Nirelease ni Bryan Termulo ang kanyang ikalawang album na pinamagatang Hanggang Ngayon, sa ilalim ng BWB Records and Music Production.
Naglalaman ito ng anim na original songs at dalawang cover songs–ang “Dadalhin” at “Pagdating ng Panahon.”
Nakapanayam ng PEP si Bryan sa kanyang album press launch, sa NAPA Restaurant, Scout Borromeo, Quezon City, noong Agosto 10.
FAVORITE TRACK. Tinanong namin si Bryan kung alin sa mga awitin ng kanyang album ang paborito niya.
“Siguro, pinaka-favorite ko yung Dadalhin, kasi po nung huli kong kinanta ‘yang kantang yan, naku, parang—imposible na ‘kong magkaroon ng exposure sa ABS[-CBN], magkaroon ako ng second album, magkaroon ako ng mga shows outside, maging regular ako sa ASAP…
“So, regardless kung ano yung lyrics sa Dadalhin, pero dinala kasi ako nung kantang yun kung saan ako ngayon. Kaya, isa siya sa paborito ko!”
Bago mapunta sa Kapamilya network ay unang sumikat si Bryan nang manalo siyang first runner-up sa singing contest na Pinoy Pop Superstar sa GMA-7.
Ngunit kaunti lamang ang nakakaalam na nauna nang sumali si Bryan sa artista search ng ABS-CBN na Star Circle Quest.
Ibinahagi ni Bryan ang mga pinagdaanan niya bago mapunta sa kinalalagyan niya ngayon.
“Pero, unfortunately, hindi talaga 'ko nakuha dun sa Star Circle Quest. Yung una kasi, gusto kong sumali, tapos yung ipapakita kong talent, syempre, singing.
“Tapos, parang ginaganun lang kasi yung camera sa 'yo e… Parang lookers lang eh…so papa'no ka ngumiti, yun lang.
“Tapos may mga point na, isang ngiti pa lang, bumabagsak na ‘ko. Ah, okay, sorry…ngiti pa lang.
"Medyo konting nakaka-depress nang konti.
“Then, the second time around, tinry ko ulit. Tapos sinabi nila, you’re in. Then next day, kung ano daw yung talent…sabi ko, singing.
“Di kumanta 'ko, naaalala ko pa yata… ‘May talent ka, pero I think Star Circle Quest is not fit for you. Meron namang mga singing contest dyan.’




CALLED OUT
ALL COMMENTS