news

Vilma Santos on box-office queen title: "Kahit papaano naman, e, grumadweyt na ako diyan.”

by Ruben Marasigan posted on July 23, 2012  STATS: 10434 Views | 15 Comments

Vilma Santos stars in her seventh film after joining politics in 1998. Her latest offering is The Healing, a suspense-horror movie from Star Cinema.

Photo By: Noel Orsal

Tila walang pagod si Batangas Governor Vilma Santos sa pagpu-promote ng pelikula niyang The Healing ng Star Cinema.

Kahapon nga, July 22, mula tanghali ay inabot na ang Star for All Seasons ng gabi na nasa loob lang ng ABS-CBN compound.

Nag-guest siya sa ASAP 2012, kung saan binigyan siya ng tribute kaugnay ng kanyang 50th anniversary sa showbiz. 

Pagkatapos ay diretso siya sa live interview niya sa The Buzz

Kasunod nito ay ang taped interview naman sa kanya ni Boy Abunda para sa Bandila.

Habang naghihintay para sa panayam na iyon sa kanya ni Boy, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Governor Vi. 

Inamin niya na may kaba pa rin siyang nararamdaman kapag ganitong may bago siyang pelikulang ipalalabas.

“Oo naman! In every movie na gagawin mo, basta showing, hindi mo talaga maaalis yung kaba. Natural yun.

“And, siyempre, gusto mong kumita yung movie mo, di ba?” pahayag ng actress-politician.

BOX-OFFICE APPEAL. Kahit maraming offers, bihira talagang makagawa ng pelikula si Vilma dahil ang pagiging public servant ang higit daw niyang pinaglalaanan ng panahon.

Pero bawat proyektong kanyang pagbidahan ay maganda naman ang naitatalang record sa takilya. Kumbaga, hindi pa rin kumukupas ang kanyang box-office appeal.

Mula nang pasukin ni Vilma ang pulitika noong 1998 ay pitong pelikula lang ang nagawa niya: Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1998), Anak (2000), Dekada ’70 (2003), Mano Po 3: My Love (2004), In My Life (2009), at ito ngang The Healing ni Direk Chito Roño.

Bukod sa The Healing na ipalalabas pa lang sa July 25, kumita nang malaki sa takilya ang mga pelikulang ito ni Ate Vi.

“Kaya nag-a-appeal ako na panoorin yung pelikula. Sana ay manood kayo,” nakangiting sabi ng Star For All Seasons.

SOBRANG PISIKAL. Sabi ni Direk Chito, sobrang pisikal ng The Healing kung ikukumpara sa naunang tatlong projects na pinagsamahan nila ni Vilma—Ikaw Lang (1994), Bata, Bata Paano Ka Ginawa?, at Dekada ’70.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

15 Comments

  • 15  thirstytrooper

    07/26/2012 | 04:49 PM
    Brillante Mendoza’s Thy Womb, starring Nora Aunor, to compete in Venice Thy Womb has just been invited to compete in the Venice International Film Festival, one of the world’s most prestigious filmfests. Aunor will be twice honored in Venice. Himala, her classic 1982 film directed by Ishmael Bernal, will also be screened in a special section dedicated to restored masterpieces, which will include Heaven’s Gate and Sunset Boulevard.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  Orangina_123

    07/25/2012 | 11:21 PM
    Ang kawawa si ate Velma, nilangaw sa takilya ang movie Nya...hihihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  ratedsardines

    07/25/2012 | 04:25 PM
    Kawawa naman si Nora Aunor, napag iwanan na ni Vilma Santos ng milya milya. Hayun, pagkatapos tanggapin ng TV5 at makakuha ng advanced payment, ay biglang tumalilis na naman at lumipad pa Vegas para lang mag casino na naman, at napapabalitang nangungutang na naman sa isang showbiz reporter na si Pilar Mateo, para lang may panustos sa bisyo. Kalaunan ay makukulong na ito dahil sa d pagtupad sa tinanguang mga kompromiso sa kontrata. Haayysss... tsk.tsk.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  702guy

    07/24/2012 | 12:20 PM
    Vilma Santos has nothing to prove anymore when it comes to box office and awards. She paid her dues and if somebody has to prove themselves, it has to be the starlets of today. That's why we should not undermine the accomplishments of other veteran artists like herself, and Nora Aunor, Sharon Cuneta, and Maricel Soriano because they all have made their marks in Philippine showbizness. Regardless of where they are now, they are still living legends and icons of the industry which a lot of stars of today should envy.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 12:43 PM
    Hototguy ikaw ba yan? Hihihi bagong anyo?
  • 11  jokoman

    07/24/2012 | 08:43 AM
    very well said ate... wala ka na dapat patunayan pa sa awards... and i agree box office pa rin ang foundation kung gusto ka ng tao or hindi.... congrats in advamce....
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 09:06 AM
    Yes agree ang lahat, luigi na naman ang produ...hihihi
    jokoman
    07/25/2012 | 09:24 AM
    so???
  • 10  rickymagsino

    07/24/2012 | 08:07 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    jokoman
    07/24/2012 | 08:44 AM
    inggit????
    chevalier
    07/24/2012 | 06:36 PM
    To rickymagsino, SINUNGALING KA! Paano mo sasabihin na walang kwenta ang pelikulang ito, eh hindi pa napapalabas ang movie sa sine. Pare-pareho lang tayong di pa nakakapanood nito at this point. Obvious na nanghuhula ka lang. Gamitin mo ang pinag-aralan mo.
    rickymagsino
    07/25/2012 | 08:08 AM
    ikaw ang SINUNGALING chevalier. di mo kasi matanggap na SUPER - LAOS na ang VELMA mo, di ba Alfie Lorenzo? kaya tanggapin mo na sa puso mo na WALANG KWENTA tong pelikulang to, BASURA yang movie na yan.
  • liwayway

    07/24/2012 | 07:48 AM
    maraming beses nadapa noon, but now successful sa family life, sa politics, sa showbiz...huwaran si ate vi.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 09:09 AM
    Agree, maraming beses syang pinadapa ni zaldy at romy a long long time ago...
    jokoman
    07/25/2012 | 09:25 AM
    so??? inggit???
  • Orangina_123

    07/24/2012 | 07:35 AM
    Kung ito ba naman NASA kapitolyo at nagsisilbi sa nasasakupan Nya Baka umasenso pa sana mga tao sa batangas...wala eh, eto plug ng plug ng penekula nya...imbes na makatulong Kay Pnoy, pabigat pa. Wala namang saysay yung movie Nya, no value added sabi nga...
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    rickymagsino
    07/24/2012 | 07:59 AM
    Korek ka dyan. Di na uunlad ang batangas hanggat andyan si Velma na walang utang na loob, di ba Alfie Lorenzo?
    jokoman
    07/24/2012 | 08:44 AM
    so???? inggit????
    gma_pinay
    07/24/2012 | 06:12 PM
    Alfie Lorenzo, ikaw b yan? Bitter masyado kay ate Vi..
  • alexis2222

    07/24/2012 | 02:24 AM
    at least masipag si ate vi... hindi kung ano ano ang iniintindi... hindi sakit sa ulo ng producer... magaling na... very professional, at very bankabale pa... mwhaahahahahah....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • grinandgiggles

    07/24/2012 | 12:17 AM
    Sobra ang support na ABS sa movie...lahat ng shows halos nandun ang cast at si Vilma din. Tagal na ding walang movie na kumikita kaya sure hit na ang The Healing.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • femca

    07/23/2012 | 10:30 PM
    kudos kay ate vi!!! good luck sa THE HEALING... siguardong block buster ito!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sopastar

    07/23/2012 | 09:31 PM
    Vilma Santos, the longest reigning Box-Office and Movie Queen. The Queenstar for ALL REASONS AND SEASONS!
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    alime
    07/24/2012 | 12:19 AM
    Correction pls , si Nora Aunor po ang longest reigning Box Office Queen dahil mula pa noong early 70's ay puro box office hits na ang mga pelikula nya...May mga record of hits din si Vilma noon pero hindi kasing lakas ng mga pelikula ni Nora...Medyo nakaangat lang ng konti si Vilma kay Nora noong 1983 dahil nag lie low si Nora sa pelikula noong taong yun! Kung magbibilangan po tayo ng mga flop movies ng dalawa di hamak po na mas madaming movies si Vilma na nag flop noong dekada 70 compared kay Nora. Noong 80's karamihan sa mga pelikula ni Vilma ay mga flops like Sister Stella L, Alyas Baby Tsina, Ikaw Lang, Relasyon, Broken Marriage, and more...Nadala lan sya ng ilang mga blockbuster movies nya from Viva films na pawang mga komiks materyal na naging favorites ng mga panahong yung tulad ng Paano Ba ang Mangarap?..But when it comes to serious movies , tanging si Nora Aunor lang ang may box office power para kumita ang mga ganitong klaseng pelikula. The Flor Contemplacion Story , Bilangin ang Bituin sa Lan
    jokoman
    07/24/2012 | 08:45 AM
    at least umamin ka din aime... non sense... better do more research...
    jokoman
    07/24/2012 | 09:08 AM
    Aime, BASE IT ON AWARDS PLD.- 1986 Hall of Fame Box-Office Queen, 1996 Longest Reigning Box-Office Queen awarded by the City of Manila, 2000 Box-Office Lifetime Achievement Award, 2001 Box-Office Queen of Phil. Movies, 2006 Gawad Suri Gintong Alamat ng Sining Longest Box Office Reign. The only Actor with the highest grossing film as of 2000 for the movie Anak, only to be eclipsed by Ang Tanging Ina. One of the two highest paid actresses in the Philippines , Longest-reigning Box-office Queen and Dramatic Actress, the only Filipino actor who is both successful in movies and politics
  • Orangina_123

    07/23/2012 | 09:10 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    jokoman
    07/24/2012 | 08:45 AM
    so???? inggit....
  • champion_0105

    07/23/2012 | 07:45 PM
    I LOVE YOU ATE VI!! Wala Kang Kupas Star Fopr All Seasons!!! Let's Watch The Healing!!!!!!
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    grinandgiggles
    07/24/2012 | 12:19 AM
    Ikaw ba yan Madam Auring?
    grinandgiggles
    07/24/2012 | 12:45 AM
    sori the reply is meant for number 3
    Orangina_123
    07/24/2012 | 07:49 AM
    hihihi, labo na talaga mata ng mga Lola...hihihi
  • mamamomchang

    07/23/2012 | 07:45 PM
    This is a sure blockbuster Ate Vi. Based on the response ng tao sa trailer siguradong papatok ito sa takilya. Lalo ng dumami ang humanga sa iyo Ate Vi matapos nilang mapanood ang tribute sa iyo ng ASAP, SIR, at the Buzz. Nakakapanindig balahibo ang mga papauring ibinigay sa iyo na sadyang deserve mo.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 08:27 AM
    Titindig talaga balahibo ng prodyuser sa unang araw ng palabas...walang kinita. Bokya...hihihi
    jokoman
    07/24/2012 | 08:46 AM
    inggit na inggit si Orangutan! hahaha

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About