Kapuso Mikael Daez, ignoring rumors about him dating a Kapamilya celebrity: “Regardless of the rumors that go around, which is part of our work naman, I really have to show GMA-7 na hindi ‘yon ang trabaho ko—‘yong pag-aasikaso sa mga isyu at intriga. Ang trabaho ko is to perform for them. And for me to be able to perform for them, kailangan maganda talaga ang chemistry namin ni Andrea.” Mikael and Andrea Torres will topbill GMA-7’s afternoon series Sana Ay Ikaw Na Nga.

Photo: Nerisa Almo

Naging leading man siya agad ni Marian Rivera sa horror-comedy series na Ang Spooky Mo Presents Bampirella.

Nasundan ito agad ng epic-serye na Amaya kung saan isa rin siya sa naging love interest ni Marian.

Ang ikatlong serye ni Mikael ay ang My Beloved, kung saan nakasama na naman niya ang Primetime Queen ng GMA-7.

FOCUS ON HIS CAREER. Para maiwasang masayang ang pagkakataong ito na ibinigay sa kanya ng Kapuso network, sinabi ni Mikael na itutuon niya ang kanyang buong atensiyon sa proyekto.

Isa na siguro itong dahilan kung bakit hindi diretsang nasagot ni Mikael ang tanong namin tungkol sa kanyang lovelife.

Sa halip, iniba niya ang kanyang sagot. Aniya, “I think I’m a happy person, generally. I think I’m a happy person.

“And ‘yon nga, I don’t like being impatient, e.

“Sa tingin ko kasi, ang pagiging impatient ay hindi nakakatulong sa disposisyon mo sa buhay mo.”

Hindi rin siya nagbigay ng komento sa mga napapabalitang relasyon nila ng isang Kapamilya actress.

Natatawang sagot lang niya, “Bahala sila sa sightings nila!

“Don’t worry, I think there will be more pictures of me and Andrea.”

Sa huli, ipinangako ng aktor na ibibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para mapabuti ang bagong proyekto niya.

“Right now, my focus is on the soap,” diin ni Mikael.

“Honestly speaking, I really have to respect the opportunity na ibinigay sa akin ng GMA-7.

“Regardless of the rumors that go around, which is part of our work naman, I really have to show GMA-7 na hindi ‘yon ang trabaho ko—‘yong pag-aasikaso sa mga isyu at intriga.