Bahagi ng napanalunan noon ni Ejay Falcon bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition ang isang condo unit mula sa kontrobersiyal na developer na Globe Asiatique. Ayon sa young actor, hanggang ngayon ay wala pa ang titulo ng kanyang condo unit. Sabi niya: “Hindi ko naman po puwedeng ibenta dahil wala naman po sa akin ang title. Sana maayos pa. Kung hindi na po, wala, ganoon talaga. At saka, ano naman sa akin yun, premyo ng PBB.” 

Marami ang nagulat sa bagong look ni Ejay Falcon nang humarap siya sa press conference ng pelikulang Amorosa noong Miyerkules, August 15.

Mahaba at may pagka-kulot ang buhok nito ngayon.

May paliwanag naman si Ejay sa bago niyang hitsura.

Aniya, “Dati kasi, hindi ako makapagpagupit, may ginagawa akong action movie. Maindie rin pero action."

Ang "maindie" ay pinaghalong mainstream at independent film.

Patuloy ni Ejay, “Bagong producer—Cinema Production. Lahat ng mga action genre sa ABS-CBN, sa kanila naman yun, at directed by Toto Natividad.

“Ang working title naman, Saka-Saka. Parang may pagka-assassin ang kuwento.

“Tapos po, nag-shoot ako doon at nag-shoot din ako rito sa Amorosa.

“Noong makita nila yung mga pictures ko, ayaw nilang pagupitan dahil gusto nila mahaba ang buhok sa bagong teleserye ko.

“Remake din siya ng Viva movie, yung Dugong Buhay.”

Ang Dugong Buhay (1983) ay ang unang pelikula ni Senator Bong Revilla.


PURSUING EMPRESS? Nali-link ngayon si Ejay kay Empress, na naging kapareha niya sa ABS-CBN afternoon soap na Mundo Man Ay Magunaw.


Ano nga ba ang estado ng relasyon nila?

“Sabi po niya, may gusto siya sa akin,” biro ni Ejay.

“Pero hindi, siguro ano, palagi kasi kaming magkasama niyan.

“Kailan lang nag-movie kami. So, nakikita siguro ng tao na 'Bakit ganoon?'”

Nanliligaw o niligawan ba niya si Empress?