The ten male contestants of Protege: The Battle For The Big Artista Break: (first row, L-R) Bryan Benedict, Ruru Madrid, Glenn Roy, Vien Alen King, and Mykel Ong; (second row, L-R) Mikoy Morales, David John Llanas, Japs de Leon, Andres Vasquez, and Jeric Gonzales.

Photo: Noel Orsal

Naging second runner-up siya sa Ginoong Laguna 2012. Noong 2010 ay nanalo rin sa kontes na ito ang Kapuso young actor na si Alden Richards.

Mahilig maglaro ng basketball at marunong din siyang tumugtog ng gitara. 

Sina Christopher de Leon, Dingdong Dantes, at Richard Gutierrez ang ilan sa mga paboritong aktor ni Jeric.        

MYKEL ONG, 20, Batangas

Hindi raw madali ang naging karanasan ni Mykel sa pag-o-audition kaya sisiguraduhin daw niyang hindi ito masasayang ngayong nakapasok siya sa Top 20 ng Protégé.

Ano ang meron siya na wala sa ibang contestants?

“Mas determined at pursigido po ako sa kanila. At saka sa dancing and singing din po. 

“Siguro po, mas okay po kung maipu-push po talaga.

"But, at the same time, sa acting ko rin po, kasi talaga gustong mag-focus.”

Ano ang masasabi niya sa mentor niyang si Gina Alajar?

“Ang bait-bait po, sobra! Nanay na nanay po yung tingin ko po sa kanya. 

“Dito po kasi, hindi namin nakakasama ang parents namin, siya po yung parang lumabas na nanay namin.

“At saka, ang bait po, the best po talaga. 

“Kapag nagbigay po siya ng tips, talagang tatama po sa 'yo at saka maiisip niyo pong talaga.”

Sa Bataan lumaki si Mykel ngunit sa Manila siya nag-high school at nag-college. 

Graduate na siya ng Aircraft Mechanic sa Airlink International Aviation College sa Paranaque.