news

Solenn Heussaff on possibility of being linked to Vic Sotto: “E, ako may boyfriend!”

by Ruben Marasigan posted on June 20, 2012  STATS: 14755 Views | 19 Comments

“Hindi. Alam naman niya na gano’n talaga sa showbiz. At saka super-supportive siya. Gano’n din naman ako sa kanya,” says Solenn Heussaff when asked if her boyfriend Nico Bolzico gets affected if she's linked to other men.

Photo By: Noel Orsal

Enjoy raw si Solenn Heusaff bilang karagdagang miyembro sa Dabarkads ng Eat Bulaga!

Tungkol dito ang una niyang naikuwento nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas noong Linggo, June 17.

        

“Okay naman,” masigla niyang pahayag. 

        

“Enjoy ako kasi mabait silang lahat. ‘Tapos natututo ako ng Tagalog do’n. 

        

“Mas better na ang Tagalog ko ngayon. Hindi pa masyadong fluent yet, pero baka in the long time...

        

“Pero at least ngayon, naiintindihan ako ng lahat. May mga malalim na Tagalog words na itinuturo sina Ruby [Rodriguez] at Julia [Clarete], ganyan. 

“So, masaya talaga ako sa Eat Bulaga!.”

        

Pero nag-a-adjust pa rin daw si Solenn kasi nasa pangalawang linggo pa lang siya sa pagku-co-host para sa toprating and longest-running noontime show on Philippine television.

        

“Right now, kapag may prompter or something, puwede kong mabasa in Tagalog. 

“Pero ‘pag adlib-adlib, medyo Taglish pa ako!” nangiting sabi niya.

         

“Pero talagang silang lahat sa Eat Bulaga!, mabait sa akin. Parang pamilya silang lahat. 

        

“So, kapag may newcomer, hindi sila ‘yong, ‘Ay, sino ‘yan?’ ‘Yong gano’n? Super welcoming silang lahat.”

         

Ano ang naging reaksiyon ni Solenn nang malaman niya na magiging miyembro na rin siya ng Eat Bulaga! family?

        

“I was a bit nervous kasi alam ko puro Tagalog. ‘Tapos ‘yong show na ‘yan, more than three decades nang pinaka-watched na television show sa Philippines.

"Bata pa ako, may Eat Bulaga! na. So, I never thought that I will be in Eat Bulaga! ever!

“Pero ngayon na nando’n na ako, I’m super happy.”   

         

VIC SOTTO. Kapag may bagong female co-host na pumapasok sa Eat Bulaga!, hindi maiwasang intrigahin at i-link kay Bossing Vic Sotto.

         

“No one links me!” agad-agad na reaksiyon niya. “It’s  just the press that makes something like that.”

Hindi nga malayong maugnay siya kay Vic, lalo't balitang single na naman ito. 

Maugong ang usap-usapan na break na raw ang TV host-comedian at ang rumored girlfriend niyang si Pauleen Luna.

        

“E, ako, may boyfriend!” sabay tawa ni Solenn patungkol sa kanyang boyfriend na si Nico Bolzico.

        

Hindi kaya i-connect ang pagpasok niya sa Eat Bulaga! sa rumored breakup nina Vic at Pauleen? May tsismis na nga recently nagselos daw sa kanya itong si Pauleen.

        

“A, no! That’s also some people are starting to talk about.

       

“Pero nag-usap kami ni Pauleen. And I said, ‘Ano ba ‘yan? Bakit may gano’n?’

       

“'Tapos, ‘Hindi ko alam baka para sa news lang,’” sagot daw ni Pauleen. 

       

“So we know how showbiz is. There’s really a lot of tsismis-tsismis.”

       

Paano nagri-react ang boyfriend niyang si sa mga pagkakataong may kung anu-anong intriga about her?

        

“Uhm, wala siyang paki. And I keep my private life private. So whatever happens in work, I take care of it.”

       

Hindi ito nagtatanong kahit halimbawa ay may nali-link sa kanya?

      

“Hindi. Alam naman niya na gano’n talaga sa showbiz. At saka super-supportive siya. Gano’n din naman ako sa kanya.”

        

NEW PROJECTS? Aside from Eat Bulaga!, ano pa ang mga bago niyang nakatakdang pagkaabalahan?

       

“May movie akong gagawin. In the talks na ang tungkol dito. Pero hindi pa ako puwedeng magsalita about it yet. 

        

“Basta may dalawang movie ako this year. Isang love story, isang horror. Ako ang female lead," sabi niya.

        

Sino ang kanyang magiging leading man sa dalawang pelikulang inihahanda for her?

        

“Secret muna. Basta co-prod ito ng GMA Films at ng Regal.

        

“TV show? For now, ‘yong Fashbook [on GMA News TV] lang. 

“At saka nga ‘yong Eat Bulaga! three times a week hanggang August,  I think. ‘Tapos itong Party Pilipinas.”

         

Choice ba niya na magpahinga muna sa paglabas sa mga drama series pagkatapos ng Legacy?

         

“Hindi. I’m waiting lang pa. Kapag merong bago, go ako.”

1  

more on this story

Show/Hide Comments

19 Comments

  • 19  sk8r_boi

    06/21/2012 | 05:25 PM
    parang magkamukha sila ng bf nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  pilyangmaganda

    06/21/2012 | 04:12 PM
    Magkamukha sila at hello ayun sa THE SOURCE na show when they were interviewed - take note NAKATIRA sa bahay nila Solenn ang boyfriend niya! Sobrang ewww naman...live in kasama parents mo sa isang bubong! Wala talagang ka filipina-filipina! Eh diba nanay niya Pinay? Isa kang dalagang pilipina Solenn isama na rin ang mga round robin friends niya na sina Anne, Georgina, Isabelle at Liz at etc. mga sosyalerang ewan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  Manamalady

    06/21/2012 | 07:10 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  Manamalady

    06/21/2012 | 07:09 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  fifiandtheflowertots

    06/21/2012 | 06:47 AM
    milomilo123 pardong my ignorance pero anong ibig sabihin ng nakahelmet?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  milomilo123

    06/21/2012 | 05:59 AM
    Sigurado ako naka helmet pa itong bf ni solenn, sa bagay hindi naman talaga filipina si solenn kaya ok lang sa kanya pero pure filipina turn off sa mga naka helmet o nakapayong pa...May kaibigan akong filipina nasa germany may nanligaw sa kanyang german na napakaguapo pero turn off siya ng nalaman nyang nakahelmet pa...ayayayayayayay
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  milomilo123

    06/21/2012 | 02:32 AM
    kaya wala na si pauleen unti unti ng itsapuera.....di ba coney, dina, pia, paula, paula
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  lanalang08

    06/21/2012 | 12:47 AM
    don't think bossing will be interested kay solenn. bossing is happy with pauleen. see kung gaano ka inspired si bossing everyday sa EB. he's happy and content with poleng. and besides di type ni bossing si solenn and vice versa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  iam_brainful

    06/21/2012 | 12:02 AM
    Wow, deleted comment ko, i really dont think may sinabi ako na masama. I was just describing how they looks. and they looks are... cge na nga, ang gaganda at gagwapo nila. O ayan,.. kahit labag sa kalooban ko! Go..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    iam_brainful
    06/21/2012 | 12:11 AM
    BTW, my last word is not GO but GOD...
  • 10  puckerlips143

    06/20/2012 | 08:37 PM
    Pinanood ko ang legacy at kahit baluktot minsan ang dila nya magaling naman syang umarte i really like her.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kenwajapan2

    06/20/2012 | 08:22 PM
    siguro ung iba dito puro paninira na naman.. kaya puro deactivated ang comment hahaha. go solenn..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    06/20/2012 | 06:29 PM
    good actress sya kahit bago lang sa showbisness, at very classic sya at hindi pa-class na gaya ng iba.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    06/20/2012 | 06:15 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    iam_brainful
    06/20/2012 | 06:19 PM
    So, bagay sla, sana magtagal sila kase diba ayon sa report dati, lagi na fufully charged si Solenn pag kasama tong bf niya.. kung naalala nyo yun headline sa PEP dati.. okay i will remember you, the headline goes like this... Solenn Heussaff "fully charged" after two-week vacation in Argentina with boyfriend Ruben Marasigan Monday, January 16, 2012 09:21PM | 25176 views
    bilyon
    06/20/2012 | 06:31 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    hototguy
    06/20/2012 | 06:31 PM
    so? don't tell me na mukha kang im pact to? sa ganda ni Solenn, ay ewan ko po mukha ngang may tama ang ulo ni iam. ano sa tingin mo kay Vice at ai ai... mga dyosa?
    bilyon
    06/20/2012 | 06:42 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
  • bilyon

    06/20/2012 | 05:55 PM
    I love this young lady like the way I love anne curtis, isabelle daza, liz uy and georgina wilson. they're all classy, socialite and yet humble pa rin. Unlike other artists who are trying hard to be like them pero mayabang naman.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    hototguy
    06/20/2012 | 06:29 PM
    yees korek ka jan!
  • YanLai

    06/20/2012 | 05:34 PM
    pwedeng pang-dracula ang bf ni solenn
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • humandynamics

    06/20/2012 | 05:26 PM
    in fairness bagay sila ni vic sotto, si aiai din bagay kay vic, lahat sila they have something in common.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexangel

    06/20/2012 | 05:10 PM
    i really love this girl, walang arte sa katawan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • empress_mortal

    06/20/2012 | 04:55 PM
    Naiimagine ko kung paano ka magsalita habang binabasa ko ito... bilis naman matuto ni Solenn more power dear.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dustmyeat

    06/20/2012 | 04:55 PM
    taray hugis papaya ang mukha ng bf.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About