news

Comedy King Dolphy finally laid to rest

by Erwin Santiago posted on July 15, 2012  STATS: 58911 Views | 27 Comments

Comedy King Dolphy was finally laid to rest earlier this afternoon, July 15, at the Heritage Park in Taguig City. (Inset) Zsa Zsa Padilla embraces the casket of the Comedy King during the final viewing.

Photo By: File / Screen grab from GMA-7 / Rommel Llanes

Paalam, Dolphy.

Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang labi ng Comedy King na si Dolphy ngayong hapon, July 15, sa Heritage Park sa Taguig, City.

Ilang minuto bago mag-alas dos inilabas ang kabaong mula sa kapilya kunsaan ibinurol ang mga labi ng yumaong aktor. Habang inilalabas ang kabaong ay sinasabuyan naman ito ng mga puting bulaklak ng mga nakipaglibing.

Wala pang isandaang metro ang layo mula sa chapel ang puntod na pinaghimlayan ng mga labi ng Comedy King, kaya naman inabot lamang ng halos limang minuto ang funeral procession.

Nakaputi ang lahat ng mga nakipaglibing, kabilang na ang mga anak at kapatid ni Dolphy, maliban sa kanyang parner na si Zsa Zsa Padilla na nakasuot ng itim na damit.

Nangunguna sa funeral procession si Zsa Zsa at mga anak na sina Zia at Nicole Quizon; ang mga anak ng Comedy King; at ang mga aktres na sina Maricel Soriano at Maybelyn dela Cruz.

Kabilang naman sa pallbearers ang matalik na kaibigan ni Dolphy na si Mayor Alfredo Lim.

Pagkatapos ng maikling bendisyon ni Father Larry Faraon ay isinagawa na ang final viewing para sa immediate family lamang ng Comedy King.

Naging emosyunal ang bahaging ito para sa mga kaanak ni Dolphy—lalo na ang bunsong anak na lalaki nito na si Vandolph—ngunit kapansin-pansin ang pagiging kalmado ng kanyang biyuda na si Zsa Zsa.

Kasabay na sumilip ni Zsa Zsa sa huling pagkakataon ang mga anak nila ni Dolphy na sina Nicole at Zia.

Pagkatapos nito ay niyakap ni Zsa Zsa ang kabaong ng kanyang "lovey" ng ilang sandali sa huling pagkakataon.

Huling sumilip si Mayor Lim at sinaluduhan niya ang kabaong ng Comedy King bilang pagbibigay-pugay.

Pagkatapos nito ay isinara na ang kabaong para maisilid sa puntod nito na gawa sa black granite at nagkakahalaga diumano ng P380,000. Ang sukat nito ay 2.5 meters long at 1.5 meters wide. Ang mismong burial site naman ay 39 square meters.

Kung noong mga nakaraang araw ay hindi nakita ng publiko na umiyak si Eric Quizon, sa pagkakataong ito ay bumuhos na ang luha ng tumayong spokesperson ng pamilya Quizon.

Ngunit pinaalalahan ni Father Faraon ang mga nakipaglibing na ang nais ng Comedy King ay maging masaya ang pagpapaalam nila sa kanya. Kaya naman sinabihan niya ang mga ito na sumigaw ng "Hep, hep hooray!"

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

27 Comments

  • 27  milomilo123

    07/17/2012 | 04:15 AM
    the comedian finally laid to rest..says PEP................pero ang bumastos sa burol nya an dyan pa rin naghahagis pa ng tuloy tuoy na lagim. kAkahiya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  avidreader53

    07/16/2012 | 09:29 PM
    Miss na miss kita Mang Dolphy. Ikaw at ikaw lang ang iniyakan ko na celebrity na namatay. Ewan ko, nakakamiss ang mga pagpapatawa mo. Ang ginagawa ko na lang, pinapanood ko ang mga movies mo sa YOutube pero nakakalungkot pa ring isipin na wala ka na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  flightforge29

    07/16/2012 | 03:27 PM
    Nasaan ka man ngayon Tito Dolphy, mahal na mahal ka namin. Kahit hindi kita personal na kilala, napakarami mo akong beses na napatawa at mga gintong aral na napupulot ko sa bawat palabas mo lalo na ang Home Along Da Riles na naging bahagi ng high school and college life ko.. My Thursdays would never be complete without watching Home Along da Riles. Nakaklungkot kasi wala ka na at hindi ka na naming masisilayan na mapatawa mo pa kami ulit. Masaya in the sense na alam ko maraming kaibigan mo na nauna ng namayapa ang nag hihintay sa iyo dyan kasama ang Panginoon. Si Babalu, Panchito, Redford White, Chiquito, Nida Blanca, Charito Solis, Paquito Diaz..at marami pa... We will miss you Tito Dolphy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  lefty

    07/16/2012 | 03:25 PM
    Rest in Peace mang dolphy..mas marami pa yata akong naiyak sa pagkawala nyo kesa sa tatay ko..lol..say Hi! to my tatay na lang po sir dolphy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  KAPUSO_7ako

    07/16/2012 | 02:06 PM
    RIP DOLPHY I LOVE YOU SO MUCH I GREW UP WATCHING YOU. Eternal rest grant unto Dolphy, o Lord.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  heart07

    07/16/2012 | 11:27 AM
    i was waiting for bossing vic di man lng ba xa pmnta?maski sa wake xa na ang nxt in throne idol nya c pidol eh pdmihan cla anak preho cla my movie outlet etc
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    ratedsardines
    07/17/2012 | 07:17 AM
    He was there at ABS CBN compound during the first eulogy. He was seen leaving afterwards.
  • 21  pinayforever2

    07/16/2012 | 04:14 AM
    We're not related by a cried like you are a family. We'll just click play like you said, then it will bring back the old antics that you do and never failed to put a smile in our lips. RIP to the King of comedy, Dolphy.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pinayforever2
    07/16/2012 | 04:15 AM
    but I cried
  • 20  FusionHan

    07/16/2012 | 12:27 AM
    We will miss you
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  pearl102

    07/15/2012 | 09:37 PM
    Goodbye Mang Pidol...masasabi kong dalawa kami ng ate ko sa mga milyon milyong Pilipino na humahanga sa yo na nagkaroon ng chance na ikaw ay makita at makadaupang palad doon pa sa iyong paboritong Hotel sa Hongkong....you, Zsashing and vandolph na noon ay maliit pa. RIP Mang Pidol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  daffodils87

    07/15/2012 | 09:21 PM
    Mang Dolphy, thank you for the laughters and the tears, and I will remember and keep you in my prayers. You are finally home, may you Rest in Peace.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  matty29

    07/15/2012 | 08:32 PM
    Love you Mang Dolphy....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  hhamlin

    07/15/2012 | 08:16 PM
    Rest in peace mang Dolphy. Hindi ka namin malilimutan salamat at nabigyan mo kami nang saya sa mga movie at tv show mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  chowee143

    07/15/2012 | 07:58 PM
    Happy trip mang pidol, pasayahin mo cla sa langit ha... salamat! rip!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  jagjof

    07/15/2012 | 07:46 PM
    Paalam Mang Dolphy..........We will miss you very much. Rest In Peace!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  MolybdenumStudios

    07/15/2012 | 07:44 PM
    Thank you, and welcome to heaven, Mang Pidol! Finally you'll see Babalu and Rene Requiestas, have fun up there!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  BERNARD2010

    07/15/2012 | 07:06 PM
    We will truly miss you Mang DOLPHY.Naging parte ka ng buhay namin ng ilang dekada.You made us laugh.You made us cry.You made us happy kapag nalulungkot kami.Corny man na mag-EMO pero hindi ko mapigil ang feelings ko.Thank you and thank GOD at ibinigay ka NYA sa amin bilang Comedy King.We love you Mang Dolphy...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  manjo

    07/15/2012 | 05:57 PM
    Rest in peace, Dolphy! Maraming salamat sa maraming taon ng inyong pagpapasaya sa sambayanang Pilipino!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  milomilo123

    07/15/2012 | 05:18 PM
    daladala ni dolphy hanggang sa huling hantungan angkabastossan at kawalnghiyaan ni anabil rama gutierrez....paalam mang dolphy, pidol, rvq, john porontong, kevin, tatay, papa , papang , pidol etc
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Prd2bpnay8

    07/15/2012 | 05:11 PM
    Salamat Tito Dolphy. Ikaw lang ang nag-iisang Comedy King ng Pilipinas. May you rest in peace.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ian15yeah

    07/15/2012 | 04:58 PM
    We will miss you iDolphy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About