news

Part 2. Vilma Santos discovers how to use Twitter but refuses to publicize her account; personally chose Kim Chiu to be part of The Healing

by Erwin Santiago posted on July 13, 2012  STATS: 10662 Views | 7 Comments

Governor Vilma Santos on celebrity bashers on Twitter: “Hindi, kasi naaawa rin ako dun sa mga artista natin na… kaya sinasabi nila huwag masyado kasi ang dami nang artista na naapektuhan ng Twitter. Hindi na, kasi personal, e, nahahalo na. Wala yun nung araw, e. And sa klase ng mga status ng mga artista natin ngayon, nababastos… [may] bashers. Hindi deserving ng mga artista ring ito na matagal nang nasa industriya. Pero because of this technology na ito, parang hindi nagiging maganda tuloy yung status ng mga artistang naghihirap din naman para sa industriyang ito. Parang ganun na lang kadali para i-bash ka… hindi, e. Hindi tama."

Photo By: Noel Orsal

Personal choice ni Governor Vilma Santos na makasama niya sa pelikulang The Healing ang Kapamilya young actress na si Kim Chiu.

Kuwento niya sa presscon ng pelikula kagabi, July 12, “Nung nabasa ko po yung script, meron pong mga cast na nandun.

“At sina Malou [Santos, managing director of Star Cinema], tinatanong sino ang gusto mong makasama na magagaling na mga bago nating mga superstars.

“So naglagay ng mga pangalan do’n—and I chose Kim.

“Kasi ang kaibahan po nito kay Kim, wala po ito sa usual thing na ginagawa niya na loveteam-loveteam, iba ang character niya rito.

“And I think interesting para rin sa aming dalawa.”

WHY KIM? Nang tanungin kung bakit si Kim ang pinili niya sa hanay ng mga batang artista ng Kapamilya network, sinabi ni Ate Vi na tumatak sa kanya ang young actress dahil sa ginawang TV special niya noon.

Sabi ng gobernadora, “Isa dun sa parang nag-guest na mga newcomers ay si Kim… and then, ang ginawa, parang workshop ng mga newcomers.

“And then si Kim, ginampanan niya yung Dolzura [Cortez], yung eksena ko sa Dolzura: ‘Sino ka, diyos ka ba…’

“And since then, hindi nawawala sa isip ko ‘yon.

“‘Tas napapanood ko si Kim… ang tingin ko kay Kim, parang raw, bago… parang… fresh, e… wala pa yung masyadong eksperiyensiya na puwede na siyang mag-teknikal. Wala, e, raw.

“And ang sarap makasama yung mga gano’n because hindi naman pupuwedeng puro ako, e.

“When you do a movie, kailangan mo ng suporta sa mga… o chemistry ng mga makakasama mo sa pelikula.

“And yung pagiging raw ni Kim, and then napapanood ko siya, she’s good.

“’Tapos nakita ko pa sa shooting, she’s very professional.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • nisannie

    07/13/2012 | 03:29 PM
    i will watch because of Kim Chiu...sinong may sabi na wala xang emotion,eh puno nga xa nang emotion..yung sa MMK nakaka iyak kaya yun ang galing niya don..at saka sa my binondo girl...galing niya dun..lalo na sa last part nang mbg..hmmmmmmmmm
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • taurooster

    07/13/2012 | 03:26 PM
    Ate Vi was my inspiration noong nag-aaral pa ako sa college. And I can't forget the first time I saw her in person - the premiere night of her movie Burlesk Queen at New Frontier Cinema Cubao. It was her smile that made my nights sleepless. Parang tumigil ang mundo ko nung mapatingin siya sa akin at nag-smile sya. Such a sweet smile! After that encounter, lahat ng movies niya e pinapanood ko na. Too bad I wont be able to watch "The Healing" kasi sa Middle East ako nag-wowork ngayon. Anyway, good luck sa movie mo and I LOVE YOU ATE VIIIIIIIIIIIIIIIIII!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Elite_Us
    07/13/2012 | 04:50 PM
    so matanda kana? haha
  • delicatepetals

    07/13/2012 | 03:17 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • madam01

    07/13/2012 | 03:08 PM
    sarap magbasa ng transcript ng interview ni ate vi...very animated...honest and sincere...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • caitelinshine

    07/13/2012 | 02:58 PM
    i like Ate Vi very much and papanoorin ko ito dahil for sure box office ito but sadly i don't like kim. lilinawin ko as an actress and not as a person. hinde ko gusto ang acting nya dahil walang emotion. this is my opinion only so wala sanang umaway sa aking kapamilya. you can agree to disagree with me. peace..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    frost86th
    07/13/2012 | 03:29 PM
    You mean "...I like HER." right?
  • mamamomchang

    07/13/2012 | 02:55 PM
    Vilma Santos is so inspiring. Nakaka inggit talaga because napaka swerte niya. Ang layo na ng narating niya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jokoman

    07/13/2012 | 02:37 PM
    Very articulate Ate Vi.. Congrats again...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About