news

Netizens cry foul over TV5's "deceitful" info about airing 2012 London Olympics' closing ceremony live

by Demai G. Sunio-Granali posted on August 13, 2012  STATS: 47768 Views | 38 Comments

Isa sa mga inabangang performances sa 2012 London Olympics Closing Ceremony ang pagbabalik-entablado ng all-famale group na Spice Girls. Masaya na sana ang Pinoy fans nang malamang ipapalabas sa TV5 ang buong pagtatanghal ng closing ceremony, subalit nadismaya ang mga ito nang putulin ng network ang pagtatanghal upang magbigay-daan sa kanilang regular programming.

Photo By: Captured from YouTube

Nag-init ang social networking site na Twitter ngayong umaga, August 13, dahil sa maaanghang na tweets ng mga netizens laban sa TV5.

Marami ang nagalit dahil sa tinatawag nilang "panloloko" ng network sa kanilang live telecast ng 2012 London Olympics closing ceremony.

Nitong mga nakalipas na araw kasi ay in-advertise ng Sports 5—ang official free TV broadcaster ng London 2012 Olymics sa Pilipinas—na ipapalabas ang closing ceremony sa TV5, sa ganap na 4 a.m. hanggang 6:30 a.m. ngayong araw.

Ito ay live telecast umano na kasabay ng mismong event na nagaganap sa Olympic Stadium sa Stratford, London, England.

Tinupad naman ito ng network, at bandang alas-kwatro kaninang umaga ay nagsimulang umere ang programa.

Subalit ang masaya sanang panonood ng ilan ay nauwi sa pagi-init ng ulo ng marami dahil biglaang pinutol ng TV5 ang coverage upang magbigay daan sa ilang commercials.

Bagamat hindi naman inanunsiyo sa mga advertisement na walang commercial breaks ang telecast, hindi pa rin ito ikinatuwa ng viewers sa kadahilanang may ilang bahagi ng programa ang hindi nila napanood.

Nangibabaw rin ang tweets ng mga fans ng grupong Spice Girls na nangambang baka hindi nila maabutan ang reunion performance ng kanilang mga idolo.

Taong 2008 pa kasi nang huling magtanghal bilang grupo ang Spice Girls. Ito ay naganap sa Air Canada Centre sa Toronto, Canada, bilang bahagi ng naudlot nilang reunion world tour.

Makailang beses na naulit ang pagsingit ng TV5 ng commercials sa gitna ng programa.

Hanggang sa sumapit ang 5 a.m., kung saan imbes na ipagpatuloy ang coverage ay nagsimula nang umere ang morning show ng TV5 na Good Morning Club.

Bagamat bumalik din ang telecast, hindi na tuloy napanood ang iba pang mahahalagang pangyayari sa closing ceremony.

Dahil dito, hindi na napigilan ng mga netizens/viewers ang kanilang emosyon at ipinarating ang kanilang pagkadismaya sa TV5 sa pamamagitan ng Twitter.

Narito ang ilang posts ng mga dismayadong manonood:

@shellaina: "we thought the tvc breaks during the live coverage is worse already. but wait, there's more! tv5 made it worst by cutting it short! kaloka!!"

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

38 Comments

  • 18  Elite_Us

    08/13/2012 | 02:13 PM
    GOSH! magpacable kasi kayo ng d kayo magreklamo! puro asa lang kayo sa free tv!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  flightforge29

    08/13/2012 | 02:05 PM
    Congrats to Braziil womens team for winning gold in the volleyball event against USA!! Hindi ko naabutan ang Spice Girls na magperform. Natulog na kasi ako. I was rooting for them to be one of the performers. Naabutan ko lang sila Taoi Cruz, Jessie J. at Russel Brand. Opinyon ko lang parang pinaghalong concerty at freak show ang kinalabasan ng finals.. I was expecting na England will showcase their rich culture na nagsimula pa noong mga 13th century. Di ba London ang one of the most powerful country after the fall of Roman Empire? kaso parang naging sarswela ang kinalabasan ng closing. Parang yong ginawa yong modern day pop culture talaga nila ang shinowcase...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    angieele
    08/13/2012 | 03:07 PM
    For your info, pinalabas yun sa opening ceremony about England's rich cultute you're talking about. I don't think you have miss a lot, medyo boring nga yun opening ceremony IMO.
  • 16  boooset

    08/13/2012 | 01:50 PM
    sa AKTV naman, finals ng womens marathon, kung kailan malapit na matapos tsaka pinutol yung coverage,. mukhang kailangan pa talaga ng TV5 group ng improvement when it comes to live coverage ng isang malaking event ok lang naman sana maraming commercial basta mapanood sya ng buo. and where is derek ramsay? di ko maramdamang sya masyadong naramdaman sa buong coverage ng London Olympics.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  Friske

    08/13/2012 | 01:49 PM
    Ngayon lang bumabawi after losing billions d past year. But they should have shown it straight, kung d afford ng walang commercial, d n sana nagbid at pinaubaya n s ptv4.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  Joseth

    08/13/2012 | 01:37 PM
    Hindi lang naman yang closing ceremony ang palpak ng tV5 eh pati na rin yong mga games na dapat sana eh mapapanood ng maayos. Ang madalas lang nila ipalabas sa olympic eh basketball at volleyball, minsan may track and field pero hindi tinatapos at pinuputol agad para ipakita ang medal tally. Maganda sana panoorin yong swimming, diving, track and field, gymnastic etc. kase madali matapos kaya lang basta favorite lang nila ipalabas replay ng basketball at volleyball. Mas maganda pa kung channel 4 n lang uli nagpalabas ng olympic buong buo pa at walang commercial.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  puckerlips143

    08/13/2012 | 01:34 PM
    hehe doon sa mga walang cable at umaasa sa freetv check nyo sa mga networking sites baka me nagdownload wag na masyadong OA anlaki na ng lugi ni MVP of course kahit papano need nya rin kumita.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  lubotski

    08/13/2012 | 01:31 PM
    Ano ba, isn't it obvious kung bakit puro advertisements?? Luging-lugi na sila e! Kailangan kumita 'no.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  pretty

    08/13/2012 | 01:28 PM
    What else is new sa TV5?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  chikorita_pikachu

    08/13/2012 | 01:17 PM
    lol!!! wala bang cable sa bahay ang mga nag ti-tweet?!! mabuti pa nga FREE nila npapanuod ang Olympics sa TV5... hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jokoman

    08/13/2012 | 01:13 PM
    For the money..... asa pa kayo?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • bhengot

    08/13/2012 | 01:11 PM
    di pa kaya kayo magpasalamat at kahit papaano na i air para senyo, ano take lang ng take? Natural lang mag commercial para may ipambayad sa nagagastos para ma i air ng libre. Kunsumisyon talaga kayo
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • LosAngeles

    08/13/2012 | 01:08 PM
    omg who cares, get over it people! tv station is here to make money!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • mrsenchong

    08/13/2012 | 12:52 PM
    Hindi pa nila alam kung paano i-handle ang large crowd, na-overwhelm siguro kaya hayun....tsk, tsk, next time...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • blessfull

    08/13/2012 | 12:50 PM
    TV 5.. consistent..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Orangina_123

    08/13/2012 | 12:43 PM
    Buti nga kahit konti may napanood kayo...hihihi...saka dyuskoday! Matatanda na ang spice girls para pagkaguluhan nyo noh?...hihihi...Hindi na girls yon, mga Lola na yon noh...kaloka kayo hihihi
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    mrsenchong
    08/13/2012 | 12:52 PM
    Hindi pa nila alam kung paano i-handle ang large crowd, na-overwhelm siguro kaya hayun....tsk, tsk, next time...
    lefty
    08/13/2012 | 12:58 PM
    lola na pala dapat pinalitan na name nila ng spice grandma or binurong grandma..lol
  • perlita66

    08/13/2012 | 12:43 PM
    There's a replay tonight on AKTV channel. Huwag nang masyadong OA reaksyon. Ginagawa din ibang channels ang commercials sa mga laban ni PACQUIAO.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • okidokimac

    08/13/2012 | 12:38 PM
    Tama ang isang nag Tweet... Misan nga lang naman ang opportunity na mag pakitang gilas hindi pa nilubos lubos ng TV5... Yucky TV5, kala ko mayaman kayo, bakit pinatulan niyo pa ang kakarampot na commercials. . .
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    kcprettyangel
    08/13/2012 | 01:45 PM
    Kailangan din nilang kumita. Ano kayo hilo puro na lang take?
  • tagaamparoako

    08/13/2012 | 12:33 PM
    very rookie kasi.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About