Kinumpirma ni Mylene Dizon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na break na sila ng boyfriend niyang si Ira Cruz pagkatapos ng dalawang taon.
Si Ira ang dating gitarista ng bandang Bamboo.
Bago ang breakup nilang ito ay nagkahiwalay na rin sila noon.
Pagkatapos ng unang breakup nila, nagkarelasyon si Mylene sa aktor na si Paolo Paraiso. Nagkaroon sila ng dalawang anak.
Si Ira naman ay naging kasintahan ng TV host na si Phoemela Baranda.
Nang matapos pareho ang mga relasyon nilang ito ay nagkabalikang muli sina Mylene at Ira.
Ngunit sa huli, nagdesisyon din silang maghiwalay ulit.
MUTUAL DECISION. Ayon kay Mylene, "mutual decision" ang tapusin na ang kanilang relasyon ni Ira.
“Hiwalay na kami ni Ira. After two years of being together, heto, dating gawi.
“Well, we tried to make it work, pero hindi na siya nagwo-work, so 'tinigil na namin rather than waste each other’s time," sabi ng aktres, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng indie film na Aparisyon noong July 12.
Kumusta naman siya ngayon?
“Wala akong lovelife, I am dating, I am single.
"Actually, nagde-date na ako—non-showbiz," pag-amin niya.
Kinumusta rin namin sa aktres ang dalawang anak nila ni Paolo.
“Yung dalawang bata, they’re very healthy, and I’m thankful for that and masaya ang dalawang bata.
“Kami ni Paolo, wala naman kaming issues tungkol sa kung saan mapupunta ang mga bata.
“The kids are with me and puwede niyang puntahan anytime he wants.”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
7 riceeater12
6 humandynamics
5 bostongirl
4 misswa
3 milomilo123
2 gorgeous_aleck
1 monjuaquin02