobrang malalim na.
“Marami na rin akong alam tungkol sa kanya at gano’n din siya. Sobrang inspirasyon siya sa akin.
“I’m actually happy sa development ng friendship namin, kung paano ko po siya nakilala.”
“I’M HAPPY.” Kasunod ng pagsasalaysay tungkol sa kanila ni Sarah, nagpasalamat din si Gerald sa mga magulang ng dalaga dahil pinapayagan siyang bumisita sa bahay nila paminsan-minsan.
“Nakakadalaw ako. Pero bihira lang kasi busy,” sabi ni Gerald.
“‘Yon nga, kaya po ako nagpapasalamat sa kanila, sa Geronimo family, kasi kahit papaano ay nagtiwala sila sa akin."
Dagdag niya, “Sobra po akong natutuwa sa pamilya niya, sa mommy niya at sa daddy niya, kasi binigyan niya ako ng pagkakataon para mas makilala siya. I’m very thankful for that.”
Bukod dito, masaya rin si Gerald na kahit papaano ay mas bukas na si Sarah ngayon pagdating sa pagpapahayag ng kanyang nararamdaman.
“It’s about time na siguro,” sabi ni Gerald tungkol sa 24-year-old Popstar Princess.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
53 milomilo123
52 bostongirl
51 pepster31
50 makatingdila
49 xxxjmb2
48 lhettdelrosario
47 kapamilya_worldclass
46 mariesantos
45 jianzz143
44 jianzz143
43 mariesantos
42 tatoyadik
41 Hugofanatic
40 MissHugoBacungan
39 lynn_q8
38 kapamilya_worldclass
37 kapamilya_worldclass
36 beyond_words
35 MissHugoBacungan
34 batangkumon
more comments