Si Aljur Abrenica ang napiling gumanap na male lead ng Pinoy adaptation ng Korean series na Coffee Prince. Dito ay gaganap siya bilang binatang iibig sa akala niya'y isang lalaki rin.

Photo: Rose Garcia

Special guest sa weekly youth-oriented series na Together Forever ang Kapuso hunk na si Aljur Abrenica.

Magkakaroon siya ng kaugnayan sa role na ginagampanan ni Julie Anne San Jose, na ikaseselos naman ng karakter ni Elmo Magalona.

Sabi ni Aljur, “Hindi ko pa alam kung hanggang kailan yung guesting ko, pero at least, bago naman ito para sa akin. Sana magtagal.”

Pero mukhang hindi magtatagal si Aljur sa show dahil malapit nang simulan ang teleseryeng pagbibidahan nila ni Kris Bernal.

Ito ang Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na Coffee Prince, na pinagbidahan ng Korean stars na sina Gong Yoo at Yoon Eun-hye.

Ito rin ang magiging balik-tambalan nina Aljur at Kris.

COFFEE PRINCE. Dapat sana ay ang Sana Dalawa Ang Puso Ko ang gagawing teleserye ni Aljur, kasama sina Kris at Rhian Ramos.

Pero na-shelve muna ito at ipinalit nga ang romantic-comedy na Coffee Prince.

Ano ang naging reaksiyon niya nang malamang hindi na Sana Dalawa Ang Puso Ko ang gagawin niya kundi Coffee Prince?

Ayon kay Aljur, “Yung totoo, naano na ako sa Sana Dalawa Ang Puso Ko. Kumbaga, naka-mindset na ako do’n. 

“Natutuwa ako na yung director namin doon, isa talaga sa mga gusto kong direktor—si Direk Maryo J. de los Reyes.

“Kumbaga, yung director na gumawa ng turning point sa career ko bilang isang leading man. Siya naman talaga, e. 

“So, noong nabago, nagulat ako.”

Si Maryo ang naging direktor ni Aljur sa afternoon soap na Dapat Ka Bang Mahalin?, na nagluklok kay Aljur bilang isang leading man.

Patuloy ng young actor, “Pangalawa, yung proyektong ibinibigay sa akin, hindi ko pa nasubaybayan.