news

Jodi Sta. Maria shows sad plight of OFWs via Migrante

by William R. Reyes posted on July 16, 2012  STATS: 6346 Views | 9 Comments

Jodi Sta. Maria on playing an OFW in Migrante: “Naisip ko, bawat isa sa atin, may kapamilya o kakilala na nagtatrabaho sa ibang bansa. I also thought na makakatulong ito na madagdagan pa ang awareness ng mga tao. Para malaman natin kung ano ba yung tunay na pinagdadaanan ng mga OFWs natin, at para malaman din ng mga tao na may grupong Migrante na tumutulong sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa abroad."

 

Photo By: Jocelyn Dimaculangan

Masiglang-masigla ang aktres na si Jodi Sta. Maria nang dumalo sa Philippine premiere ng pinagbibidahan niyang indie film, ang Migrante (The Filipino Diaspora), kahapon, July 15.

Gumaganap si Jodi bilang Frida, isang OFW (Overseas Filipino Worker) na dumanas ng masaklap na karanasan habang nagtatrabaho bilang domestic helper sa bansang Israel.

Bago ang screening sa Robinson's Galleria Cinema 5, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang taga-media si Jodi.

Excited na nagbanggit ang Star Magic artist tungkol sa kanyang ginampanang papel bilang isang OFW.

Matinding motibasyon para sa aktres ang layuning pagtulong sa mga kababayang overseas workers—lalo ang may mga pamilyang kapos sa buhay—para tanggapin ang alok na gawin ang pelikula.

Ayon kay Jodi, "Una, nang nabasa ko ang script, nagandahan talaga ako.

“Naisip ko, bawat isa sa atin, may kapamilya o kakilala na nagtatrabaho sa ibang bansa.

"I also thought na makakatulong ito na madagdagan pa ang awareness ng mga tao.

“Para malaman natin kung ano ba yung tunay na pinagdadaanan ng mga OFWs natin, at para malaman din ng mga tao na may grupong Migrante na tumutulong sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa abroad."

MIND OPENER. Jodi also took note of the sacrifices her character went through in the course of her stay in a Middle East country.

"Yung sacrifice ng isang tao para iwanan ang mga mahal nila sa buhay at magtrabaho sa ibang bansa, para sa magandang buhay ng mga ito... hindi biro yun!

"Sino ba namang tao ang gugustuhing mawalay sa pamilya nila?  

“Lalo na sa kultura nating mga Pilipino, known tayo for having strong family ties, di ba?  

“So, isang napakalaking sakripisyo iyon, na iwanan mo ang mga mahal sa buhay."

Dagdag niya, "Yes, na nagkaroon ako ng ganitong role.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • aqpasaway

    07/17/2012 | 04:26 PM
    Gusto q to mapanuod,kc nagtaka aq Kung bakit dito sa israel ito ginawa? eh ang pagkakaalam q dito Hindi uso ang amo nagmamaltrato ng katulong,kundi ang katulong ang nangmamaltrato ng amo lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • DUBAIEYE

    07/17/2012 | 11:21 AM
    Tama kaung lahat npkagaling n actress ni JODI! Pansin ko lng ha bkit ang mga laking ABS eh ratsada prin s akting at tlgang magagaling like Jodi, Mylene, G Toengi, Juday, Rica, Claudine, etc etc.... while nmn un mga artista ng GMA wala ni 1 ang tumagal at ni hindi marunong umakting....where is Raven, Antonniete etc? me career?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Monicafer

    07/17/2012 | 09:00 AM
    Napakagaling na artista, kahit anong role kayang gawin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • quietrose

    07/17/2012 | 06:20 AM
    galing niya sa Be careful with my heart
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • washdckami

    07/17/2012 | 06:02 AM
    kagaleng ni Jodi kahit anong role kaya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rokr12

    07/17/2012 | 01:19 AM
    underrated talaga tong si Jodi. Ang galing galing nya sa BCWMH. Kahit kanino bumabagay dahil sa pag-arte nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • grinandgiggles

    07/17/2012 | 12:08 AM
    Galing mo Jodi..keep up the good work at wag ka paapekto sa mga nega lalo na at di naman sila nakakatulong sa career mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kalawangin

    07/16/2012 | 10:34 PM
    Tama!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexis2222

    07/16/2012 | 10:26 PM
    jodi is such a good actress... at may class... hindi gaya nung bakyang gumagawa ng ingay para pagusapan..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About