Hindi nakuha ni LJ Reyes ang Best Actress award sa New Breed category ng nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival. Pero ayon sa Kapuso actress, hindi naman niya in-expect na manalo: “Ayokong i-pressure o i-expect na mananalo ako. Kasi, kapag once na yun ang inilagay ko sa utak ko, madi-disappoint ako. Kaya sabi ko, ‘Hindi, hindi ikaw ang mananalo dahil ang dami riyan na magagaling.’”

Photo: Noel Orsal

Maituturing na masuwerte si LJ Reyes ngayong 2012.

Bukod sa sunud-sunod na projects sa GMA-7, marami ang nakapansin sa ipinakita niyang mahusay na pagganap sa pelikulang Intoy Syokoy ng Kalye Marino, isa sa New Breed entries sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival.

Pagkatapos nito ay ilulunsad na siya ng Kapuso network bilang bida sa early primetime series na Aso Ni San Roque.

Nagkaroon na ng story conference para sa proyektong ito at malapit na silang magsimula mag-taping.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay LJ sa opisina ng PPL Entertainment noong Lunes, August 6, ay nagkuwento siya tungkol sa bago niyang project.

Drama raw ang Aso Ni San Roque, pero may halo itong konting fantasy at ilang mythical creatures sa Filipino folklore, tulad ng aswang at manananggal.


MANANANGGAL. Naalala ni LJ na nagbiro siya noon na nagampanan na niya halos lahat ng kakaibang roles—"kontrabida, pokpok, aswang..."

Idinugtong niyang baka raw sa susunod ay manananggal naman ang kanyang gampanan, at tila nagdilang-anghel siya dahil ito nga role niya sa Aso Ni San Roque.

Alam na ba niya noon na ang Aso Ni San Roque ang susunod niyang project?

“Hindi ko pa alam… promise, hindi ko pa alam!” natatawa niyang sabi.

“Actually, kasama namin dito si Mona Louise Rey at saka yung aso. Parang adventure siyang mangyayari every week.”

Ang bidang asong tinutukoy ni LJ ay siya ring gumanap na alaga ni Eddie Garcia sa Cinemalaya 2012 entry na Bwakaw.

Ano ang challenge ng proyektong ito sa kanya?

         

“Challenge? Ang dami!" bulalas ni LJ.

"Hindi man ako aswang dito dahil manananggal, pero kung 'papag-stunt nila ako, kaya ko na 'yan dahil nagawa ko na sa Aswang...sa Tiktik: The Aswang Chronicles.

“Pero emotionally, bago talaga dahil ngayon lang ako magpo-portray ng character na may anak.

“At saka, mabigat, kasi hindi naman talaga siya mangyayari sa totoong buhay. So kailangan, matindi ang imagination mo.